Chapter 48.

141 2 0
                                    

CHAPTER FORTY-EIGHT (Finale Chapter)

Cassandra POV

Magkasama kami ngayon ni denver sa beach, nagpalamig siya ng ulo dahil kailangan niya raw yun, sobrang frustration na raw siya sa mga nangyayari, at isa pa.... may gusto rin daw siyang sabihin sa akin, hindi ko alam sa taong 'to bakit kailangan pa kaming pumunta sa beach para lang sabihin yung gusto niya b4liw talaga

“Oh nandito na tayo sir, ano ba naman 'tong trip mo ha denver? punta punta pa tayo rito para lang dyan sa sasabihin mo???” Natawa siya sa sinabi ko

“Hahahaha galit na galit”

“Wala pa kaya akong tulog, tignan mo mukha na akong nagshashabu, tapos pinapunta mo pa ako rito”

“Hahahahaahaha kahit naman may tulog ka mukha ka parin namang nagshashabu eh” Tinignan ko siya ng masama sabay kinur0t

“Aray ko!! nanakit to oh”

“Paepal ka kasi!!”

“Ginaganyan mo na ako ha? parang hindi mo naman ako minahal” Napatingin ako sa kaniya, napakunot ang noo.... ano nga ulit ang sinabi niya

“A--anong sinasabi mo? b4liw”

“Hahahaha sandra naman.... bakit ayaw mo pa aminin, alam ko naman yun simula una palang, andali mo kaya basahin, atchaka di ako manhid no” Nakatingin lang ako sa kaniya ngayon, seryoso ang mukha

“Ano?? Titigan mo nalang ba ako?”

“Sorry... hindi ko naman sinasadya eh, yung mga naramdaman ko para sayo denver... hindi ko yun sinasadya, promise, wag ka sanang umiwas dahil nalaman mo na yung totoo” Nakakainis naman ang taong to, na sa maayos kaming usapan ito siya at tumatawa.

“Hahahaha ba't naman kita iiwasan? sige nga sandra, bigyan mo ko ng rason para iwasan ka” Lumapit na siya ngayon sa akin at pinantay ang mukha niya sa mukha ko

“Ito... yung... nalaman mo na.... gusto kita” Umiling lang siya

“Bakit nga??? bakit nga kita iiwasan kung gusto rin kita?” Nagsalubong ang noo ko sa mga sinabi niya

“De--denver? prank nanaman ba 'to—”

“Hindi. Seryoso ako.” Nakatingin lang ako sa kaniya, kinuha niya ang kamay ko at hinalikan niya yun habang hindi parin inaalis ang mga mata niya na nakatingin sa mata ko

“B--bakit? akala ko ba... si tina yung mahal mo? a--anong nangyari??”

“Ang akala ko... yes may naramdaman ako kay tina, pero mukhang hindi niya ako kayang gantihan ng pagmamahal na gusto ko, siguro ay mamahalin niya ako, pero... bilang kaibigan lang, kapamilya, umiyak ako no'n, alam mo naman yun diba? akala ko talaga mahal ko siya, pero nung nakasama kita sa mga araw-araw, inalalayan mo ko nung dapang dapa ako, doon ko narealize na... ikaw yung gusto ko, mali kasi kaibigan kita pero sandra wala eh, gusto talaga kita, hanap pa ako ng hanap kung sino yung para sa'kin nandito lang pala siya sa harapan ko, nagbulagbulagan ako noon, hindi kita pinapansin pero sandra gusto kitang ligawan... pwede ba?” Papaluha na ako, nakangiting nakatingin sa kaniya, hinawakan ko ang pisngi niya

“Hahahaha ang corny mo, pero kinikilig ako hahaha, hindi ko alam mararamdaman ko, oo.... pinapayagan kita” Niyakap niya lang ako

Ang saya saya ko, hindi ko ineexpect na mamahalin niya rin ako, akala ko.... hanggang suporta nalang ako sa kanila ni tina, pero tignan mo naman, yakap ko siya ngayon.

Tina POV

Bagot na bagot na ako sa bahay, pumupunta ako bahay ampunan para makita ang mga bata, para naman kahit paano nababawasan yung sakit na nararamdaman ko, nililibang ko pilit sarili ko, hanggang sa naisipan ko munang dumaan sa may bandang dagat kung saan nakatayo ang tree house na pinagawa namin ni Dave, pumasok ako roon... nagsimula nanaman akong maluha, andaming ala-ala ng bahay na to, simula una hanggang ngayon may ala-ala parin, i really miss him, so bad.

“Sabi ko na nga ba pupunta ka rito eh” Nangunot ang noo ko ng may magsalita sa likod ko

Pagharap ko ay nakita ko siya..... si dave. Nakangiti lang siyang nakatingin sa akin

“D--dave? a--akala ko...”

“Di ako sumama.” Nagtataka parin ako habang nakatingin sa kaniya

Dave POV

Kita ko ang gulat sa mukha niya ng makita ako, alam ko naman yun.... naiintindihan ko siya, naalala ko tuloy yung araw na yun.

   --- “Dave kailangan mo ng mag-ayos, aalis na tayo bukas, sige na mag impake kana”
   --- “Ayoko.” Napatingin siya sa akin
   --- “Ha? Anak.... aalis na tayo ano ba”
   --- “Ayokong sumama mom, ayokong iwan si tina.... sana maintindihan niyo ko, i love her, hindi ko siya kayang iwan, please umalis na kayo iwan niyo ko dito”

Umalis na ako ng bahay at simula noon hindi ako bumalik sa bahay na yon, dito nalang muna ako sa treehouse nagpalipas ng mga oras at araw, dito muna ako nanirahan.

“Kung ganon.... bakit hindi mo ko pinuntahan, bakit hindi ka nagparamdam, akala ko... iniwan mo na rin ako” Tanong niya pa, napangiti ako sabay lapit sa kaniya

“Uy.... namiss mo ko no?”

“Dave kinakausap kita ng maayos, please sagutin mo ko ng maayos” Hinawakan ko ang kamay niya

“Natakot ako, baka kasi kapag nagpakita ako sayo ipagtabuyan mo nanaman ako eh... dito muna ako sa treehouse na to nanatili, feeling ko kasi makakaipon ako ng lakas ng loob”

“Hindi mo kailangang gawin yun... alam mo bang hinihintay kita? hinihintay kitanh kulitin ako... ang kulit mo kasi eh” Napangiti lang ako at lumapit sa kaniya, pinunasan ko lang ang mga luha niya sa mata

“Mag pahinga ka muna okay? Take a rest then pag-gising mo may surprise ako sa'yo” Nakatingin lang siya sa akin, mukhang ayaw pa ako sundin

“Sige na please? Magpahinga ka muna ha?”

“Ayoko.... Natatakot ako, baka pag-gising ko, wala ka nanaman, dave...” Hinawakan ko lang ang kamay niya at hinalikan ito

“Hindi ako mawawala, hinding-hindi na kita iiwan, pangako” Niyakap niya lang ako, i miss her, her scent, her hair, her face, her voice. I miss all of her.

Humiga nalang siya sa kutchon, kinumutan ko siya, at hinalikan sa noo, tinitigan ko lang siya at napangiti pa.

To Be Continued Chapter 49 (karugtog ng finale)

Mrs. Fernandez Revenge (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon