Chapter 14.

111 0 0
                                    

CHAPTER FOURTEEN

Tina POV

MAKALIPAS ANG WALONG TAON

Ang bilis pala ng panahon no, biruin mo? 8 years na ang nakararaan pero ito parin ang istado ng buhay ko, gaya ng dati, ganon parin sa'kin si mama, si papa naman minsan lang nandito sa bahay dahil maraming inaasikaso sa kumpanya, si dave naman ay palaging kasama ni papa sa kumpanya, tinuturuan na siya ni papa para kapag nagkataon eh siya na ang hahawak ng bussines, mabuti rin yun.... hindi na ako masyadong mag-iisip kung nasasaan ang asawa ko dahil alam ko namang na sa compony lang siya kasama si papa. Si ate lucille naman mabait parin sa akin, medyo malaki na ngayon si thelyon, 13 years old na siya pero pag kasama niya ako nagpapababy parin siya, sinanay ko kasi eh, simula kasi ng mawala ang anak ko, tinuring ko ng anak si thelyon, natutuwa naman si ate lucille kasi masaya ang anak niya na mayroon siyang dalawang ina

Pumunta muna ako kela inay, dumadaan naman ako dito palagi kapag inuutusan akong bumili ng grocery ni mama.

“Tin, paano kaya kung mamasukan ka, para naman... hindi kalang nakakulong do'n sa mansion kasama yung impokritang nanay niyang asawa mo” Saad pa ni inay

“Nay hindi po pwede.... ako na rin po ang madalas na nag-aalaga kay thelyon kasi madalas ding wala si ate lucille, alam niyo naman pong may bussiness din siya doon sa ibang bansa, hindi niya pupwedeng pabayaan yun” Napabuga lang si itay habang nakatingin sa'kin

“Ayos ha? ano sila nakakuha ng katulong, tignan mo nga itchura mo, nangangalumata ka, alam mo tintin kapag hindi maganda ang trato nila sayo ro'n umuwi kana lang dito, iwanan mo na 'yang asawa mo”

“Hindi naman po madali yang sinasabi niyo tay eh, mahal ko po si dave.... nag sstay ako ro'n para sa kaniya”

“Bahala ka nga” Tumayo si itay at lumakad papasok sa loob, sinundan naman siya ni inay habang kami nalang ni ate ang naiwan

“Wag mo nalang sila pansinin, nag-aalala lang sila sa'yo” Napangiti pa ako kay ate

“Okay lang ako ate, nandyan naman kayo eh, kapag nakikita ko kayo lumalakas ako... sana nga.... andito rin si janna eh, kamusta na kaya siya ate? miss na miss ko na yun, simula kasi nung umalis siya, ni hindi siya tumawag, pero naiintindihan ko naman siya, stress lang siya kaya niya ako iniiwasan” Kita ko ang pagsalubong ng kilay ni ate habang nakatingin sa'kin

“Alam mo tin pasalamat ka kapatid kita, kung hindi inal0g ko na yang utak mo, hindi ba obuse na iniiwasan ka niya, eh paano.... nalalamangan mo siya, palibhasa kasi inggitera siya”

“Ate naman..”

“Totoo naman! alam mo tina hindi ako magtataka na 'yang sinasabi mong ''kaibigan'' mo, yan na yan ang tatraydor sa'yo”

“Hindi ako magagawang traydorin ni janna ate, hindi niya yun magagawa sa'kin, kaibigan niya kaya ako, at nangako siyang babalik siya”

“Kaibigan?!?!?! kung kaibigan ka niya, tatawag siya sa'yo tin bago siya umalis, o may cellphone na ngayon, may facebook na, maski sana nag hi siya or hello, pero wala.... wala kang natanggap diba? sige nga, kaibigan ba ang tawag diyan” Napatingin lang ako kay ate, may point naman siya, nasaan na ba kasi si janna

Dave POV

“Grabe ka pre.... ilang taon na ang nagdaan ito at mga lasinggero parin tayo, hahahaha” Natatawa pang sambit ni lance

“Haaaay, nasstress kasi ako, hayaan mo na ito nalang ang takbuhan ko eh, stress sa work, stres sa bahay, stress kay tina”

“Bakit? hanggang ngayon ba??? hindi parin kayo magka-anak?” Napailing lang ako

“Ewan ko, hindi ko ba malaman kung ba0g siya o ano, imagined pre.... 8 years, 8 years nanaming sinusubukan pero hindi siya mabuntis buntis, napapagod na talaga ako sa kaniya, i don't know arrrghhh!! pagod na ako sa lahat, parang gusto ko nalang bumalik sa dati... yung tamang chill, walang pinoproblema, patikim tikim lang ng babae, ngayon kasi wala na” Natawa pa si lance

“Luh ka pre, baka naman kinak4rma kana, bwisit na bwisit ka kasi sa anak ni tina dati eh, tignan mo ngayon hindi ka magkaanak”

“I don't know lance” Tumayo ako at napatingin sa akin si lance

“Oh saan ka pupunta?”

“Cr, saglit lang ha?” Lintik na sa taas pa pala ang banyo, mag eelavator nalang ako para mapadali

Akmang magsasara na sana ang elevator ng may humarang na isang kamay, bumukas ito at bumungad sa'kin ang isang babae, pamilyar ang itchura niya, isinara niya ang pinto at lumapit sa akin, napasandal ako sa dingding elevator habang nakangiti siyang nakatingin sa akin

“How's you dave?” Mapang akit niyang sambit, nakatingin lang ako sa kaniya.

“A--ah s--sino k--kaba ms?” Utal ko pang sabi, mas lalo niya akong kinulong sa mga bisig niya at mas lalong inilapit ang mukha sa akin

“Ouch... hurt? pag alis ko, hindi mo ako maalala, hanggang pag balik ko parin ba dave?” Napatingin pa ako sa kaniya, nakakunot. “Just look at my face, alalahanin mo kung saan mo siya nakita”

     -- “Salamat ha?”
     -- “By the way, what's your name?”
     -- “Janna”
     -- “Please..... please.... bumalik kana sa'kin, ako naman yung nauna diba? Please dave wag kanang magpakasal kay tina, ako nalang.”

“Janna?” Napangiti siya ng sabihin ko yun

“I thought you won't remember” Idinikit niya ang labi niya sa akin ngunit agad niya yung inalis ng mapansing napapikit ako

“Hahahahaha you really like it huh?” Napangiti nalang ako ng halikan ko rin siya, tumugon siya ng halik ngunit agad niya naman yung inalis ng maramdamang tumunog na ang elevator

“This is my card, just call me” Umalis nalang siya at agad kong tinignan ang card na binigay niya, napangiti pa ako.

Grabe ibang iba na siya ngayon, ang ganda na niya, at halatang mahahalin na siya unlike before na.... ewan basta she looks so different and i like the way she kissed me, i think hahanap-hanapin ko yun.

To Be Continued Chapter 15

Mrs. Fernandez Revenge (COMPLETE)Where stories live. Discover now