Chapter 9.

95 0 0
                                    

CHAPTER NINE

Tina POV

KINABUKASAN...

“Ang ganda ganda mo naman anak, hay.... hindi ako makapaniwala na ikakasal kana” Saad pa ni inay

“Kinakabahan po 'ko nay” Hinimas pa ni ate ang likod ko at nginitian ako

“Ano kaba tin, wag ka nga kabahan, positive lang okay? nasisira yung ganda mo oh” Napangiti pa ako kay ate

“Mag-aasawa kana anak... aalis kana sa bahay natin, mawawalay kana sa'min” Hinawakan ko lang kamay ni inay at hinalikan ko iyon

“Nay pupunta parin naman po ako roon eh, syempre po dadalawin ko po kayo” Kita ko ang pagtulo ng luha ni inay. “Nay wag kana po umiyak, naiiyak rin po ako oh” Todo resque si ate upang iretouch ang mukha kong nabasa ng luha, nasisira raw kasi ang makeup

“Wag mo nalang pansinin ang inay mo anak, syempre.... simula sanggol ka palang kapiling kana namin, ngayon kalang mawawala sa'min ng matagal, hindi mo kami masisisi kung mangungulila kami sa'yo” Saad pa ni itay

“Sorry po tay...”

“Shh tahan na anak... araw mo ngayon, dapat maging masaya ka, ha?”

“Tama si tatay tin, napapagod na akong mag retouch sa'yo ha? wag kana umiyak nasisira yung makeup mo oh” Saad pa ni ate, natawa ako sa reaction niya

“Hahahahahaa oo na po”

Ilang sandali pa ay nagsimula na nga ang seremonya, kasama kong lumakad patungo sa altar ay ang itay, masaya ako kasi isa 'to sa pangarap ko. Ang makasal sa lalaking tunay kong minamahal, ang magiging tatay ng anak ko, masaya ako kasi kahit ito man lang ay natupad. Agad kinuha ni dave ang kamay ko ng makalapit na kami sa altar at sabay kaming humarap dito

“Since it is your intention to enter into the covenant of holy matrimony, join your right hands, and declare your consent before God and his church.” Saad ng pari

“I'm Dave Fernandez take you Tina Sargaro to be my wife. I promise to be true to you in good times and in bad, in sickness and in health. I will love you and honor you all the days of my life.” Saad ni dave habang sinusuot sa'kin ang singsing

“I'm Tina Sargaro, take you Dave Fernandez to be my husband. I promise to be faithful to you in good times and in bad, in sickness and in health, to love you and to honor you all the days of my life.” Sambit ko habang sinusuot ang singsing sa kaniya

“Dave? do you take Tina to be your wife? Do you promise to be faithful to her in good times and in bad, in sickness and in health, to love her and to honor her all the days of your life?” Matagal bago magsalita si dave, napatingin pa ako sa kaniya, alam ko sa sarili ko na... ayaw niya pang magpakasal pero wala siyang magawa, at nakokonsensya naman ako roon

“I do.”

“Tina? do you take Dave to be your husband? Do you promise to be faithful to him in good times and in bad, in sickness and in health, to love him and to honor him all the days of your life?”

“Opo”

Janna POV

Dumaan muna ako sa simbahan upang sa huling pagkakataon ay masilayan ko man lang si dave, at sakto pa ang aking pagdating sa pinaka masakit na part na masisilayan ko.

“You may now, kiss the bride” Kita ko ang paghalik ni dave kay tina, di ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko, kita ko ang saya sa mga mata ni tina na labis na ikinagalit ko, ako dapat ang nandyan!! hindi siya

“Babalikan kita dave... babawiin kita, pangako yan” Umalis nalang ako at dumeretso na sa airport, baka maiwan pa ako ng eroplano.

To Be Continued Chapter 10

📢Author Announcement: Hi readers, ahm i just want to say to thankyou for support my story don't forgot follow also vote thank you again ❤️

Mrs. Fernandez Revenge (COMPLETE)Where stories live. Discover now