Chapter 27.

165 4 0
                                    

CHAPTER TWENTY-SEVEN

Tina POV

“Cheers para una kong hakbang.” Tumatawa si mama samantalang blangko ang mukha ni denver na nakatingin sa'kin

“Ano ba ang plano mo talaga anak?”

“Syempre uunahin ko si dave.... ma may tanong po ako? pang aagaw ba ang tawag sa kukunin ang asawa mo sa babaeng totoong nang-agaw sa'yo?” Naningkit ang mga mata ni mama

“Hindi, asawa mo siya, ikaw ang mas may karapatan sa kaniya.” Napangiti pa ako

“So basically hindi ko aagawin ang asawa ko, parehas ko silang bibitagin sa patibong ko, ipapatikim ko kay janna ang pakiramdam kung paano maagawan, hahahahaha”

Pagtapos namin mag celebrate ay napaupo muna ako sa pool, tumabi sa akin si denver, hindi parin ako tumitingin sa kaniya

“Masaya kaba sa ginagawa mo?” Napatingin ako sa kaniya

“Oo. Wala pa nga akong nagagawa eh, siguro mas magiging masaya ako kapag nakita ko na silang gumagapang sa hirap.”

“Hindi mo naman kailangan gawin 'to tin, huwag mong pahirapan ang sarili mo.”

“Hindi mo ko naiintindihan!!! palibhasa kasi hindi mo naramdaman ang mga naramdaman ko, ikaw ba sa buhay mo? naranasanan mo na bang lokohin ng tinuturing mong kaibigan? pagdiskitahan ng babaeng mahal mo? ako kasi oo.... from day 1 hanggang sa huling huling nangyaring paghihirap sa buhay ko tandang tanda ko yun denver!!! inipon ko yun, tiniis ko!! ngayon... wala akong ibang gustong gawin kundi ang gumanti sa kanila!!!!!!!!!! lahat sila iisa-isahin ko!!!!!!!!” Sigaw ko pa, hinagis ko pa ang baso at nabasag ito, naalala ko nanaman kasi yung buhay ko noon... narealize ko lahat kung gaano ako katang4 noon kay dave, nagbulag-bulagan ako sa mga panloloko niya.

Niyakap lang ako ni denver habang iyak parin ako ng iyak, akala ko nakalimutan ko na, akala ko wala na sa'kin lahat ng sakit pero bakit ganoon? nasasaktan parin ako.

Nagpunta ako sa mall para magshopping ng gagamitin kong damit para sa pagkikita namin muli ni dave, i want to seduce him and when he falls into my trap... sasaktan ko siya na mas masakit pa pinaranas niya sa akin, at may plano na ako roon.

“Denver?” Napatingin siya sa akin

“Hmm?”

“Can I ask for a favor?” Napatingin siya sa akin.

“Sure... ano yun?” Binigay ko sa kaniya ang isang envelop, binuksan niya yun at nakita ang mga larawan ni dave.

“He's my ex husband, at gusto kong kaibiganin mo siya.”

“Bakit ako?? Hindi ko magagawa yan tin.”

“For me please?” Napabuga siya ng malalim na hininga

“Fineeee, okay, gagawin ko na” Niyakap ko lang siya ng mahigpit, masaya dahil magagawa ko narin ang plano ko.

Janna POV

nagaayos ako ng mga polo ni dave ng makita ko ang isang calling card.

“Natasha montelviar?” Bigla siyang dumating at kita niya na hawak ko ang card sa polo niya, agad niya yung kinuha sakin at napatingin sa'kin ng bakas sa mukha ang gulat.

“Bakit hawak mo 'to?”

“Ako dapat ang nagtatanong! sino yang natashang yan? at wow ha? ang kapal ng mukha mong kumuha ng number ng ibang babae habang nandito kami ng anak mo naghihintay sa'yo?”

“Hindi ko siya babae, ano kaba janna, kliyente ko siya!”

“Kliyente mo mukha mo!! hindi ako t4nga kagaya ng asawa mo ha? wag mo kong ginagawang si tina, kapag nalaman kong may babae ka!! humanda ka kay papa, isusumbong talaga kita!” Napailing lang siya at umalis na sa kwarto, inis ko sinipa ang mga labahan, nakakainis!

Dave POV

Paakyat ako sa hagdanan papunta sa office ko ng malaglag yung mga dala kong paper, nako hindi to pwedeng madumihan malalagot ako neto kay dad, nagkanda kumahol akong ligpitin yun dahil anong oras na, hinihintay na ni dad tong mga papel sa'kin nang may makita akong kamay na tumutulong upang pulutin ang mga papel sa lapag.

Napatingin ako sa kaniya at napangiti pa ng alanganin, seryoso lang siyang napatingin sa'kin.

“Salamat tol ha? nagmamadali kasi ako eh...”

“Ayos lang, halata namang nagmamadali ka.” Kalmado niyang saad

“Ano nga palang pangalan mo?”

“Denver.” Napatango-tango pa ako habang nakatingin sa kaniya. “Kung gusto mo naman ako magdadala sa ibang papel, mamaya malaglag nanaman eh”

“Sige pre ito” Kinuha niya lang at sabay na kaming pumunta sa elevator.

To Be Continued Chapter 28

Mrs. Fernandez Revenge (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon