Chapter 10.

133 0 0
                                    

CHAPTER TEN

Tina POV

Pagkatapos na pagkatapos ng kasal namin ni Dave ay kinabukasan ay sinundo narin niya ako, dala ang mga gamit ko, niyakap ko ng mahigpit sila inay itay at ate, mamimiss ko sila... hindi ko alam kung paano ako gigising araw-araw ng hindi sila ang bumubungad sa akin, pero ganoon talaga eh, may asawa na ako.

Pag punta namin sa bahay nila Dave sinalubong kami ni Sir Austin at Ma'am Nancy, nakangiti pa si Sir Austin at niyakap ako

“Welcome home tintin, from now on, this will be your new home” Napangiti rin ako kay Sir

“Salamat po sir... salamat din po ma'am—” Napatingin ako kay Ma'am Nancy at kita ko ang pag-ikot ng mata niya

“No, no tin it's okay, and please? hahahahaha hindi kana iba sa'kin, you are my son's wife, and you are part of our family and you are also one of the fernandez so just call me papa” Napangiti pa ako

“S-sige po p-papa”

“Nice, and tin, this is my wife Nancy, just call her mom too understand?”

“Hello po mama—” Magmamano sana ako ng iiwas niya ang kamay niya

“Nancy?” Sita ni papa sa kaniya

“I think I need to go inside first, iba ang amoy dito eh, anlansa” Madiin niya akong tinignan at pumasok na nga siya sa loob, napailing pa si papa at napatingin sa akin

“Ahm... sorry tin, just ignore her, may sayad kasi yon, namana ng anak niya” Maliit akong napangiti. “Ah dave, sige pumasok na kayo sa loob, ituro mo kay tintin ang magiging kwarto niyo” Napatango lang si dave at inalalayan na nga akong pumasok

Anlaki ng magiging kwarto namin ni dave, hindi ko maimagine na matutulog ako sa ganitong kalaking kwarto, napaupo ako at napansin kong nagbibihis si dave ng damit pang lakad

“Sa'n ka pupunta?”

“Aalis.” Maikli niyang saad sa akin

“Agad? Kakatapos lang ng kasal natin dave, pwede bang dito ka muna kahit ilang oras lang”

“Eh ayoko eh, magagawa mo? atchaka tama na tin, ikaw lang naman ang may gusto ng kasal na 'to, peste kasi yang anak mo, ngayon ano??? nakakulong na ako sa'yo! na hindi ko naman pinangarap noon pa!” Padabog niyang isinara ang pinto, pumatak ang mga luha sa mga mata ko, tama nga ang hinala ko, ako lang pala ang masaya na ikinasal kami....

Dave POV

Uminom lang ulit ako ng alak, ito naman ang takbuhan ko kapag talagang s@kal na s@kal na ako eh

“Oh, kakatapos lang ng kasal niyo nandidito ka nag-iiinom?” Sabi pa ni lance

“Hay.... nasasakal na ako, hindi ko dapat 'to ginagawa lance, pinakasalan ko si tina kahit di ko siya mahal alang-alang sa pamilya namin, para akong asong kalye na sunud-sunuran kay dad, nakakapagod” Tinapik lang ni gab ang balikat ko

“May point naman kasi sila pare.... hindi ka na binata, anak mo yung andoon sa sinapupunan ni tina. Sa ngayon hindi muna kita kakampihan kasi tama sila, kailangan ka ng bata pre, kailangan ka ng anak mo”

“Hindi ko alam, nagululuhan parin ako, sa tuwing nakikita ko si tina kumukulo yung dugo ko, imagined? andami dami pang isda diyan sa paligid, andami dami ko pang mabibingwit, ayoko namang matali lang sa kaniya”

“Eh nakatali kana eh, anong magagawa mo?” Madiing saad ni clark, napainom nalang ako ng alak, oo nga naman, nakatali na ako sa kaniya, ano pa nga bang magagawa ko?

Tina POV

Umalis na si papa, may aasikasuhin daw sa kumpanya, si dave naman hindi pa umuuwi, pagbaba ko ay nakita ko si mama, nakaupo sa sofa habang umiinom ng tsa-a, napaka ganda ni mama, hindi mo malalaman na matanda na siya sa itchura niya, iba talaga pag anak mayaman, matangkad din siya, siguro'y modelo ito si mama noon.

“Ah m-ma? may kailangan po ba kayo?” Napatingin siya sa akin habang blangko parin ang mukha

“Just leave. To my house, to my family and to my son's life, yun ang kailangan ko” Nakangiti pa siya sa akin, nakatingin lang ako sa kaniya, hindi ko alam na ayaw rin pala niya sa akin.

“Total wala naman dito si austin, I'll stop pretending that i accept you because no. I will never accept you for my son” Nagbabadya na ang luha ko, pinipigilan ko lang itong tumulo.

“I don't like you tina, look at yoursef, i can't imagined na papatulan ka ng anak ko, 'cause you know... may dinala na siya ditong ‘girlfriend’ niya and i'm so happy cause she look so expensive, and she's tanya, mas gusto ko pa siya kesa sa'yo, hindi ko nga alam kung anong nagustuhan sa'yo ng anak ko eh baduy ka, i'm so dissapointed, i hope one day bumalik kana sa palengke, sa lugar kung saan ka nagmula” Binangga niya pa ako, doon nag waldas ang mga luha sa mata ko, ang sakit niyang magsalita, pero ayos lang... sabi nga ni inay, kapag galit ang isang tao sa'kin wag ko raw itong suklian ng galit pa, bagkos mahalin ko ito, dahil doon lilipas din ang galit sa puso nila, at iyon ang gagawin ko.

To Be Continued Chapter 11

Mrs. Fernandez Revenge (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon