Chapter 41.

175 4 0
                                    

CHAPTER FORTY-ONE

Tina POV

“Mabuti naman at natapos na ang lahat anak, nag aalala na rin kami sa'yo.” Napangiti pa ako kay inay at agad kong hinawakan ang kamay niya

“Tinapos ko na po nay, sawa na rin po ako eh... nakakapagod rin po pala, gusto ko nalang pong mag pahinga ngayon... pero bago yun, may huling huli pa akong kukunin sa kanila.”

Pag punta ko sa mansion ay nakita ako ni Dave, agad siyang lumapit sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit

“Tin... Tin? Bumalik ka? Thank you Tin at bumalik ka” Lumabas na si mama at papa

“Bumalik ako hindi para sa'yo” Pang babara ko kay Dave, napatingin ako ng magsalita si mama

“Anong ginagawa ng babaeng yan dito??”

“Kayo ang dapat na tinatanong ko niyan Nancy, bakit pa kayo nandidito sa pamamahay ko?” Nagkatinginan silang tatlo

“Ahm... Tina wait, what are you talking about?” Saad ni papa sa akin

“Malaki ang utang niyo sa akin papa, hindi pa kayo nakakabayad, hindi pa sapat ang isang properties na binigay niyo, at itong mansion ang napili kong maging kapalit... baka nakakalimutan mong pumirma ka papa.” Nangunot ang noo niya

“Tina naman.... wag naman ganito?” Napatingin ako kay Dave

“Umalis na kayo sa pamamahay ko, ayoko na kayong makita rito.” Kalmado kong saad

“No!! Nagsisinungaling ka!! Hindi kami aalis sa pamamahay namin ikaw ang lumayas!?!!”

“Talaga Nancy? Aalis kayo? O tatawag ako ng mga pulis para pwersahan kayong paalisin” Napatango pa si papa

“Okay okay... aalis kami.” Lumapit si papa sa pwesto ko at tinignan lang ako.

“Look tina... im sorry, sorry for what i did, sana ay... wag mong hayaang baguhin ng galit ang mabuti mong pagkatao, lahat tayo nagkakamali, sana ay patawarin mo ko.” Hindi parin ako tumitingin sa kaniya, pinipigilan kong maluha, aalis na sana siya ng may mag salita sa likod ko

“Lolo, lola!! Tito Dave saan po kayo pupunta??” Napatingin ako sa kaniya at nanlambot agad ang puso ko, napatingin siya sa akin.

“Ate tina!! hahahaha akala ko po di kana babalik eh” Niyakap ko lang yung bata.  “Ate bakit po sila aalis? Saan po sila pupunta?”

“Aalis sila.... gusto ko magsabi sayo ng totoo thelyon, akin na ang bahay na 'to, sila? kailangan nilang umalis, ikaw dito kalang muna ha? wag kana munang sumama sa kanila.”

Ang hirap mag salita sa bata, andami niya rin kasing katanungan, tinawag ko si ate delya at pinahatid na si thelyon sa kwarto niya. Pag balik ni ate delya ay napangiti lang ako sa kaniya, bukod kay ate, si ate delya lang din ang taong naging takbuhan ko kapag umiiyak ako rito sa mansion

“Grabe ma'am tina, anlaki po ng pinagbago niyo, akala ko talaga noon wala kana po.... pero hindi rin ako naniniwala, ewan ko po ba malakas lang talaga ang mga instinct ko, pero ma'am masaya po ako na, nakabalik na po kayo.”

“Marahil maraming nagbago ate... pero ako parin naman 'to, sadyang galit na galit lang po ako sa mga nangyari sa nagdaang buhay ko. Sorry ate nakita mo pa na pinalayas ko sila rito” Hinawakan niya ang balikat ko

“Naiintindihan ko naman po kayo ma'am, pero... hindi po ba sobra na po yun, kahit naman po ganon si ma'am nancy si sir austin naman po mabait naman po siya asawa niya lang talaga may problema sa ut4k”

“Ewan ko ate, hayaan mo na po muna silang malaman ang kasalanan nila, lilipas rin siguro 'tong galit ko.”

Dave POV

“Salamat tol ha? kahit paano may natirhan kami, hayaan mo tol babawi ako.” Saad ko pa kay lance, napailing lang siya habang nakangiting nakatingin sa akin

“Ano kaba dave... parang kapatid na kita, dito muna kayo tumira, hindi naman na natatauhan 'tong bahay na ito.” Napangiti pa ako sabay tango

“May ipis ba rito? Daga or something insect?” Napatingin ako kay mom

“Mom please....”

“What? Just asking.... argh” Sabay irap pa ni mommy.  “Bakit ba kasi nangyayari sa atin 'to, nakakairita!! I miss my bed”

“Pwede ba Nancy? Manahimik ka muna pwede? Pasalamat ka nga at may natuluyan tayo kung hindi ay sa kalsada ang bagsak natin...”

“Whatever. Dave.... Nakontact mo na ba ang ate mo? For sure may pera siya, siya nalang maasahan nating makaalis sa mainit at argh ayoko nalang magsalita, hindi kaya ng skin ko manirahan dito”

Hinila ko palabas si Lance, at nahihiyang tumingin sa kaniya.

“Sorry pre... ganon lang talaga yun eh.”

“Hayaan mo na pre... ano ba talagang nangyari” Napailing pa ako

“Wala.... Si Natasha at Si Tina, iisa lang sila pre, at ngayon naghihiganti siya sa amin, dapat lang talaga yun, sobrang laki ng kasalanan namin sa kaniya.”

“Hala!!! So nagkatotoo yung joke ko? Astig non... pero ito seryoso ha? Mahal mo ba siya??” Napaiwas ako ng tingin

“Kamakailan ko lang narealize, palagi akong nanaginip sa dating pagkatao ni tina, yung babaeng.... simple lang manamit, pinagsisilbihan ako, mabuting asawa... doon ko lang narealize na, mahal ko siya. Nakakamiss siya, sana ay bumalik siya sa akin, promise tol... babaguhin ko lahat, bumalik lang siya sa akin” Naiiyak kong saad, tinapik tapik lang ni lance ang likod ko.

“Ano kaba dave.... Walong taong kayong nagsama diba? Hindi ako naniniwalang mawawala ng ganon kabilis kay tina ang nararamdaman niya sa'yo, now ang kailangan mo lang gawin, mag pursige.... ligawan mo siya, gawin mo lahat para makuha ulit ang tiwala niya, at kapag nangyari yun, wag mo na ulit yun sirain.” Napakunot pa ang noo lo

“Paano? Eh.... May boyfriend na siya” Natawa lang si Lance

“Sus maniwala ka roon hahahahahahaha, palabas lang ni tina yun tol para tumigil ka na, wag ka magpatalo do'n noh, mas mabenta ang pogi mo kesa sa kung sino man yang sinasabi mo” Napabuga ako ng hangin

“Sana nga, sana nga Lance.”

To Be Continued Chapter 42

Mrs. Fernandez Revenge (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon