Chapter 20.

157 2 0
                                    

CHAPTER TWENTY

Dave POV

Pumunta ako sa pwesto ni tina, tulog siya habang nakayuko ang ulo sa mesa, binuhat ko siya para dalhin sa kwarto, paglapag ko sa kaniya sa kama ay bigla siyang naalipungatan, nakatingin lang siya ngayon sa'kin, magang maga ang mga mata niya dahil sa pag iyak

“Dave? bakit ba ganyan ka? bakit palagi mo nalang akong sinasaktan?” Umiiyak siya ngayon habang nakatingin sa'kin, nakatingin lang ako sa kaniya, naaawa.

Sa totoosin lang tama si dad, hindi ako desserve ni tina... naawa ako sa kaniya kasi hindi ko siya magawang mahalin, pinipilit ko naman eh kaso... kaso hindi ko talaga kaya. Pagkatapos no'n ay napapikit siya at muling natulog, lasing siguro siya dahil amoy ko kanina sa hininga niya ang alak na ininom niya.

Tina POV

Nagising akong masakit ang ulo ko, napatingin ako sa paligid at napansin kong na sa kwarto na ako, maya pa ay biglang pumasok si dave, may dala siyang pagkain

“Tin? gising kana pala” Hindi ko siya kinibo habang nakatingin lang sa kaniya. “Bakit ganiyan ka makatingin? nagtatampo ka parin ba? sorry na.... marami lang akong inasikaso kaya hindi ako nakarating agad”

“Mas importante ba yan kaysa sa anniversarry natin?” Napatingin lang siya sa akin

“Sorry... babawi ako, promise.” Napaiwas ako ng tingin sa kaniya.  “Sorry na... sorry na po” Napatingin ako sa kaniya habang nagpapacute pa, hindi ko alam, ang hirap namang tiisin ng taong 'to. “Sorry na ha?” Niyakap niya pa ako, wala parin akong imik

Hindi siya pumasok ngayon bagkos umayos siya ng isang tent dito sa garden, bumili lang siya ng mga karne at inihaw ihaw namin dito, masaya naman.... kasi sumali sa palaro namin si thelyon, totoo nga... babawi nga siya, bakit ba kailangan pa akong masaktan para tratuhin niya ako ng ganito?

Janna POV

Bwisit na dave yan, iniwan ba naman ako sa gitna ng gubat, hay0p siya pag siya nakita ko malilintikan siya sa'kin, kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi niya sinasagot.

“Aaarrrrghhhhhhh!!!!!”

“Hayyy! ano ba mars?!!?! jusko kung makasigaw ka naman!!” Tarantang saad pa ni lia

“Bwisit!! hindi niya sinasagot ang mga tawag ko!”

“Baka naman na sa work?” Napairap pa ako kay lia at kinontact si tita

“Hi tita?”

(Yes dear?) Saad ni tita sa kabilang linya

“Ah tita, can i ask you? where's dave?”

(Argh, here. Nagcecelebrate sila ng losyang niyang asawa ng anniversarry dahil hindi sila nakapag celebrate kagabi) Nagsalubong ang mga kilay ko

“Ah ganon ba tita? thanks ok bye” Binato ko ang cellphone ko pagkababa ko sa tawag ni tita, bwisit siya! matapos niya akong iwan sa gubat mag-isa at hindi pag respond sa mga tawag ko andoon lang pala siya asawa niya, hay0p ka dave, i hate you!!!!!!!!

Tina POV

Gabi na at andito lang kami ni dave sa loob ng tent, nakatingin sa taas

“Alam mo dave.... siguro kung hindi kita nakilala, siguro, isa na akong nurse ngayon, yun kasi ang pangarap ko noon pa”

“Sinasabi mo ba na.... nagsisi kang nakilala mo 'ko” Napangiti pa ako

“Hindi ha? sa katunayan niyan, ang saya ko... kasi isa sa pangarap ko na, ang makasal. Makasal sa lalaking magiging tatay ng anak ko, at nangyari nga, sa pamamagitan mo rin, nalaman ko kung paano magmahal, kaya mahal na mahal kita...” Hindi ko namalayan na hinalikan ko siya, dala na rin siguro ng nararamdaman ko, lumayo ako agad sa kaniya dahil pakiramdam ko nailang siya sa ginawa ko

Tatayo sana ako ng hilain niya ako at sinimulang halikan, tinugon ko rin ang mga halik sa akin ng asawa ko.

Dave POV

Kinaumagahan ay maaga akong umalis, pumasok na ako at iniwan ko nalang si tintin don sa tent, tulog na tulog siya, maiintindihan naman niya kung aalis na ako. Pag pasok ko sa office ko ay nagulat ako dahil kita ko si janna, hindi maipinta ang itchura niya

“Woowww, buti naman buhay kapa?”

“Janna? uy ano kaba, ano bang ginagawa mo rito” Taranta kong saad at hinila siya papunta roon sa sulok, nag-aalala baka may makakita sa amin

“Ako dapat ang magtatanong hindi ikaw? bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko??? ano masaya ba? naging masaya kaba?!?!”

“Shhh shh ano kaba baka may makarinig sa'yo”

“I don't care, gusto ko nga yun eh... malaman nila na kabit mo ko, para nang sa ganon hindi mo na ako tinatago lang, ayoko ng set up natin dave, gusto ko malaya kitang nahahalikan, nahahawakan, hindi yung ganto! bwisit, alam mo dave bakit ba kasi hindi mo nalang iwan yang asawa mo”

“Hindi pwede, ano kaba naman.... malakas ang kapit ni tina kay dad, kapag sinaktan ko siya ako agad ang pagiinitan ni dad nagegets mo ba?!”

“I hate this!! arrgh! gagawin kong lahat para maging akin kana, i swear!!” Padabog siyang lumabas sa office ko, napahawak ako sa sintido ko at napaupo nalang, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

Janna POV

Uminom lang ako kasama si lia, nababadtrip na ako sa mga nangyayari, nakakainis

“Oh ngayon naman magiinom ka nalang nang magiinom?”

“Wala kang pakialam! naiinis ako wag kana ngang sumabay!!” Irita kong saad sa kaniya

“Ano kaba naman girl, natural lang yan! kumabit ka sa may asawa, syempre... natural lang na magtago kayo sa mata ng tao” Napairap ako

“Kabit? ako? nooooo, hindi ako bumalik para lang kumabit noh!”

“Hello girl... eh anong tawag mo sa pakikipagrelasyon sa taong asawa na ng iba? sige nga, hindi ba pagiging kabit ang tawag diyan??”

“Arrrrrgggggh!!! letche! bwisit talaga yang tina na yan” Bigla akong napangiti sa mga naiisip ko, may plano na ako, at sigurado akong luluha ng malala si tina sa mga gagawin ko. “Sa tingin ko... kailangan ko ng kumilos.”

To Be Continued Chapter 21

Mrs. Fernandez Revenge (COMPLETE)Where stories live. Discover now