Chapter 3.

105 2 0
                                    

CHAPTER THREE

Dave POV

Nagising ako at dali-dali kong tinignan ang oras sa relo ko, nako po! lagot! pasadong alas tres na ng madaling araw, sapol nanaman ako nito kay dad. Nagmamadali akong magbihis ng maalipungatan yung babae

“Aalis kana?”

“A-ah.. oo e, kailangan ko ng umuwi” Hindi pa rin ako tumitingin sa kaniya at inaayos ang sinturon ko

“Teka! kailan tayo ulit magkikita??”

“Nasakin na yung number mo, tawagan nalang kita huh?”  Nang masuot ko na ang polo at maibotones ko na iyon dali-dali na akong lumabas.  “Alis na ako, bye”

“Teka!! ano palang pangalan mo!!” Rinig kong sigaw niya mula sa labas ngunit minabuti ko nalang umalis.

Minaneho ko ng pagkabilis-bilis ng makarating ako agad sa bahay, sana ay tulog na si dad at kung hindi? mauulanan nanaman ako nito ng sermon. Pagkarating ko ay dahan dahan ko pang binubuksan ng pagbukas ko ay bumungad si dad sa pintuan, nakangiti lang siya sa akin, at iyon ang mas nakakakaba.

“Saan ka galing?” Nakangiti pa rin siya, nag-aantay sa isasagot ko

“Ah... ah... kela lance lang dad, ginabi na kasi kami ng gawa ng report di namin namalayan na.... nakatulog na po pala kami.” Napangiti rin ako habang nag-iiwas ng tingin sa kaniya

“Ah talaga ba? Sino ginawa mong t@nga ha dave? Laos na laos na yang palusot mo alam na alam ko na yan, sarap din ng buhay mo noh? gala gala lang, mambabae, iinom, gagastos ng pera, ganda.. ganda trip mo bata, oh commooooon dave, ni hindi ka nga nakakatulong sa kumpanya natin” Hindi pa rin ako nakatingin sa kaniya, sabi na nga ba e, pauulanan nanaman niya ako ng sermon, nakakarindi na

“Tama na yan honey, pagpahingahin mo muna ang anak natin, wala ka paring tulog, you need to rest” Napatingin siya kay mom habang nakakunot ang noo

“Alam mo kaya lumalaking walang hiya 'tong anak mo kasi kinukunsinti mo” Napatingin uli siya sa akin.  “Remember kid. Kapag hindi ka pa nagbago, tatanggalin ko sa'yo lahat ng mana, sisiguraduhin kong mamumulubi ka. Do you understand me?” Napatango lang ako sabay tinapik tapik niya lang ang balikat ko at lumakad na paakyat

“Don't mind him sweetie, he is just tired of his work” Napatango lang ako

“Sanay na rin naman ako mom, hay.... tulog na po ako” Umakyat na ako sa taas upang magpahinga.

Janna POV

Hays!! nakakairita, hindi ko maintindihan kung bakit naiinis ako, hindi ako makapagconcentrate sa trabaho ko dito sa restaurant bilang isang tagalinis, no choice e kailangan ko ng pera!

“Easy, bakit ka nagdadabog, pag nakita tayo ni ma'am, magagalit yon”

“Wala akong pakealam lia! nabubwisit ako ha wag mo kong sabayan” Saad ko pa sakanya

“Bakit ba kasi? Anong nangyari, dahil nanaman ba kay tina?” Napatingin ako sa kaniya at tinarayan ko lang siya

“Hindi! lintik lang kasi, ilang araw na ang nagdaan hanggang ngayon hindi pa rin niya ako tinatawagan!”

“Sino ba? Yung yummy'ng guy na naka-onenight stand mo?”

“Oo, bwisit, sabi niya meron na raw siyang number ko e, pero bakit hanggang ngayon hindi man lang nagpaparamdam"

“Hay nako teh.... baka naman nawala lang sa isip niya, or baka.. may gf talaga yon, ano kaba makaasta ka naman para kang girlfriend eh, saglitan lang naman yung nangyari sa inyo”

“Nakakairita”

Tina POV

Kinaumagahan ay sabay kaming pumasok ni Janna, ramdam kong nanlalamig na siya pero hindi ko nalang pinapansin baka talagang pagod lang siya

“Para sa'yo to oh, niluto yan ni inay, baka kasi hindi kana kumakain e, Janna? alagaan mo ang sarili mo ha? Wag ka puro trabaho, alagaan mo ang kalusugan mo”  Napangiti lang siya sa akin at kinuha ang dala kong paper bag

“Thankyou tin, alam mo buti ka pa. Napaka bait ni nanay lori, sana.... mayroon din akong ganyang klaseng ina” Hinagod ko ang likod niya upang damayan siya

“Ano kaba Janna, nanay mo na rin si inay, matagal ka na naming tinuring na pamilya, nandito kami para sa'yo” Nakangiti kong saad sa kaniya, at napangiti lang siya sa akin

“Hi tin....” Sabi ng mga lalaking dumadaan, hindi ko nalang sila pinansin at napatingin lang ako jay Janna na nagbago ang reaction ng mukha.

Kinuha ko lang braso niya at lumakad na kami papasok ng biglang humarang ang grupo ng kalalakihan upang ibigay sa'kin ang isang card, hindi ko alam kung ano 'to, tatanungin ko sana sila kung kanino galing pero dali-dali silang umalis, napatingin pa ako kay Janna na napapangiti ng alanganin sa'kin.

“Kanino daw galing?”

“Hindi ko nga alam e” Binuksan ko na nga at tinignan ang nilalaman ng sulat

To: Tina

Hi? Ahm.... I don't understand why I still get nervous every time I talk to you or approach you, siguro dahil i like you? Please tina come with me, i was at the court around 5 pm, kapag pumunta ka it means pumapayag kang makipag date sa akin, kung hindi.... obuse na binabasted mo na ako.

Hihintayin kita.

From: Secret

Napatingin ako kay Janna na nagiwas ng tingin pero alam kong nabasa niya ang nilalaman ng sulat

“Janna? Ano sa tingin mo? Pupunta kaya ako o hindi nalang?”

“Malay ko sa'yo, hindi ako magdedecide niyan tin, nasasayo yan” Magsasalita pa sana ako ng biglang tumunog ang bell.  “Mauna na ako tin, bye”

Napatingin lang ako sa sulat, nagdadalawang isip kung pupuntahan ko ba o hindi, itinago ko nalang ang sulat sa bag ko at minabuti ko ng pumasok.

Nagsimula na ang first sub pero ito ako lumilapad ang utak, hindi ko alam, andaming gumugulo sa isip ko, nagdaan pa ang maraming oras at tapos na rin ang klase, nadaanan ko si Janna na papaalis na

“Samahan mo naman ako Janna” Napangiti lang siya

“Kaya mo na yan tin, sige na”

“Sige nanaman, please??? Samahan mo na ako” Nagbigay lang siya ng malalim na hinga bago pumayag sa gusto ko.

Pumunta na kami sa court, bitbit ko parin ang sulat, hinanap agad siya ng mata ko at ayun siya, nakaupo, nakajacket na itim, nang makita niya ako ay tumayo siya at lumakad papunta sa akin

“Pumunta ka. Ibig sabihin.... Pumapayag kang makipag-date sa'kin” Nakangiti lang siya habang nakatingin sa akin.

To Be Continued Chapter 4

Mrs. Fernandez Revenge (COMPLETE)Where stories live. Discover now