Chapter 23.

153 4 0
                                    

CHAPTER TWENTY-THREE

Tina POV

Ilang araw na ang nagdaan ng pero hindi parin ako umuuwi, ayoko umuwi, ayoko siyang makita, ayoko munang masaktan. Pumupunta siya rito para sunduin ako pero ayoko sumama,  ayoko munang humarap sa kaniya.

Dave POV

Pinipilit ko parin si tintin pero ayaw talaga niyang umuwi, pag-uwi ko sa bahay ay sumalubong sa akin si dad, wala ng expression sa mukha niya, nakatingin lang siya sa akin

“Nasaan si tintin? bakit hindi siya umuuwi? anong nangyari??” Hindi ko alam idadahilan ko kay dad, hays

“Ah... dad... ano ahm”

“Magdadahilan ka nanaman? ha??” Nagulat ako ng bigla niya ako sin4mpal ng pagkalakas-lakas, nagulat din si mom at ate habang nakatingin sa'min, inihagis niya sa'kin ang mga litratong naglalaman ng pic namin ni janna, kita ron ang paghahalikan namin.  “Kabit mo? ha? dave?” Hindi ako nakapagsalita habang nakatingin parin sa litrato. “You know? matagal na kitang pinasusubaybayan kasi wala akong tiwala sa'yo, ito dave ang tatandaan mo, kapag hindi mo naayos 'tong gulong ginawa mo, ikaw ang aayusin ko tama? ayusin mo yan, ayusin mo.” Lumapit lang si ate at mama sakin

“Oh my god, Is this tina's friend right? ito ang kabit mo dave? you know? you're really disgusting.” Napailing pa si ate at umalis na sa pwesto namin, hinawakan lang ni mom ang likod ko at hinimas himas yun

“It's alright, everything will be okay huh?”

Tina POV

Gamit ko ang cellphone ni ate na touchscreen, may trabaho kasi si ate, nakapagtapos siya sa kolehiyo at ngayon isa na siyang flight attendant, yun naman ang pangarap niya noon pa, kaya nakakaluwag luwag din sila ngayon

Ilang saglit pa ay may nagpadala ng video sa akin sa messenger ko, facebook user din ito at hindi ko alam kung kanino. Inopen ko na nga ang video at napahawak ako sa bibig ko sa mga nakita. S3x video ito ng asawa ko at ni janna, biglang dumating si ate at agad kinuha ang phone niya ng makitang umiiyak nanaman ako, pinanood niya rin at agad na inooff ang phone

“Hay0p talaga yang asawa mo na yan pati yang janna na yan, sabi ko naman sayo eh, yang kaibigan mo na yan, yan ang tatraydor sayo” Nakaramdam ako ng pagkasuka kaya pumunta ako sa cr at doon nagsuka. Naisuka ko na ang lahat kaya nakaramdam ako ng hilo

“Nahihilo ako ate, magpapahinga muna po ako” Pumunta na ako sa kwarto at doon nag pahinga.

Ilang araw pa ang nagdaan ay nakaramdam ako ng kakaiba sa katawan ko, hindi ko pinansin nung una dahil baka stress lang ako pero hindi, nagtuloy tuloy to ang pagsusuka ko kaya lumabas ako para bumili ng pregnant test, pag-uwi ko sa bahay ay sinubukan ko, naghintay pa ako ng ilang minuto ng tumingin ako sa resulta, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

Dalawang guhit ang lumabas, hindi ko tuloy alam kung magiging masaya ako o matatakot.... baka kasi kapag sinabi ko hindi tanggapin ni dave.

“Anak.... sorry ha? gagawin ni mama ang lahat para maging buo ulit tayo huh? kakausapin ni mama si papa, aayusin ulit ni mama para paglabas mo masaya tayo huh?” Nakahiga lang ako sa kwarto habang hawak ko tyan ko, nakangiti pa kasi antagal kong hinintay magka-anak at ito na dumating na, sobrang saya ko, ngayon mas may karapatan na akong lumaban kay janna

Gabi ng umalis ako sa amin, tulog na sila inay at itay, si ate naman may lipad kaya umalis ako, kailangan malaman ni dave na buntis ako. Sa paglalakad ko ay nasalubong ko si janna, nagulat pa siya ng makita ako

“Ohw, look who's here...” Nakatingin lang ako sa kaniya.

“Umalis ka sa dadaanan ko, hindi ikaw ang gusto kong makausap” Lalakad na sana ako ng harangan niya akong muli

“At sino?? si dave? hahahahahaa common tin, t4nga kaba talaga huh? hindi kana mahal ni dave.... ako na ang mahal niya, kung ako sa'yo lalayo nalang ako”

“T4nga? yun ba ang tawag mo sa asawang pinaglalaban ang asawa niya? eh ikaw janna? anong tawag mo sa sarili mo? kirida? kabit? sabit?”

“Hindi ako kabit!!! papakasalan ako ni dave kapag nakipag divorce na siya sa'yo” Bahagya akong napangiti sa mga sinabi niya

“Sa tingin mo naman makikipag divorce siya sakin? ngayon pang magkakaanak na kami? ikaw ang dapat matakot, alam mo bang... matagal ng pangarap ni dave magkaanak? kapag nalaman niya na magkakaanak kami, maiitchupwera kana sa buhay niya”

“Hindi totoo yan!!! hindi totoo” Hinila niya ang buhok ko, natulak ko siya ng biglang sinip@ niya ang tiyan ko, napahiyaw ako sa sakit, napatingin pa ako sa kaniya habang nakangiti.  “Hindi ka pwedeng magkaanak! kailangang m@m@t4y ng anak mo, nasip4 ko siya bago pa siya makalapit sa akin

Tumakbo lang ako ng tumakbo, hinabol niya parin ako ng hinabol hanggang sa mapadpad kami sa puro puno na lugar, tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa naabutan niya ako.

“Ako lang nararapat kay dave!!! ako lang!!!”

“Bakit ba hindi kana humanap ng ibang lalaki? bakit sinusulot mo ang asawa ko?!?! maawa ka sa sarili mo janna, kesa kumabit sa asawa ko, humanap ka ng lalaking papakasalan ka”

“Manahimik ka!!!” Sin4mpal ko siya ng malakas, hindi siya nakapag balance at kita ko ang pag gulong ni tina sa bangin.

Nanlaki ang mata ko, hindi.... hindi, hindi ko siya nap4t@y, aksidente ang nangyari! Umalis na ako ng mabilisan sa lugar, baka may makakita pa sa akin

Umuwi ako sa bahay at andoon si dave, nagtataka pa siya sa mga kinikilos ko.

“Anyare sa'yo? saan ka galing?”

“W--wala... diyan lang, maliligo muna ako”

To Be Continued Chapter 24

Mrs. Fernandez Revenge (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon