Chapter 11.

95 1 0
                                    

CHAPTER ELEVEN

Tina POV

Pumasok ako sa kwarto, umiiyak, tinignan ko yung picture namin ni dave noong mga panahong mahal niya pa ako, ang saya saya namin sa picture na 'to. Napaluha ako ng biglang nagring ang cellphone ko at kita ko sa cellphone kong keypad si inay, tumatawag.

“Hellpo po nay” Sabay punas ko pa sa pisngi kong basang basa ng luha

“Anak kamusta? okay kalang ba dyan?” Natagalan pa ako bago magsalita, pero naguguilty akong magsisinungaling ako sa kaniya

“Opo nay... okay lang po ako rito, mabait po sa'kin si papa at si m-mama nancy”

“Mabuti naman at hindi mahadera yang nancy na yan, eh nung andito yan kita ko sa mata niyang umiikot ang maitim niyang budhi” Rinig kong singit pa ni itay

“Mabait po si mama tay, wala po kayo dapat ipagalala, okay po ako dito”

“Ah basta tin, umuwi ka rito kapag hindi mo gusto dyan ha? miss ka namin, alagaan mo maigi yang pamangkin ko ha?” Saad pa ni ate, napangiti ako, bukod kay janna si ate din ang natatakbuhan ko, oo nga pala.... speaking of janna, kamusta na kaya siya?

“Oo ate, hindi ko naman nakakalimutan yun”

Binaba ko narin ang cellphone ko at bumaba ako para magpahangin, hindi parin kasi umuuwi si dave eh, parang ayaw niya naman ako makasama.

“Hey tintin! come here” Lumapit ako kay mama ng tawagin niya ako

“Bakit po ma?”

“Yaya, stop it” Nakita ko ang pag tigil ni ate na kuskusin ang inodoro at tinignan lang ako ni mama

“Ano pang tinitingin-tingin mo??? linisin mo na yon! ngayon na!!!” Nagulat ako kaya dali-dali kong kinuha ang brush at kinuskus ko ang inidoro, narinig ko pag uusap ni ate at ni mama

“Ma'am, nako po ma'am, baka mapaano po yung bata sa sinapupunan niya—”

“I don't care yaya!! wag kana lang mangealam dito, at ikaw tina? siguraduhin mong malinis yan ha? wag mo kong ipapahiya sa mga amiga ko kapag pumunta sila rito” Napatango lang ako habang pinipigilang maluha, umalis na siya samantalang nakatingin parin sa akin si ate, kita ko sa mata niya ang awa

“Sorry ma'am tina”

“Okay lang yun ate”

“Delya!!!!”

“Andito na po ma'am” Agad agad umalis si ate delya at pinagpatuloy ko na ang paglilinis ko ng cr

Sa ilang araw na paglalagi ko rito sa bahay ay nasanay nalang din ako kay mama, maaga akong nagigising palagi para magluto ng umagahan, ito naman ang gawain ko sa bahay pag wala akong pasok, ang kinaibahan lang ngayon eh hindi sila inay at itay ang pinaghahainan ko kundi ang bago kong pamilya, hanggang sa isang gabi, itatapon ko sana ang basura sa garahe ng makita ko si mama, may kausap siyang lalaki, pinakinggan ko lang ang usapan nila

“Kailan ka ba kasi sasama sa'kin?” Sabi nung lalaki, nakahawak pa ito sa bewang ni mama

“Just wait my love, malapit na rin tayong magsama, sa ngayon bumebwelo pa ako para makakuha ng pera kay austin, ng sa ganon.... makalipad tayo papunta sa ibang bansa” Kita ko ang pag ngiti ng lalaki ng halikan niya si mama, nagulat ako sa mga nakita ko, napatingin sa akin si mama na halata sa mukha ang gulat. “Tintin? what are you doing here? kanina kapa ba dyan?”

“Hindi m-ma, k-kararating ko lang ho” Agad akong umalis papunta sa loob, hindi ako makapaniwala sa narinig at nakita ko, niloloko ni mama si papa??

