Chapter 24.

146 3 1
                                    

CHAPTER TWENTY-FOUR

Dave POV

Nandito ngayon sa mansion si nanay lori at tatay rey kasama si ate rachelle, mahigit isang linggo na kasi nawawala si tintin, hindi pa namin siya nakikita, umiiyak si nanay habang yakap lang siya ni ate rachelle

“Hindi parin ba nakikita si tintin? natatakot na ako, baka ano nang nangyari sa kaniya” Hagulgul saad ni nanay lori

“Ginagawa nanamin ang lahat balae... araw-araw kaming nagdarasal na sana kung nasaan man si tina ngayon ay maayos lang ang lagay niya” Naawang saad ni dad habang walang imusyong nakatingin si mom sa kanila.

Maya-maya pa ay biglang dumating si janna, bakas sa mukha neto ang lungkot.

“May balita po ako sa inyo nay lori at tatay rey.”

“Kapal ng mukha mong tawagin akong tatay sa kabila ng pangangabit mo sa asawa ng anak ko?” Galit na sabi pa ni tatay rey

“Hindi po ako nandito para mang gulo, may lead na po kay tina... kung gusto niyo po siyang makita, sumama po kayo sa'kin” Saad pa ni janna at lumabas nalang, nagkatinginan pa si nanay lori at tatay rey bago sumunod kay janna, sumunod narin kami nila mom at dad, sumama narin si ate

Rachelle POV

Napadpad kami sa morgue, napakunot ang noo ko dahil dito kami dinala ni janna.

“Anong ginagawa namin dito, ang sabi mo dadalhin mo kami kay tintin!!” Sigaw ko kay janna at bakas sa mukha niya lungkot habang nakatingin siya sa amin

“I'm sorry.... 'yan si tintin, ang sabi ng mga police, biktima si tina ng isang sunog, sorry nay.. at tatay rey” Napaiwas ako ng tingin, kita ko ang pagiyak ni inay at itay, pinipigilan kong maluha pero hindi ko kaya... ayokong maniwalang wala na ang kapatid ko, ayoko!!

Janna POV

Nag-usap usap sila sa bahay, pinag-uusapan nila kung kailan ang libing, habang nandito ako sa bar kasama si lia, nag eenjoy

“Congrats to me!! successed ang plano, tuluyan ko ng nabura sa buhay nila si tina, kawawa naman siya hahahahahaha”

“Demonya ka talaga, so ibig mong sabihin, palabas mo lang yun?”

“Oo, nakakainis kasi, mahigit isang linggo ng nawawala si tina pero panay parin sila tina tina tina bwisit, kaya yun, binayaran ko yung katawan ng babae para palabasing katawan ni tina nang sa ganon manahimik na sila sa kahahanap sa tina nayan!” Sabay tungga ko pa ng alak

“Pero.... yung totoong katawan ni tina? hindi parin nakikita??” Napalagok ulit ako ng alak

“Hindi na nila makikita yun, pat4y na si tina!! hindi na siya kailan man babalik!!” Sigaw ko kay lia

“Chill, galit na galit ka naman.”

Tina POV

Nagising ako isang hindi pamilyar na lugar, anlaki ng kwarto at naka aircon pa, nasaan ba talaga ako? hindi naman ito ang kwarto namin ni dave.... Maya maya pa ay biglang pumasok ang isang magandang babae, mga na sa 30's siguro siya, nakangiti lang siya habang nakatingin sa akin

“Nasaan po ako? sino po kayo?” Nakangiti parin siya

“Nandito ka sa bahay ko.... nakita kasi kita last week doon sa gilid ng kalsada banda sa may bangin na wala kang malay, duguan kapa, ano bang nangyari sa'yo maari ko bang malaman?” Biglang bumalik sa ala-ala ko ang mga kaganapan bago ang sinasabi ni ma'am

     --- “Hindi ka pwedeng magkaanak! kailangang m@m@t4y ng anak mo”
    --- “Bakit ba hindi kana humanap ng ibang lalaki? bakit sinusulot mo ang asawa ko?!?! maawa ka sa sarili mo janna, kesa kumabit sa asawa ko, humanap ka ng lalaking papakasalan ka”
   --- “Manahimik ka!!!”

Napaluha ako at napakapa ako sa tyan ko.

“Ma'am, yung baby ko po? kamusta po yung baby ko ma'am?” Malungkot siyang napatingin sa'kin

“I'm sorry ija... ginawa ng doctor ang lahat pero... hindi na agapan ang bata” Bumulw@k ang luha sa mga mata ko, bakit??? bakit sa pangalawang pagkakataon mawawalan ng anak? bakit ba!!!!

Niyakap lang niya ako habang iyak parin ako ng iyak

2DAYS AGO

Minabuti kong buksan ang tv para nang sa ganon mabawasan ang lungkot nararamdaman ko, pero lalo akong nainis ng makita ang laman ng balita. Kita ko ang fernandez family na may pinagluluksa, at nagulat ako ng makita ang larawan ko, ako ang pinagluluksa nila?? bakit buhay pa ako ano ba!!!

“Mabait po si tintin, she's my friend and bata palang kami magkasama na kami, ang sakit lang na... sa ganyan nyang edad mawawala siya sa amin” Nayukot ang kilay ko habang nakatingin kay janna na iniinterview, biglang dumating si ma'am at napatingin siya sa pinapanood

Niyukot ko lang ang mga kamao ko habang paluhang nakatingin sa kaniya

“H4y0p ka talaga janna.... hindi pa ba sapat na pinagtakaan mo ang buhay ko at p@t4yin ang anak ko, ngayon naman palalabasin mong p4t4y na ako!!” Hinagod lang ni ma'am ang likod ko

“Yan ba ang nagtaka sa buhay mo.” Napatango lang ako

“Hindi lang pagtangka sa buhay ko ang pasakit na binigay niya sa akin ma'am... siya rin po ang kabet ng asawa ko.”

“Don't worry, i will help you, sa oras na malakas kana....  babalik ka sa kanila, pero sa pagkakataong yun hindi na bilang tina, kundi isang bagong tao.” Niyakap ko lang si ma'am habang umiiyak parin.

To Be Continued Chapter 25

Mrs. Fernandez Revenge (COMPLETE)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum