Chapter 39.

159 4 0
                                    

CHAPTER THIRTY-NINE

Dave POV

Pag-pasok ko sa office may nakita akong isang papel, may sinasabi itong lugar, napakunot ang noo ko.... walang nagsabi kung kanino 'to galing pero may sinasabi itong oras, sa ngayon ay nagtrabaho muna ako, i miss natasha kaya kinontack ko siya pero walang sumasagot, ilang tawag pa ang ginawa ko pero hindi niya ako sinasagot.

Alas kwatro ng hapon ay pumunta na ako sa sinasabing lugar.

Lia POV

Nagsimula akong pumunta sa office ni natasha, hindi ko siya nakita rito tanging mga impleyado niya lang, buti nga at pinapasok ako ng guard kung hindi, baka mas4k4l na ako ni janna kapag hindi ko ginawa ang gusto niya.

Sa drawer niya may nakita akong isang notebook, isang diary? Hindi ko muna ito inopen at dali-dali ko 'tong tinago sa mini bag ko at umalis na.

Janna POV

Kanina pa ako naghihintay kay lia, ilang saglit lang ay dumating siya, tumatakbo pa siya at hingal na hingal, nakakunot lang ang noo kong nakatingin sa kaniya.

“Ano? Kamusta yung pinapagawa ko sa'yo, may nakita kaba?”

“Wala naman akong something na nakita or picture pero.... sa tingin ko? Masasagot na ang mga tanong natin sa notebook na 'to.” Lukot ang noo ko habang nakatingin sa notebook na hawak niya

“Diary?”

Inopen ko ang unang pahina ngunit ang nilalaman nito ang nilalaman ng book.

Unang araw ko sa mansion, naging masaya ako kasi nakasal ako sa lalaking mahal ko... pero si mama... alam kong ayaw niya sa akin, pero hinayaan ko lang, pinakitaan ko parin siya ng pagmamahal kasi akala ko matatanggap niya ako kahit paano.

Sa pangalawang pahina:
Naghanda ako para sa anniversarry namin ng asawa ko, gusto ko kasing maging memorable ang araw na ito pero ilang oras ko na siyang hinihintay... pero wala siya, wala akong magawa kung hindi ang umiyak

Sa pangatlong pahina:
Ang sakit.... tama ang kutob ko, may kabit ang asawa ko, pero bakit naman ganon? bakit si janna pa?? si janna na tinuturing kong kapatid? na isa sa mga taong mahal na mahal ko, bakit niya nagawa sa akin to?

Nanlulumo ang mata ko habang binabasa ang diary niya, hanggang sa huling part na ako ng pahina, binasa ko ito at nanindig ang balahibo ko sa takot.

Last part:
Siguro nga ay t4nga ako, pero mas t4nga sila, biruin niyo yun....naisahan ko sila, wala silang kamalay malay na nagpapasok na pala sila ng magnanakaw sa buhay nila. Iisa-isahin ko silang lahat, pero mas malala ang gagawin ko kay janna, ibabalik ko ng doble lahat ng sakit na ginawa niya sa akin.

Papaluha luha akong nakatingin sa book, pinoproseso parin sa utak ang mga nangyayari.

“Oh my god!!!! si--si si tina, si tina ay si natasha?!” Utal na sagot ni Lia, napatingin ako sa papel na nakita ko sa bahay ko at hindi ko alam kung kanino 'to pero may hinala na ako, agaran akong tumayo at pumunta sa lugar na 'yon.

Pagdating ko lugar ay nandon lahat ng mga fernandez, gulat akong napatingin dahil hindi ko 'to ineexpect.

Dave POV

Nagtataka rin ako kung bakit andito si dad, si mom, pero lahat sila hindi alam na andito rin ako, kasi lahat kami nakatanggap ng papel na ito, ano ba talagang meron sa lugar na 'to, isa itong parang bodega na lugar andaming nakatambak na mga sirang gamit, kita ko rin si janna na andito, bakit nandito ang babaeng ito? lumapit siya sa akin at halata sa mukha niya ang pag-aalala

“Dave makinig ka.... dave si natasha at si tin—”

“Nandito na pala ang lahat, well that's good.”

Sa likod namin ay natanaw ko si natasha, kasama niya lang si denver yung kaibigan ko at si ms loraine yung mama niya, naka dress siya na pulang pula, ang labi niya naman ay natatakpan ng maroon na kulay, hindi na natuloy ni janna ang sasabihin dahil biglang dumating si natasha.

Tina POV

Pagdating ko sa harapan ay napatingin ako isa-isa sa kanila, mabuti't nandito na silang lahat

“Pinapunta ko kayo rito para maglaro, alam niyo ba ang tawag sa laro na sinasabi ko?” Lahat sila ay nagkatinginan na tila naguguluhan pa.  “Well ito ang isang laro na lahat kayo taya, kung minsan sa buhay niyo nagloko naba kayo, nanakit, namahiya, sige simulan natin sa'yo Dave” Lumapit ako kay Dave at tinitigan ko lang siya, nakakunot parin ang noo niya habang nakatingin sa akin.

“Natasha ano ba naman 'tong ginagawa—”

“Natasha? Si natasha parin ba ang nakikita mo sa'kin dave? Ha?” Wala siyang imik, nanatiling nagtataka ang mukha niya.  “Sa bagay, wala ka nga palang pakialam sa akin, kasi simula noon pa lang wala kang ibang ginawa kundi ang saktan ang puso ko!!! Ngayon tatawagin mo akong si natasha?!?!?! tignan mo yung mukha ko, tignan mo!!! ngayon sabihin mo sa akin. Sa pagmumukhang 'to sino ang nakikita mo?!?! Ganito nalang.... sino lang ba yung babaeng pinakasalan mo? yung babaeng nagmamahal sa'yo na halos buong buhay niya binigay niya sayo, pero anong ginawa mo? pinagpalit mo sa hay0p ma babaeng 'to!!!” Nakatingin lang siya sa akin tila ba hindi na makagalaw sa mga nangyayari.  “Hindi ako si natasha, dahil ako si tina. Si tina sargaro, anak ni lori sargaro at ni rey sargaro” Nakatingin lang ako sa kanila, lumuluha.

Pinunasan ko ang luha ko at napatingin ako kay janna, walang warning ng sin4mpal ko siya

“Para 'yan sa pangangahas mo sa asawa ko!!” Sin4mpal ko ulit siya. “Para 'yan sa paninira mo ng buhay ko!!!!” Sin4mpal ko ulit siya.  “Para yan sa p4gp4t4y mo sa anak ko!!!” Sin4mpal ko ulit siya “At ito, wala lang, gusto lang kitang s4mpalin, ano janna masakit ba??”

“H4y0p ka tina!!!!”

“H4y0p talaga ako, at andito ako para lap4in ka hanggang sa gumapang ka sa hir4p!! janna buong buhay ko tinuring kitang inspirasyon, nag-iisa kitang kaibigan, bakit mo nagawa yun sa'kin? Ano bang kasalanan ko sa'yo!!! Ngayon? natikman mo ba ang sakit ng mga naramdaman ko noon ha? Masakit bang traydorin ng isang kaibigang ang akala mo kakampi mo sa lahat!!! hindi ka pa nakontento sa paninira ng buhay ko pati an4k ko janna, pin4t4y mo!!!!” Napaluha si dave

“Totoo ba yun janna?” Napaluha lang si janna habang lalong naluha si dave.

To Be Continued Chapter 40

Mrs. Fernandez Revenge (COMPLETE)Where stories live. Discover now