Chapter 6.

100 1 0
                                    

CHAPTER SIX

Janna POV

Kanina pa ako na-ccr kaya minabuti kong mag-cr muna bago pumasok, himala ha? hindi ko yata nakita ang pesteng babae na nag-aantay sa'kin dito? mabuti na rin yun, ayoko pa siyang makita.

Pagkatapos kong mag-cr ay pinlash ko muna ito at lumabas na nga ng banyo, aalis na sana ako ng may marinig akong umiiyak, katabi ng cubicle na iniihian ko, pamilyar ang boses niya kaya minabuti kong silipin at tama nga ang hinala ko. Nakita ko si tina, nakaupo, yakap ang sarili habang umiiyak

“Tintin?!?” Napatingin lang siya sa akin pero patuloy parin ang pag-iyak niya.  “Anong nangyari sa'yo, bakit ka nandidito?? anong nangyari bakit ka umiiyak?”

“Janna..... janna.... natatakot ako. Natatakot ako janna” Naguguluhan ako sa mga sinabi niya

“Ano bang nangyayari sa'yo?”

“B-buntis ako janna.... natatakot ako, natatakot ako na baka malaman ni inay at itay, ayokong madissapoint sila janna, natatakot ako” Niyakap ko lang siya, kunwari'y karamay niya ako, pero napaisip din ako. Kung buntis siya, ibiig sabihin..... No. Hindi pwede. Ibig sabihin si Dave ang ama ng magiging anak niya? yung lalaking mahal ko?

Tina POV

Pumunta ako tree house dahil magkikita kami ni Dave. Ilang araw ko rin siyang kinulit para lang makipag kita sa akin buti nga't napapayag ko importanteng malaman niya kasi 'to, kailangan malaman niyang magkakaanak na kami.

Ilang oras pa ang nagdaan ay dumating na rin siya, agad ko siyang niyakap pero dali-dali niyang kinalas yun at kunot noong nakatingin lang sa'kin

“Ano ba yung sasabihin mong importante? make it faster tin marami pa akong gagawin” Nakatingin lang ako sa kaniya

“Ah... kasi.... kasi.. ano eh....”

“Ano?! Bilisan mo na tin, nasasayang yung oras ko oh” Nagsimula na akong maluha habang nagiiwas ng tingin sa kaniya.  “Huy??! Ano ba yung sasabihin mo? bakit umiiyak ka dyan?”

“Kasi dave..... ano eh.... b-buntis ako e-eh” Kita ko ang pagbabago ng reaction niya

“Ano?!?! buntis ka??”

“Oo dave.... sabi ng doctor, tatlong linggo na raw akong buntis”

“Nako hindi pwede yan tina problema yan”

“Anong problema? bakit parang 'di ka masaya na magkakaanak na tayo?!”

“Hindi talaga!! hindi ka pwedeng mabuntis ano kaba! ako ang mayayari nito kay dad kapag nalaman niya 'to, isa pa ayoko pang magka-anak, hindi pa ako ready maging ama kaya hindi pwede yang sinasabi mo tintin!!”

“D-dave? anong gagawin ko, kailangan kita, anak mo rin naman 'to”

“Wala akong magagawa dyan tina, ipalaglag mo nalang yan, hindi ko na kasalanan na nabuntis ka, nakakaubos ka ng pasensya tina dyan kana!” Pilit ko siyang pinipigilang wag umalis pero tinulak niya lang ako kaya napaupo ako sa sahig, wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak, umiyak ng umiyak

Dave POV

Napaupo lang ako na para bang lumilipad ang isip, uminom lang ako ng uminom ng alak, ayokong mamromleba sa problema ni tina pero bakit namomroblema ako??

“Problema pare?” Tanong ni lance habang nakatingin sa'kin

“Si tina.” Napakunot pa ang noo niya sabay tungga rin ng alak

”Why? What's wrong with her bukod sa ghinost mo siya?” Natatawa pa siya ng sabihin niya yon

“Buntis siya” Muntik na siyang mabulunan ng sinabi ko yun

“W-what????!!!”

“I don't know what to do lance” Napaparanoid narin ako

“Nako.... problema yan tol”

“Problema talaga, iniisip ko lang na baka pag nalaman ni dad, yun lang ang pinoproblema ko, hindi pwedeng malaman ni dad yun dahil kung hindi? tapos maliligayang araw ko”

Lori POV

Masyado ng maraming basura dito sa banyo kaya nilinis ko muna, winalis ko ng mabawasan ang mga basura, puno narin ang basurahan dito eh kaya minabuti kong itapon na. Ibabalot ko na sana ng may makita akong isang Pregnancy Test. Positive pa ang nakalagay roon dahil dalawang guhit, napaluha ako, sana nga ay hindi tama ang iniisip ko.

Continued Chapter 7...

Mrs. Fernandez Revenge (COMPLETE)Where stories live. Discover now