Chapter 7.

114 1 0
                                    

CHAPTER SEVEN

Tina POV

Pag-uwi ko ay kita ko ang mga tingin na ibinabato sa akin ni inay at itay, hindi pa man ako nakakapasok ay grabe na sila kung makatingin

“Nay mano po” Nagmano ako ngunit ganon parin ang itchura ni inay, nakatingin parin sa akin.  “Ano pong problema nay?”

“May hindi kaba sinasabi sa'min tintin? May hindi ba kami alam?” Nakatingin lang ako sa kanila na nakatingin lang sa akin

“W-wala naman p-po”

“Sa'yo ba ito?” Pinakita niya ang pregnancy test na ikinagulat ko, bakit na kay inay yan? tinapon ko nayan ha?  “Sumagot ka tina!” Napaluha lang ako, hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanila

“S-s-sorry nay.... sorry pooo” Iyak ko habang nakatingin parin sa kanila, umiyak na rin si inay habang nag iwas ng tingin

“Bakit mo 'to nagawa sa amin anak? tintin bakit??”

“Sinong tatay niyang bata na 'yan?” Saad pa ni itay na walang imusyon ang mukha

“T-tay..”

“Sino!!!!!” Nagulat ako sa sigaw ni itay kaya lalo akong napahagulgul

“S-s-si d-dave po t-tay...” Hinila niya ako palabas kaya mas lalo akong umiyak  “Tay sa'n po tayo pupunta!”

“Sa bahay ng ama ng batang yan, hindi maaring hindi ka niya panagutan!!”

“Tay!! hindi na po, tay ayoko pooooo”

“Hindi, tara dito ituturo mo ang bahay sa ayaw at gusto mo”

Masyadong malakas si itay kaya hindi na rin ako nakahindi sa gusto niya, itinuro ko nga ang bahay, tanda ko pa na itinuro ito ni Dave sa'kin nung mga panahon nanliligaw pa siya sa akin

Dave POV

Medyo may tama na rin ako sa pag inom ng alak pero hindi pa naman ako lasing, nahihilo lang..... Pag pasok ko sa bahay ay pinikit-pikit ko pa ang mga mata ko kasi nakita ko si tintin, nakupo roon kasama ang.... mga magulang niya? Ano ba 'to, namamalikmata lang ba ako dala ng kalasingan o totoo 'to

“Look who's here, nandito na pala ang napaka galing kong unikoiho” Nakakunot lang ang noo ko ng hilain ako ni dad paupo roon, nawala ang hilo ko ng mapagtantong totoo nga, nandito si tintin at ang mga magulang niya, umiiyak siya at nakayuko

“Now we're complete, just tell me ano ang kailangan naming gawin?” Saad pa ni dad ng mahinahon

“Wala kayong kailangang gawin, ang kailangan namin, panagutan ng anak mo ang anak namin” Galit na sabi ng ama ni tintin

“Syempre naman... Kailangan talagang panagutan nitong magaling kong anak ang anak niyo” Nakangiti parin si dad habang sinasambit yon.  “Hindi ba dave?”

“Ah... ahm... o-opo”

“Kailangan nilang makasal dalawa sa lalong madaling panahon” Saad pa ni dad na ikinagulat ko

“Dad?!”

“Bakit? May problema ba tayo do'n kid?” Napailing lang ako sa takot na baka ano pang gawin niya kung umayaw ako

“Oh common honey.... agad-agad? Can we spend a few weeks before those things? Look at your son, ni hindi pa nga nag sisink-in sa utak niya na ikakasal na siya” Saad pa ni mom.

“No. Kailangan na nilang magpakasal sa lalong madaling panahon, can you please shut up Nancy? wag mo ng kunsintihin 'tong anak mo, kailangan niyang panindigan ang mga ginawa niya, kailangan niyang ikasal kay tina. This coming sunday, ikakasal sila sa ayaw at gusto nila, end of discussion.”

Nang makaalis ang pamilya ni Tintin ay minabuti kong pumunta sa room ni dad, at andon nga siya inaasikaso ang mga papel na kakailanganin sa araw ng kasal namin ni Tina

“Dad...”

“What? If you're here to tell me you don't want to get married, just leave.” Hindi pa rin siya tumitingin sa'kin at panay parin ang kilos ng mga kamay niya desk na puno ng mga papel

“But dad, i don't love her, hahayaan mo bang makasal ako sa babaeng hindi ko mahal”

“Yes.” Nakatingin na siya ngayon sa akin, tumayo siya at lumapit sa'kin upang pantayan ako ng tingin.  “Bakit naman hindi? Ikaw nga hinayaan mo ang sarili mong buntisin siya kahit di mo siya mahal, doon palang kid malalaman kong isa lang 'to sa mga katarant@duh@n mo.”

“I didn't mean it dad, it was just a mistake”

“Shut up!! Listen kid. You're getting married to tina this coming week and you have nothing to do but do what I want. Mabuting nang nagkakaintindihan tayo Dave, dahil kapag napahiya ang pamilya natin, ikaw ang ipapahiya ko maliwanag?” Napatango lang ako, lumabas lang siya, napatingin lang ako sa kawalan, nag-iisip ng mga posibleng mangyayari.

Janna POV

Ilang araw ng hindi pumapasok si Tina, ano na kayang nangyayari sa kaniya? Minabuti kong dumaan muna sa kanila at sa hindi sinasadya ay kita ko si Dave katabi si Tintin, napakunot ang noo kasi parang meron silang pinag-uusapan, nandoon din si Tatay Rey at si Nay Lori, pati narin si Rachelle at pati ang mga magulang ni Dave? Pero bakit? Anong meron at nagpupulong-pulong sila? Hindi muna ako umalis at pinakinggan ko lang ang usapan nila

“Ah mabuti namang maayos na ang lahat, ngayon ano ba ang plano?” Saad pa ni Nay Lori

“Naihanda ko na agad ang mga papel para sa kasal nilang dalawa, ngayon ang permission niyo nalang na pinapayagan niyo si Tinang ikasal sa anak ko ang gusto kong makuha.” Napakunot ang noo ko, ikakasal??? si Tina kay Dave???

“Oo, pumapayag kami, basta lang mapanagutan itong anak ko” Saad pa ni Tay Rey

“That's good, now dave your turn” Napatango lang si Dave at napatingin kela nanay lori at tatay rey

“Ahm Ma? Pa? Puwede ko ho bang ihingiin ang kamay ni Tin upang makasal sa akin?” Iniabot pa ni Nay Lori ang kamay ni Tina kay Dave at kinuha naman yun ni Dave, napaluha lang ako at hindi na kinaya kaya minabuti ko nalang umalis.

Continued Chapter 8....

Mrs. Fernandez Revenge (COMPLETE)Where stories live. Discover now