Chapter 36.

138 3 0
                                    

CHAPTER THIRTY-SIX

Tina POV

Nagising akong na sa tabi ko si Dave, natutulog siya ngayon ng mahimbing, pinipigilan ko ang sarili kong tumitig sa kaniya....

“Ano kayang maramramdaman ni janna kapag... may nakita siya sa'yo? Siguro masasaktan siya? Mas masakit sa naramdaman ko, ganyan naman ang gusto kong mangyari dave.... yung maramdaman niyo rin yung sakit na naramdaman ko ng doble.” Sabi ko pa habang pinagmamasdan siya habang tulog na tulog

Habang tulog siya ay minantyahan ko ng lipstick ko ang kwelyo niya, kinuha ko rin ang pabango ko sa bag at inisprayan ko ang damit niya.

“Goodluck sa journey niyong dalawa, sana nga ay magtagal pa kayo.” Kinuha ko na ang bag ko at umalis na ako sa condo ko

Dave POV

Umaga na ng magising ako, wala na si natasha sa tabi ko, nakatulog pala ako nako naman, inumaga na ako ng uwi, paniguradong hindi lang si dad ang sesermon sa'kin kung hindi si janna. Chineck ko muna ang cellphone ko, kita ko ang mga message na t4dt4d galing kay janna, pero una kong pinansin ang text ni natasha

From; Natasha

I'm sorry dave kung umalis ako na walang paalam sa'yo, i need to go home kasi, may emergency, i'm really sorry.

Napangiti pa ako at agad na tinago ang phone, inayos ko pa ang sarili ko, sana nga talaga ay hindi mapansin ni Janna.

Pag-uwi ko sa bahay ay wala na si dad, na sa work na siguro.... pumasok ako sa kwarto at kita ko si Janna, nakaupo.

“Saan ka galing?” Nakatalikod parin siya mula sa akin, hindi parin lumilingon.

“Janna... May tinapis lang akong trabaho—”

“Trabaho nanaman??! Bakit dave? Wala bang katapusan 'yang trabaho mo?? At..... At ano 'yang amoy mo? Pabango ng babae?” Inamoy ko pa ang sarili ko at oo nga, sh1t hindi ko 'to napansin kanina, edi sana nakapagpalit ako

“Trabaho pala ha? Anong tinrabaho mo? Babae?!?! Tignan mo nga yang na sa kwelyo mo, 'yan ba ang trabaho? May bahid ng lipstick hahahahaha ang ganda naman pala ng trabaho mo.” Hindi ako makapagsalita, kita ko lang ang bahid ng lipstick sa kwelyo ko, bakit ako meron neto?

“Magdamag kitang hinintay, hindi kaba naawa sa anak mo? Bwisit ka!!” Sinamp4l niya pa ako at hindi nalang ako nakapalag, wala na akong mairarason

“Ano bang meron sa natasha na yan?!?!? Bakit dave!!” Umiiyak na siya ngayon, niyakap ko lang siya, naawa ako para sa anak namin, hindi ko dapat ginagawa 'to kay janna dahil buntis siya pero ito pinapaiyak ko siya, iniisip ko baka sa pangalawang pagkakataon mawalan nanaman ako ng anak

Denver POV

“Natasha! Natasha kamusta? Bakit ngayon kalang umuwi, nag-aalala sa'yo si tita, ano bang nangyari sa'yo, pinag-alala mo rin ako” Hinawakan niya lang braso ko at napangiti

“Ayos lang ako, kailangan ko munang magpahinga denver, mamaya pupunta pa ako kela inay, salamat sa pag-aalala niyo ni mama” Tinanggal narin niya ang pagkakahawak sa akin at pumasok na sa loob.

“Nata—”

“Hayaan mo muna siya denver, masiyadong maraming inaasikaso ang batang 'yan, pagod 'yan for sure” Napatingin ako kay tita

“Nag-aalala ako sa kaniya tita.... Baka dahil sa paghihigante niya, matutunan niya ulit mahalin ang asawa niya”

“Natatakot ka ba na magkagusto sa iba si Natasha kasi nga mahal mo siya tama?” Napaiwas ako ng tingin kay tita loraine at napangiti lang siya

“Alam mo denver, wala namang masama kung mahalin mo siya, beside hindi mo naman siya totoong pinsan, hindi mo siya kadugo, ang totoo nga niyan gusto kita para kay natasha, please denver, gawin mo ang lahat para ikaw ang mahalin ng anak ko, ayokong.... masaktan nanaman ulit siya ng dave na 'yon.” Napangiti pa ako

“Okay po tita, hindi rin naman po ako makakapayag na bumalik siya sa lalaki na walang ibang ginawa kundi paiyakin lang siya, minahal ko na po si natasha simula palang noong si tina pa siya, at mas lalo ko pa po siyang minamahal ngayon.... kung alam mo lang tita, ang sakit sakit po kapag magkasama sila nung dave na 'yon.”

“Malapit narin namang matapos ang paghihiganti niya sa mga fernandez, pagkatapos no'n, bahala kana, ligawan mo na agad” Nakangiti pa si tita

“Makakaasa ka tita hahahahahahaha”

Delya POV

Inutusan akong mag-grocery ni ma'am nancy kaya nandito ako ngayon sa store, nang mabili ko na lahat ay nilakad ko papunta sa tricylelan ng mapadaan ako sa isang bar, napasilip lang ako ng hindi sadya ng makita ko si ma'am Janna, nanlaki ang mata ko sa mga nakita ko

“Hala.... Hindi ba't buntis si ma'am Janna? Bakit umiinom siya ng alak? at...... nag--nagsisigarilyo pa siya.”

Kung titignan mo ang ayos niya ay para siyang hindi buntis, naka fit na dress, umiinom ng alak at nagsisigarilyo, naka high hills pa siya na takong.

Doon ako nagsimulang maghinala, ni minsan rin ayaw niyang magpadala sa hospital dahil hindi na raw kailangan, umalis nalang agad ako sa roon at baka makita niya pa akong nakamasid sa kaniya.

To Be Continued Chapter 37

Mrs. Fernandez Revenge (COMPLETE)Where stories live. Discover now