Kasalukuyan akong nakahiga ng biglang may kumatok, pagbukas ko ay bumungad si mama, nilock niya ang pinto at napatingin pa sa akin

“Ano ang mga narinig mo kanina?” Napailing pa ako sa kaniya, kita ko kasi ang galit sa mukha niya.  “Siguraduhin mo lang tintin ha? dahil kapag nalaman 'to ni austin I will make sure your life will be miserable” Lumabas siya at padabog na sinara ang pinto, gusto kong sabihin kay papa pero natatakot ako, panginoon, tulungan mo naman po ako. Ilang sandali pa ay dumating na nga si dave

“Sa'n ka galing? bakit ngayon kalang”

“Wala kana ro'n” Kinuha niya lang yung twalya at pumasok sa cr para mag halfbath, pagtapos no'n ay nahiga na siya habang nakatalikod pa sa akin, hindi ko alam... mag-asawa na kami pero parang hindi ko parin yun maramdaman.

KINAUMAGAHAN

Kita ko ang paglilinis na inihahanda nila, pag-aayos ng mga plato sa mesa at paghahanda na masarap na pagkain, lumapit ako kay ate delya at nginitian niya lang ako

“Kayo po pala yan ma'am, goodmorning po” Napangiti ako at naglibot-libot ng tingin sa paligid

“Ate ano pong meron? bakit po nagaasikaso ang lahat?”

“Ay uuwi po kasi si ma'am locille, ate ni dave” May ate pala siya? bakit ngayon ko lang 'to nalaman?

“May ate pala siya?” Napatango lang si ate

“Opo, ako po ang nagpalaki do'n at kay dave, kaya masaya ako na, makakasama ko ulit siya, sana nga ay hindi nagbago ang bata iyon” Napangiti pa ako, sana ay tanggap niya rin ako bilang asawa ng kapatid niya

Ilang sandali pa ay narinig ko ang busina sa labas, sumalubong pa ako sa kanila, naeexcite kasi akong makilala ang ate ng asawa ko, kita ko siyang bumaba sa kotche nila, kasama niya si mama at si dave, wala si papa dahil busy sa kumpanya.

Maganda siya, manang mana kay mama, magaganda at gwapo talaga ang lahi nila walang dudang marami ring nagkagusto kay ate lucille. Pero may bata siyang kasama, siguro ay mga nasa apat o tatlong taong gulang ito, dumaan sila sa harapan ko, kita ko ang pagtingin sa akin ni ate lucille

“You're tina right?” Napangiti ako at napatango

“Lucille come inside, don't waste your time to her, lets go” Irap pa ni mama

“No ma, you go first, susunod din ako” Napairap pa si mama, napatingin ako kay dave ng hilain siya ni mama sa loob, napatingin ako kay ate lucille ng bigla niya akong yakapin, nagulat ako sa ginawa niya.

“I'm glad that you are my brother's wife, ang ganda ganda mo but.... kulang ka sa ayos, but i got it okay?”

“Hindi po ba kayo galit na.... ako yung napangasawa niya?”

“No.....why? may nasabi sa'yo si mom no? common just ignore her, ganiyan lang talaga siya” Natuwa ako kasi medyo conyo pa siya magtagalog, lumapit sa kaniya ang batang tinutukoy ko kanina

“Mom, please come inside, I'm hungry, i want to eat na po” Napangiti ako ng makita siya, napahawak ako sa tiyan ko

“Ahm... baby, this is tina, you're uncle's wife, ahm tina, this is thelyon, my son” Napangiti ako

“May anak na po pala kayo” Napatango lang siya

“Hi po ate tina.... i'm thelyon cute baby boy ni mommy, ang ganda ganda niyo po” Napangiti pa ako, hinila niya ang mama niya sa loob upang kumain at nagpahila rin naman si ate lucille, natutuwa ako na tanggap niya ako.

To Be Continued Chapter 12

Mrs. Fernandez Revenge (COMPLETE)Where stories live. Discover now