Chapter 40.

184 3 0
                                    

CHAPTER FORTY

Tina POV

Napaluha ako habang nakatingin kay janna sabay baling kay dave tungkol sa nawala naming anak.

Pumunta ako sa dereksyon ni mama, napatingin pa siya sa akin na para bang hindi parin nagpoprocess ang mga nangyayari sa kaniya

“At ikaw Nancy? Wala naman akong kasalanan pero bakit ganon kayo sa'kin? Pinilit kong magtiis sa mga panlalait mo sa akin, araw-araw mo akong sinasaktan.... Isa ka sa mga nagpahirap sa buhay ko, pero alam niyo ba? Wala kayong narinig sa'kin, wala akong sinabi kasi umaasa ako. Umaasa parin ako na sana naman matanggap mo 'ko pero hindi!!!!! pin4t4y mo pa ang anak ko!!!”

Kita ko ang pagtingin ni Austin sa kaniya na nagtataka.

“Nancy? Is it true??”

“No! Aksidente ang nangyari—”

“Aksidente??? Hindi ba't tinul4k mo ako, nanghingi ako ng tulong sa'yo no'n mama pero anong ginawa mo?!?!? imbis magsorry ka sa ginawa mo tinakot mo ako na wag magsumbong kay papa na ginawa mo sa'kin yon!! napaka sama mo, paano mo yun nagawa sa apo mo?!” Umiiyak parin ako, nabaling ang tingin ko kay papa

“At ikaw papa..... ikaw na inaasahan kong kakampi ko... pero bakit ganon lang kabilis sa'yo maniwala sa mga kalokohan ni janna? bakit ang bilis mong tanggapin na wala na ako at pumayag ka pang patirahin sa bahay niyo ang ahas na 'to!!! papa bakit?!?!”

Lumayo ako sa kanila, at napatingin ako sa kanila, umiiyak parin, ganon rin ang mukha nilang lahat, hindi ko maintindihan kung nanlulumo sila o ano, basta para silang binabagabag ng konsensya.

“Pero salamat sa inyong lahat, salamat sa lahat ng pananakit niyo, natuto ako sa lahat ng mali ko, pero sa lala ng ginawa niyo sa akin gusto kong maramdaman niyo rin yun... tapos na ang laro, lahat kayo ay talo, kaya madadama niyo ang singil ni satanas.... ” Umalis na ako, sumunod lang si denver at si mama sa akin, tinapik nila ang likod ko habang iyak parin ng iyak

Naunang pumasok sa kotche si mama naiwan kami dito sa labas ni denver, agad niyang hinawakan ang mukha ko habang pinupunasan nito ang mga luha ko.

“Shh tama na... magiging okay din ang lahat huh? nandito ako, kasama mo ako... nandito lang ako para sa'yo” Hinalikan niya ang noo ko sabay yakap ng

“Tina....” Tawag ni dave sa gilid namin, kita niya ang paghalik ni denver sa noo ko.  “Denver? Anong problema mo ha?!?” Hinatak niya ako papunta sa side niya pero malakas na hinatak ako ni denver papunta sa side niya

“Problema ko ikaw!! Ang lakas ng loob mong pumunta rito, umalis kana!!”

“Hindi ako aalis hangga't hindi ko kasama ang asawa ko!” Nangunot ang noo ko sa sinabi niya

“Talaga dave? Asawa mo? Bakit tinuturing mo na ba akong asawa kasi hindi na ako losyang!! Matagal ko ng tinapos yung sa atin dave mula pa noong sumama ka sa kabit mo!! At si denver.... siya ang boyfriend ko, umalis kana wala kang mapapala sa'kin”

“Hay0p kang denver ka, hindi pa tayo ganon katagal na magkaibigan tinraydor mo na ako?!?!”

“Ngayon alam mo na ang pakiramdam ng ipaglit sa kaibigan mo? masakit ba dave? ha?!!”

“Tina please... please i'm sorry, come back to me... please i begging you”

“Wag kanang mag makaawa sa kaniya dave... pinagpalit kana niya sa iba” Napatingin ako kay janna na kararating lang

“No need dave... andyan na yung kabit mo, parehas kayong magsama, parehas kayong manloloko” Isinakay na ako ni denver sa car, pilit siyang lumalapit sa akin pero hinaharang siya ni denver

“Tina pleaseee!!!”

“Back off dude, she's mine, hindi siya magiging sayo!” Sumakay narin siya sa car at umalis na kami nila mama

Dave POV

Umiiyak akong napaupo sa sahig, ngayon ko lang narealize ang lahat, ang sakit pala... alam ko na ang naramdaman niya noon ng malaman niyang si janna ang babae ko.

“Dave.... hayaan mo na siya, i'm still here.” Hinawakan pa niya ang braso ko, napatingin ako sa kaniya at walang ano-ano ay sin4k4l ko siya.  “D--d-ave, d--d-ave hin--hindi ako makahinga”

“P4p4tayin talaga kita, ang lakas mong magpakita sa akin sa kabila ng ginawa mo kay tina!!! Pin4t4y mo ang anak ko gusto mo bang p4t4yin rin kita ha?!?!” Binitiwan ko na siya at napahawak siya sa leeg niyang napatingin sa akin

“Kung inaakala mong babalik ako sa'yo dahil itinataboy ako ng asawa ko nagkakamali ka, sinira mo ang buhay naming lahat!!! Hinding hindi ako babalik sayo, kasi alam mo? Narealize ko na.... mahal ko si tina, gagawin ko ang lahat para bumalik siya sa akin, at kapag nangyari yun? gagawin ko ang lahat ng makakaya ko upang hindi siya masaktan!! kaya ikaw? wag mo na akong guluhin!!!” Umalis nalang ako, hindi ko alam kung saan ako pupunta pero gusto kong maiyak, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko, sobrang laki ng pagsisi ko na ginawa ko yun.

Umuwi ako sa bahay, andoon sila mom at dad nagtatalo, pinagaawayan rin nila ang nangyari sa anak ko kay tina... para bang wala akong naririnig na away at dere-deretso ako sa kusina, napangiti ako ng makita si tina na naghahanda ng ulam, napatingin siya sa akin habang nakangiti.

“Oh dave... andyan kana pala? napagod ka ba ha? gusto mo ba pagluto kita ng paborito mo o hindi kaya hilutin ko ang likod mo?” Nakangiti lang ako habang umiiyak

Tangkang hahawakan ko siya ng bigla siyang maglaho na parang usok, hindi ko maintindihan, ang sakit....

“It's okay son... iiyak mo lang” Niyakap ko si dad na sa likod ko na pala

“Ang t4nga ko pala dad... sobrang t4nga, bakit ko yun nagawa sa asawa ko? kung pwede ko lang balikan ang nakaraan gagawin ko... iiwasan ko ang lahat ng mali, ngayon ko lang narealize na napaka swerte ko na pala sa asawa ko... dad paano ko kaya siya macoconvince na bumalik sa akin?”

“Ipakita mo sa kaniya na nagbago kana, na handa kang mapagod, masaktan, para sa kaniya, doon niya makikita na totoo yung nararamdaman mo at nagsisisi ka” Napaluha pa ako

“Thanks sa dad” Umiiyak parin ako habang yakap si daddy, hindi ko ineexpect na mayayakap ko siya ng ganito.

To Be Continued Chapter 41

Mrs. Fernandez Revenge (COMPLETE)Where stories live. Discover now