Chapter 42.

148 3 0
                                    

CHAPTER FORTY-TWO

Janna POV

“Arrrghh!! Ano ng gagawin ko Lia?!! Wala na akong pera, bwisit.... yung bahay ko ron sa spain naibenta ko na pero ang bilis mawala ng pera nakakairita na!!!”

“May nakita akong fliers do'n sa bahay nila Dave oh, naghahanap sila ng maid... pasok kana sis, hindi ka pa magkakapera, makikita mo pa si Dave oh diba?” Nabuhay ang ngiti sa mga labi ko

“Patingin nga ako.” Kinuha ko sa kaniya ang fliers at tinignan ko, hahahahahaha agad kong tinanggap ang trabaho.  “Sige lia, tinatanggap ko na 'tong trabahong 'to”

“Sige babe pirmahan mo 'to” Napakunot ang noo

“Para sa'n yan?”

“Para naman may katunayan na magtatrabaho ka”

Nagdududa man ay pinirmahan ko na rin, basta ang mahalaga sa akin ngayon ay makakasama ko na si dave sa iisang bahay.

Tina POV

Hapon may tumawag sa akin, agad ko rin namang sinagot ang tawag na ito.

“Talaga? Well good.... Thanks sa tulong mo, ngayon... maglalaro muna kami ni janna.” Biglang tumunog ang doorbell, napangiti ako.  “Sige na lia, nandito na siya”

(Sige po ma'am) Napangiti pa ako.

Pagbukas ko ng pinto ay kita ko ang panlalaki ng mata ni janna, habang nakangiti lang ako sa kaniya

“Tina?!?!! Anong ginagawa mo rito?”

“Hahahahahaha welcome janna”

“Wag mo kong mawelcome welcome lumayas ka rito sa pamamahay ni dave!!” Mas lalo akong natawa sa sinabi niya

“Hindi ka yata nainform na, akin na ang bahay na 'to, technically, sa'kin ka magtatrabaho”

“As if namang papasok ako sa'yo” Tinaas ko ang papel

“Baka nakakalimutan mong nakapirma ka” Nakatingin lang siya sa akin na halata sa mukha ang inis

“Wala kang magagawa kundi sundin ang gusto ko, wag ka mag-alala janna... mabait pa rin naman ako eh, lalakihan ko ang sahod mo, nakakaawa ka kasi, mukhang.... gipit na gipit ka”

“Bwisit ka”

“Janna naman.... ganyan mo ba itrato ang amo mo? alam mo mabuti pa simulan mo ng maglinis, simulan mo sa... ahm... sa cr, kuskusin mong maigi ha? hanggang sa matanggal yung dumi, sige bye”

“Arrrrghhhhhh!!!! bwisit ka talaga tina!!! I swear Lia pap4t4yin kita!!!” Rinig ko pang sigaw niya ng palabas ako, ngayon ikaw naman ang maglinis ng bahay na saksi sa mga panloloko niyong dalawa ni Dave

Denver POV

“Whooa, ano sa tingin mo dude? Okay ba yung suot ko.... ahm wala bang mali?” Tinignan ako mula ulo hanggang paa ni cassandra inshort sandra, ang bestfriend namin ni tina, marahil hindi siya madalas kasama ni tina dahil ako ang madalas na kasama niya, nakahawak pa siya sa baba niya habang sinusuri ang suot ko

“May mali sayo”

“Ano?!! Hoy sandra wag kang ganyan ha? Hindi ako basta may pupuntahan lang, aakyat ako ng ligaw kay tina”

“Alam ko shonga! ang akin lang may mali sa'yo, yun yung pagiging gwapo mo kahit anong suutin mo, hindi mo kasi ako pinapatapos eh oa ka hahahahaha” Natatawa niyang saad

“Ahyss akala ko naman eh, bwisit ka talaga”

“Pero..... Sure ka? Aakyat ka talaga ng ligaw sa frenny ko? Ano kaba.... kagagaling niya lang kaya sa masalamuot na relasyon, sa tingin mo ba papayagan ka niyang manligaw?”

“Hindi ko alam.... sandra naman eh, pinagoverthink mo pa ako”

“Sa true lang naman, nag aalala rin ako kay tina... alam mo namang simula palang ng magkakilala kami tinuring ko na siyang kapatid diba? at nagaalala rin ako sayo... parehas kayong mahalaga sakin denver” Hinawakan ko lang ang kamay ni sandra

“Tiwala ka lang.... tatry ko lang naman, sige na suportahan mo naman ako, alam mo namang gusto ko na si tina noon palang diba? please Sandra please?” Napangiti siya at tumango

“Oo na, para kang bata hahahahaha”

Cassandra POV

Pumayag ako sa gusto niya... malakas 'tong tao na'to sakin eh. Sa sobrang saya niya na pumayag ako ay nahalikan niya ako ng biglaan sa pisngi

“Thankyouuuuu sandra!! mwaa!” Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya, wala lang sa kaniya ang ginawa niya at inakbayan niya pa ako

Ang hirap naman... gusto kong sabihing “ako nalang” pero mahal ko rin si tina, parehas ko silang mahal eh, kaya sige... magpaparaya nalang ako, masaya naman si denver kay tina, okay na sakin yung parehas silang masaya.

To Be Continued Chapter 43

Mrs. Fernandez Revenge (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon