Chapter 45.

130 1 0
                                    

CHAPTER FORTY-FIVE

Dave POV

Pag-uwi ko sa bahay na tinutuluyan namin ay naabutan ko si ate na kausap sila mama, mabuti naman at bumalik na siya

“Ate?” Napatingin siya sa akin habang nakangiti pa

”Oh buti naman at nandito ka na, saan ka ba galing?”

“Kay tina kanino pa ba? Yang kapatid mo, habol ng habol do'n sa ex wife niya, as if namang babalikan siya no'n, eh maski ako eh nahihiya sa kaniya.... anlaki ng kasalanan natin sa kaniya, lalo na ako.”

“Mabuti nga yon mom... Walang tututol sayo dave, kung gusto mong ligawan si tina edi gawin mo, atchaka.... hindi rin ako makapaniwala na buhay si tina, akala ko... p4t4y na siya”

“Eh ano ba yung mahalagang sasabihin niyo sa akin?”

“Ahm... dave? baka kasi... umalis na tayo rito” Saad pa ni mommy, napakunot ang noo ko.

“Saan naman tayo pupunta?? Wala tayong matutuluyan mom”

“Ate mo na ang bahala dyan”

“May balak kasi ang ate mo na, doon nalang tayo tumira sa US may bahay kasi ang ate mo ro'n, kaya baka doon nalang muna tayo tumira” Seryosong saad ni dad

Walang ibang tumatakbo sa isip ko ngayon kundi ang pagkalito, ewan ko.... ano ba 'tong nararamdaman, parang gusto kong umiyak, hindi ko malaman kung bakit.

Cassandra POV

Nanonood lang ako ng netflix ng may biglang magdoorbell sa bahay, nagtaka pa ako kasi wala naman akong aasahang bisita ngayon, pagbukas ko ay kita ang basang basa mukha ni denver dahil sa kaiiyak, agad niya akong niyakap, nagaalala akong napatingin sa kaniya habang hinihimas pa ang likod niya

“Anong nangyari par? Bakit magang maga yang mata mo???” Kumalas siya ng yakap at napatingin sa akin

“Olats tayo par hahaha” Tumatawang saad habang umiiyak.  “Wala eh.... anong laban ko kay dave eh asawa niya yun, first time ko lang magmahal ng babae sandra alam mo yan diba??? ewan haha akala ko kasi.... kaya niya akong mahalin eh, pinigilan ko naman 'tong nararamdaman ko eh pero sandra hindi ko kayaaaaaa, gustong gusto ko si tina, ako lang naman ang lalaki sa paligid niya, ginawa ko ang lahat para suportahan siya, kaya bakit hindi nalang ako???? bakit mas pinipili niya parin yung h4y0p niyang asawa?!?! bakit sandra pangit ba ako??? ha?? sabihin mo? ano bang kulang sa akin?!!?”

Napailing lang ako, hinawakan ko ang pisngi niyang may mga luha at naluha narin dahil nadadala ako sa kaniya.

“Hindi.... Hindi ka pangit, ang gwapo gwapo mo kaya, sadyang.... mas matagal silang nagsama, kaya mas marami silang nagawang memories, at isa pa... hindi madaling ibaon sa limot ang taong una mong minahal, gets ko si tina, naiintindihan ko siya”

“Memories? Eh wala namang iniwang memories yung g4g0 na yun kay tin kundi puro pasakit, ang swerte niya... sana ako nalang siya, sana ako nalang si dave.”

“Wag mong sabihin yan denver, kung ako lang si tina... ikaw ang pipiliin ko, hindi ka mahirap mahalin, kung hindi nga lang kita kaibigan, hindi ako magaalanganing mahalin ka” Napatingin lang siya sa akin na halata sa mukha ang pagtataka sa sinabi ko

“Ah tara na.... kain tayo sa sala, wag kana umiyak, hayaan mo muna si tina, at ikaw rin hayaan mo muna ang sarili mo, wag mong saktan lalo ang sarili mo denver.... malay mo, may babaeng nag aantay lang sayo, oh siya saglit ha? handaan lang muna kita ng makakain” Iniwan ko na siyang nakatayo roon sa sala

Kung pwede ko lang ibalik sa kaniya ang mga katanungan niya ay gagawin ko, sa rami ng babaeng nakapaligid sa kaniya, ako pinakamalapit at talagang close na close niya kaya bakit hindi nalang din ako???

Janna POV

“Oh anong ginagawa, aray—” Sinamp4l ko si Lia at gulat siyang napatingin sa akin

“Letche ka! Ipinasok mo pa ako sa tina na yon, pasalamat ka nakaalis ako ron, kung hindi? malilintikan ka lalo sa akin”

“Hindi ko naman alam na si tina ang may ari non, gusto lang naman kita tulungan ito naman nananakit agad”

“Bwisit!! Dito muna ako hangga't nagiisip ako ng paraan para makaganti sa letcheng babaeng yan, gusto niya pala ng laro ha? sige, tignan lang natin”

“Ano nanamang binabalak mo janna?”

“Wala kanang pakealam ron, bruha”

Tina POV

2Days ago na ang nagdaan pero hindi parin nagpaparamdam si Dave, sabi ko na nga ba at hindi parin siya nagbabago, paglalaruan nanaman niya ako. Napaupo si mama sa tabi ko habang nagpapahangin ako sa pool

“Miss mo?”

“Ano po?” Gulat kong tanong....

“Ano kaba tin, kahit naman hindi kita tunay na anak eh kilala na kita, ang dali mo lang basahin... ex husband mo?”

“Ewan ko tita, nakakainis talaga siya, ginagawa niya lang akong tnga eh!” Sabay irap ko pa.  “Nasaktan ko pa si Denver dahil sa kaniya, tita?? tulungan mo naman akong magkaayos kami ni denver, iniiwasan niya kasi ako eh” Hinawakan niya pa ang kamay ko

“Ano kaba ganon lang talaga yun... hindi ka kayang tiisin ng batang yun” Napangiti pa ako, maya pa ay biglang dumating si yaya, may naghahanap raw sa akin mula sa labas, nagtaka ako, hindi ko kilala ang tinutukoy niya.

“Sila po ma'am” nangunot ang noo ko ng makita ko si papa at mama pati si ate na nakatayo pa sa labas.

“Tina?!” Agad akong niyakap ni ate at ganon din ako sa kaniya.  “I'm really happy to see you again, akala ko.... p4t4y kana, ah nga pala? si thelyon yung anak ko?”

“Na sa bahay siya ate, wag ka mag-alala, nandoon po si ate delya, iniwan ko muna po siya saglit” Hinawakan lang ni ate ang kamay ko.

“Thankyou for taking care of my son, ahm btw tina... may gusto silang sabihin sa'yo” Napatingin pa ako sa derekyon nila papa.

To Be Continued Chapter 46

Mrs. Fernandez Revenge (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon