Chapter 33.

148 5 0
                                    

CHAPTER THIRTY-THREE

Tina POV

Pin4p4t4y ko na sa isip ko itong lalaking 'to, wala parin talaga siyang pinagbabago, i wonder kung ganito rin ba sila ni janna noon habang andoon ako sa kwarto umiiyak sa kakahintay sa kaniya. Pero dahil gusto kong masaktan si janna ay pumain ako sa patibong niya. Napapatango-tango lang ako habang masaya siyang niyakap ako. Sige lang dave.... nagsisimula palang tayo

Janna POV

Nandito kami sa sala nila mama, nauumay na ako sa kwarto na yun, palagi nalang wala si dave bwisit

“Mama? kailan kaya makakauwi si dave? malapit na ang monthsarry namin, hindi siya dapat palaging ganito na palaging late kung umuwi” Kita ko ang pag-irap ng mata ni mama at napatingin sa akin

“Oh common janna, hayaan mo iang ang anak ko, si tina nga eh... hinahayaan lang kung kailan uuwi ang anak ko, ikaw andami mong sinasabi.”

“Tina nanaman, oh my god mama, hindi ako kagaya ni tina na gaga!”

“What ever.” Bumalik siya sa binabasa niya.

“Hi tita.... ” Nanlaki ang mata ko dahil andito sa bahay ang natasha na ito, nakangiti lang siya habang napatingin sa akin

“Ohw, hi dear... im glad that you're here” Nag beso pa sila sa harapan ko, close na sila? close na sila ng kabit ng boyfriend ko?!?!

“Mama anong ginagawa niyang m4l4ndi na yan dito?!?! Ma hindi ka dapat lumalapit dyan!! Kasi siya ang kabit ni dave!!” Kita ko ang pag tingin ni mama kay natasha ng walang reaction sabay baling sa akin

“Well that's good, not bad.” Sumalubong ang kilay ko sa mga sinabi ni mama

“Anong that's good mama?? Naririnig niyo ba ang sinasabi niyo?!? Siya ang kabit ni dave, okay lang sayo??”

“Yes... actually pabor ako roon, look at your self janna, isa ka nalang buntis na andito sa bahay, ni wala ka ngang trabaho, oh my god hindi ikaw ang janna na nakilala ko.”

“Seriously mama?? ipagpapalit mo ang pinagsamahan natin diyan sa m4l4nding yan.”

“Hindi ako m4l4ndi janna... sadyang panis kana, ayaw na sa'yo ni dave, ayaw niyang kumain ng panis, baka kasi.... kapag kinain niya yun eh mal4son siya”

“Letche ka!! Wag mo kong ikumpara sa pagkain!!! Lumayas ka sa bahay ko!!”

“Bahay mo?? Janna naman.... hindi pa naman kayo kasal ni dave, so technically isa kalang ding pal4munin rito... hindi mo ko pwedeng paalisin, wala kang karapatan hahahahaha” Natatawa pa niyang saad, gigil akong nakatingin sa kaniya

“Mabuti pa janna umalis kana lang sa harapan namin” Saad pa ni mama

“Hindi pa tayo tapos natasha!!! Bwisit ka!! Arrrrrgggghhh!!!” Umalis nalang ako at nagtungo sa kwarto, rinig ko pa ang tawanan nila sa baba, h4y0p na nacy 'to, nawala lang ako ng binibigay sa kaniya tinakwil na ako bilang daughter and law, parehas silang mga plastik bagay silang magsama bwisit!!

Tina POV

Umalis saglit si mama dahil may kukunin sa taas, nakita kong naglakad papuntang taas si thelyon, biglang tumalbog ang dibdib ko, walang ano-ano ay tinawag ko siya ng hindi ko alam.

“Thelyon?!” Napatingin siya sa gawi ko, nagtataka siyang lumapit at parang nanigas ang buong katawan niya ng makita ako, maya-maya pa ay bigla niya akong niyakap

“Tita tina!!! Thanks naman po bumalik kana, alam niyo po ba, palagi po kaming nagpapray ni mommy na sana hindi po totoo na wala kana, pero look who's here, bumalik ka po” Gusto kong sabihing ako 'to, niyakap ko lang din siya at napatingin pa sa kaniya

“Ahm thelyon... i'm not tina eh, i'm natasha.”

“Weeeeh, hindi po ako naniniwala, kaboses niyo nga po siya eh”

“Really?”

“Opo, at kasing ganda mo rin.” Natuwa ako ng bahagya

“So ganito nalang, if you want naman, pwede mo kong ituring na si tina okay? para hindi mo na siya mamiss, I can be tina for you, gusto mo ba yun?” Masaya siyang napatango

“So tutulungan niyo rin po ako sa mga homework ko?”

“Aba oo naman noh, basic lang yan para kay ate tina hahahahhahahaa.”

“Alam mo ate tina, sana po kapag nagka-girlfriend ako kagaya niyo po.... yung mabait na maganda pa, hindi kagaya ni janna, ayoko sa kaniya, bukod sa kabet na siya ni tito, ang arte arte niya, sana nga hindi nalang siya tumira rito, galit kami ni mom sa kaniya.”

“Ikaw talaga hahahaha, wag mo munang iisipin yan huh? mag-aral ka muna para maging proud sayo lalo si mommy mo, btw? where's ate lucille?” Napangiti siya

“Kilala mo po pala si mommy, akala ko po ba you are not tina? ba't kilala niyo po ako pati si mommy.” Napakagat ako sa labi ko, hindi ko alam ang idadahilan

“Ahm, kaibigan ko na kasi yung lola mo, so sinabi niya sa akin.” Napatango pa siya

“Wala si mommy eh, na sa america po, nagwowork.” Napatango pa ako.  “Miss ko na nga si mom eh, kung andito siya ate tina matutuwa po siya kasi makakakita siya ng kamukhang kamukha ni ate tina, at kaugali pa hehehehe.” Napangiti ako

Me too, i can't wait to see her again, i miss ate lucille so bad.

Bulong ko pa sa sarili ko, akala ko kinalimutan narin ako ni ate, siya lang pala ang bukod tanging tao ang nagmamalasakit sa'kin dito. Andaldal din ni thelyon, kahit mga nasa fourteen or trese na siya, masaya ako na hindi niya rin ako kinalimutan.

To Be Continued Chapter 34

Mrs. Fernandez Revenge (COMPLETE)Where stories live. Discover now