Chapter 46.

127 1 0
                                    

CHAPTER FORTY-SIX

Tina POV

Nakatingin lang ako kela mama at papa habang nakatingin sa akin, hinihintay ko lang ang gusto nilang sabihin.

Nagulat ako ng biglang lumapit sa akin si mama, hinawakan niya yung kamay ko, ano bang nangyayari sa babaeng 'to bakit para siyang sinapi4n?

“Tina.... marahil nagtataka ka kung bakit ganito ang inaasta ko pero... gusto kong humingi ng patawad sa lahat-lahat ng nagawa ko sa'yo ija, hindi ko pa kasi alam kung ano ang tunay na kahulugan ng buhay noon, para sakin kapag may pera ka may halaga ka... yun ang tingin ko sayo noon, isa kang dukha kaya mainit ang dugo ko sayo noon, pasensya at napag-initan kita dahil noon palang ay napakataas na ng standard ko para sa magiging asaw ang bunso ko.... hindi ko naman alam na ikaw ang papakasalan niya, sorry... alam kong napakarami kong ginawang kasalanan sa'yo pero salamat.... salamat sa ginawa mo, dahil natuto kami sa lahat ng pagkakamali namin, nalaman ko na ang lahat sa loob ng ilang linggong pananatili namin sa pagiging mahirap, marami akong narealize tina, salamat, at patawarin mo ako, kami ng asawa ko, kaming lahat” Hinawakan ko ang kamay ni mama, kita ko sa mga mata niyang lumuluha siya

“Ayos na yun ma.... matagal ko ng gustong marinig yan sa inyo.” Hinawakan niya ang pisngi ko habang nakangiti

“Mabuti kang tao tina, alam ko yun kahit noon pang hindi ka pa naghihiganti sa amin, wala kang ginawang mali, kami ang may mali.”

“Okay na po yun ma...”

“Pasensya kana tin ha? Ito nalang kasi yung pagkakataon namin para humingi ng tawad sa'yo” Nalukot ang mukha ko sa pagtataka sa sinabi ni papa

“Bakit po papa? Saan po ang punta niyo”

“Sa US tina... kaming buong pamilya ay maninirahan na sa US.” Lalong bumigat ang nararamdaman ko.

Sumikip ang dibdib ko sa mga sinabi ni ate, aalis sila? Ang ibig sabihin ba nito ay kasamang aalis si Dave? Iiwan nanaman ba niya ako ulit? Kaya ba ilang araw na siyang hindi nagpaparamdam dahil aalis siya? Bakit hindi siya nagsasabi?

“Bukas na ang alis namin Tin.... and again sorry sa lahat lahat ng nagawa namin sayo, patawarin mo kami” Napaluha lang ako

“Okay lang po m--am” Umalis na sila, gusto ko sanang tanungin kung sasama si dave pero baka magduda sila bakit hinahanap ko si dave.

Minabuti ko nalang manahimik at wag ng magsalita, pumasok nalang ako sa kwarto at doon nag-iiiyak.

Umuwi muna ako sa bahay kung saan naroon sila inay, kapag ganitong ipit na ipit ako sila ang gusto kong yakapin, iba ang pakiramdam, para bang nahehele parin ako ni inay sa pamamagitan ng yakap niya.

“Anak..... umiiyak ka nanaman dahil kay dave? akala ko ba anak hindi mo na yun hahayaan mangyari”

“Hindi nay.... hindi naman niya ako sinaktan o may ginawa siyang mali, oo nga't asawa ko parin siya pero, hindi na kami gaya ng dati, ano bang magagawa ko kung umalis siya, itinataboy ko narin naman siya, mabuti rin yun” Hinimas lang ni ate ang buhok ko

“Mabuti? Pero bakit umiiyak ka? Tina naman.... mahal mo pa si dave eh, wag mong dayain ang nararamdaman mo” Umiiyak parin ako

“Anak tahan na.... kung mahal ka naman talaga ni dave eh, gagawa siya ng paraan para sayo hmm?” Napatango lang ako habang umiiyak parin

Pauwi na ako sa mansion ni mama, nasiraan ako ng kotche kaya minabuti kong lakarin ang kalsada patungo sa tricylan ng may maramdaman akong tumusok sa likod ko, napahawak ako sa tyan ko na may tumat4g4s na dug0

Napatingin ako sa isang taong nakahoody na itim habang nakatingin sa akin, tinanggal niya ang hoody niya habang pinapanood akong bumagsak bago pa man ako mawalan ng ulirat ay kita ko ang pagmumukha niya

Si janna.

“Para yan sa pagpapahirap mo sa buhay ko, mam4t4y kana tina!!!!” Akmang sas4ks4k!n niya pa ako ng may sumigaw na tao mula sa malayo, doon na ako tuluyang nawalan ng ulirat.

Janna POV

Dali-dali akong pumasok sa kotche ni Lia sabay tanggal ng hoody, napatingin siya sa knife na ginamit ko na puno ng dug0

“Anong ginawa mo janna? p--pin4--pin4t4y mo si tina?!?!”

“Sige isigaw mo! ikaw isusunod ko!! dapat lang yun sa kaniya, inagaw na nga niya ang lahat mula noon pa hanggang ngayon ba naman?!?! mapa-natasha o tina parehas mal4ndi at mang-aagaw!!!” Pinaandar na niya ang car ng inutos ko na yun sa kaniya, sana nga talaga ay m4m4t4y na siya bwisit siya!!!

Tina POV

Nagising akong na sa isang kwarto, kita ko si inay na napatingin sa gawi ko ng makitang gising ako

“Anak? anaaaaak, teka sandali tawagin ko muna yung doctor ha?” Dali-daling lumabas si inay ng kwarto ko at lumapit si mama para kamustahin ako

Ano ba talagang nangyari, bakit na sa hospital ako? Kita ko rin sa mukha ni Denver ang pag-aalala

“Pinag-alala mo kaming lahat tin, mabuti na nga lang talaga at nagising kana”

“Tinakot mo ko bes, akala ko, iiwan mo nanaman ako, iniwan na nga ako nung isang natasha iiwan rin ako ng kamukha niya” Napangiti ako kay sandra ng sinabi niya yun

Maya pa ay biglang dumating na si inay kasama ang doctor, napangiti ang doctor sa lahat ng mga nagbantay sa akin.

“Wala na kayong dapat ipagalala, maayos na ang lagay ng pasyente, ang kailangan na lang niya ngayon ay magpahinga”

“Thankyou doc, thankyou so much” Saad pa ni mama, lumabas na ang doctor at lahat sila ay napatingin sa akin

“Naabutan ka ng mga lalaki sa kalsada tina na wala ng malay at duguan, ano bang nangyari sayo anak? sino t4r4nt4dong gumawa sayo niyan???!” Galit ni itay

“Oo nga tin... ang sabi ng doctor, ang lalim ng s4ks4k mo, buti nga at naisugod ka kagad sa hospital ng agaran at walang natamaan na ugat or organ dahil kung nagkataon, malalagay sa peligro ang buhay mo” Saad pa ni ate

Napakunot ang noo, bumalik sa ala-ala ko ang nangyari nung gabing yun, naalala ko na, lalong namuot ang galit ko kay janna, h4y0p talaga siya, may balak nanaman siyang p4t4yin ako sa pangalawang pagkakataon?!?

To Be Continued Chapter 47

Mrs. Fernandez Revenge (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon