Chapter 34.

140 4 0
                                    

CHAPTER THIRTY-FOUR

Tina POV

“Natasha?” Napatingin ako sa dereksyon ni Denver ng tawagin niya ako, hindi ako sumagot pero tumingin ako sa kaniya, nagpapahiwatig na hinihintay ko ang kahit ano mang sasabihin niya.  “Suutin mo 'to” Ibinigay niya sa akin ang isang panyo nagtataka pa ako kung anong gagawin niya't kailangan ko pang isuot ang panyo na ito sa mata ko

“Bakit para saan 'to? bakit ano bang gagawin??”

“Basta suot mo nalang 'to” Tinakpan niya ang mata ko gamit ang panyo

“Nako denver huh? Kung ano ano nanamang kalokohan 'tong ginagawa mo? Saan mo ba talaga ako dadalhin?!”

“Hahahahahaha basta kasi”

Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin, ramdam ko ang pagsakay namin sa kotche, nagtataka tuloy ako kung saan kami pupunta. Ilang minuto rin ang tinagal ay nakarating na kami sa pupuntahan namin dahil tumigil na ang kotche, inalalayan akong lumakad ni denver hanggang sa tumigil kami sa isang lugar

“Denver ano ba 'to nasaan naba tayo?!?!”

“Hahahaha nandito na tayo tin.” Pagkatanggal ng panyo ay sabay sabay silang sumigaw

“Happy Birthday!!!” Sabay-sabay nilang bati sa akin

Hindi ako makapaniwala, na sa harapan ko si inay, itay, at si ate, kasama si mama at denver, pumatak ang luha ko dahil nakikita ko na sila.

“Anak.... tina? ikaw ba talaga yan? anaaak.” Umiiyak na ngayon si inay at ganon din ako, niyakap niya ako at ganon din ako sa kaniya, miss na miss ko ang nanay ko

“Ang buong akala namin tin p4t4y kana, kaya nadur0g kami ng malala nung nawala ka tin, nawalan na ako bestfriends at kapatid.” Hinawakan ko si ate at napangiti

“Ikukwento ko rin mamaya ate, kung bakit kailangan kong magtago sa katauhan ni natasha.”

“Hindi na kailangan anak, alam nanamin ang lahat, naikwento na ni ma'am loraine ang lahat ng nangyari. Simula palang talaga ayoko na sa pamilya ng asawa mo, h4y0p sila” Galit na sabi ni itay

“Wag ka mag-alala tay, malapit ko na silang masingil, malapit na malapit na.” Nakatingin pa ako sa kanila

“Oh siya anak kain na tayo, tara na.” Napatingin ako kay mama at nakangiti lang siyang nakatingin sa akin

“Ah saglit lang po nay huh?” Napatango lang siya, lumapit ako kay mama habang nakangiti lang siya sa akin

“Ma? Salamat huh? Sobrang dami niyo nang nagawa para sa akin, hindi ko na alam kung paano ko babayaran.” Hinawakan niya ang pisngi ko habang paluha

“Hindi mo ko kailangan bayaran anak, sapat na yung nakakasama kita natasha.” Niyakap ko lang siya, nagpapasalamat ako na meron akong dalawang ina na mahal na mahal ako.

Ngayon? Mas ginanahan akong paghigantihan ang pamilyang fernandez, uunti-untiin ko sila, pero siyempre mas lalaan ko kay janna, siya ang dahilan ng lahat, kaya ako rin ang magiging dahilan ng lahat ng pagdudusa niya.

Janna POV

Lumipas ang ilang araw ay sumapit narin ang 8th monthsarry namin ni dave, konti nalang malapit na kami mag anniversarry, hindi niya ako maiiwan hanggat alam niyang buntis ako.

“Agahan mong umuwi mamaya huh? maghahanda ako, kailangan mga 6 andito kana, please lang dave wag mo naman ako pag hintayin.”

“Hindi ko mapapangako, sobrang dami kong kliyente ngayon janna.” Napairap ako

“Walakompake, bakit? mas mahalaga ba yang kliyente mo na yan kesa sa pagsasama natin?”

“Ayoko makipagtalo sa'yo, basta tatry ko mamaya.” Umalis na siya, hindi man lang ako hinalikan gaya ng ginagawa niya noon, bwisit

Dave POV

Pagdating ko sa office ay sinalubong ako ni lance, dito narin kasi siya nagtatrabaho sa kumpanya namin.

“Oh ba't nagmamadali ka?”

“Pinapatawag ka ng daddy mo, may meeting kayo, nakakabigla naman yung kapartner ng kumpanya na 'to, talagang pinaglalapit kayo ng tadhana ng kamukha ng asawa mo huh?” Napakunot ang noo ko

“Ano ibig mong sabihin?”

“Basta tara na!” Hinila niya ako sa sinasabi niya at nakita ko nga si natasha, nagdidiscuss siya ng mga gagawin at kailangan gawin.

Nakatingin lang ako sa pwesto niya, napaka ganda niya, suot niya ang black dress na kita ang likod niya kapag tumatalikod siya, may isang pumukaw sa atensyon ko.

“Pre, tignan mo yung likod niya, may nunal.”

“Oh ano naman ngayon kung meron.” Natuwa pa ako

“Nakakatawa lang kasi meron din si tina na nunal sa likod, ganyan na ganyan din yung pwesto hahahahaha”

“Luh ka pre, baka talaga si tina yan, naghihigante sa panloloko mo hahahaha”

“G4g0!”

Habang nagsasalita siya ay tumitingin-tingin siya sa akin, hindi na ako makapaghintay na makasama siya. Gustong-gusto ko na siyang makasama, hindi dahil sa gusto ko lang siyang maikama kung hindi dahil gusto ko talaga siyang makasama, hindi biro ang nararamdaman ko kay natasha ngayon, ang gaan gaan ng pakiramdam ko sa kaniya na para bang matagal ko na siyang kilala o nakakasama. Hindi ko rin maintindihan sa nararamdaman ko, siguro dahil sa kamukha siya ng asawa ko?

To Be Continued Chapter 35

Mrs. Fernandez Revenge (COMPLETE)Where stories live. Discover now