Chapter 49.

171 2 0
                                    

CHAPTER FORTY-NINE (karugtong ng finale)

Tina POV

Nagising ako mula sa pagkakatulog, napatingin ako sa paligid.... wala si dave. Nandito lang siya ha? teka?? panaginip ba ang lahat ng nangyari?

Bumaba na ako sa treehouse at kita ko ang isang napaka laking tent na puno ng pailaw, sumasabay ang galaw ng ilaw sa hampas ng hangin, mabagal at nakakaakit.

Sa gilid din nito ay may mga nakasabit na litrato naming dalawa ni dave simula pa noong una palang, may mga sulat rin na arrow na nakasulat sa pinong buhangin, nagtaka ako kaya sinundan ko ang arrow na yun.

Napadpad ako sa isang lugar, kita ko ang lalaking nakaupo malapit sa dagat, umupo ako sa tabi niya.

“Gising kana pala?”

“Akala ko.... panaginip lang yung kanina, akala ko hindi kita totoong nakita” Napatingin siya sa akin, hinawakan niya ang kamay ko at tinayo niya ako

“Tin? Suutin mo 'to” Napatingin ako sa binigay niyang damit, teka??? damit ko to nung dati ha? isang plain dress color pink

“P--para sa'n to? damit ko 'to huh? ano ba naman tong kalokohan na 'to dave?” Napangiti lang siya

“Suutin muna, pleaseeee?”

Napabuga ako ng hangin at kinuha na ang dress na inaabot niya, naghanap ako ng lugar kung saan pwede magbihis, ano ba naman kasi itong trip niya? bakit pinagsusuot niya ako ng luma kong damit???

Dave POV

Hinintay ko lang siyang bumalik, medyo natagalan nga siya pero nakaantay naman ako.

“Dave...” Napalingon ako sa gawi niya, natulala ako sa kinaroroonan ko.

Siya ang asawa ko, siya si tintin... yung babaeng pinakasalan ko. Lumapit siya sa akin na halata sa mukha na naguguluhan

“Ano ba talaga 'tong trip mo? ang ayos naman ng suot ko kanina ha? pngt ba kaya gusto mo kong magpalit?—” Sunod-sunod niyang tanong

“Hindi. Teka may kulang pa” Agad niyang inilagay ang clip sa buhok ko na parang ribbon at napangiti siyang sinusuri ang itchura ko habang nakatingin lang ako sa kaniya.

“Gusto ko lang makita yung tinang pinakasalan ko. Ayan.... ganiyan na ganiyan yung gusto kong makita. Alam mo tina? i hate that look before, kasi... ang losyang pero hindi ko akalain na hahanap-hanapin ko yung ganyang version mo, hindi ako sanay makita kang si natasha, hindi si natasha ang babaeng pinakasalan ko... tara... sumama ka sa'kin”

Dinala niya ako sa likod ng tent kung saan mau nakahandang wine at mga pagkain, may music pang romantika. Isinayaw niya ako ng dahan dahan habang nakamasid sa mukha ko

“Iba yung ganda mo, kapag natural kalang... ngayon ko lang narealize na, sobrang swerte ko pala na ikaw ang naging asawa ko, tin? sorry ha? sir4ul0 talaga ako noon e, babaero... iba kasi ang pananaw ko noon, alam kong paulit-ulit kitanh tinarant4d0 pero... sana patawarin mo ko, salamat... kasi natutunan ko narin kung paano magmahal, ang sarap pala... ngayon ko lang to naramdaman, yes... nagustuhan ko si janna, sa kama. At ikaw, nagustuhan kita rati dahil sa look mo, pero nung nakasama kita... sa bahay, pinagsilbihan mo ko, inalalayan, naging mabuti kang asawa. Nung una hindi ko yun pinansin pero nung nawala ka.... at si janna na ang kasama ko sa bahay, andaming pinag-iba, nagdadalawang isip nga ako kung papakasalan ko siya eh... hindi ko makita ang sarili kong ikakasal sa kaniya at bubuo ng pamilya.” Hindi ko mapigilan ang luhang nag-aabang sa mata ko

“Kasi ngayon ko lang nalaman na, mag kaiba ang gusto mo lang sa mahal mo na. Mahal kita tina... at totoo 'to, gagawin ko ang lahat para mapatunayan na talagang mahal kita” Hinawakan ko ang pisngi niya habang may luha sa mga pisngi

“Antagal kitang hinintay dave... hindi ko maintindihan dapat hindi na ako bumalik sa'yo... kung natuturuan lang ang puso, si denver ang pipiliin ko mahalin sa dami ng kasalanan na ginawa mo sa akin, pero wala eh.... mahal kita at wala akong magawa, hindi ko kayang turuan ang puso ko dave...” Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ito

“Hindi ko sasayangin ang pagkakataon na binigay mo sa akin tin...” Kinuha niya ang singsing na na sa daliri ko at tinapon iyon sa dagat

“Dave bakit—” Kita ko ang pagluhod niya, napakunot ang noo ko sa ginawa niya

“Itapon na natin yung singsing na yun tin, kasi sa kasal na yun ikaw lang ang interesado.... at isa pa, sa pagsasama natin na yon, ikaw lang masaya... gusto ko... bumuo ulit tayo ng masayang pamilya, kung saan parehas tayong nagmamahalan” May kinuha siya sa bulsa ng pantalon niya, isa yung wedding ring, nakatingin lang siya sa akin habang hindi parin ako makapaniwala sa ginawa niya

“Tina Sargaro? Can you be my wife.... again?” Yumuko ako at pinantayan siya tingin sabay tango lang sa kaniya, napangiti siya at sabay kaming tumayo para isuot niya sa akin ang singsing, niyakap niya at ganoon din ako sa kaniya.

Janna POV

AFTER 3 DAYS

May nakita akong tv na nakabukas sa labas ng selda kaya minabuti kong sumilip at manood, gutom na gutom na ako buti nalang may puso parin si lia at dinadalhan ako ng pagkain rito, kita ko sa tv na masayang ikinasal nanaman sila tina at dave.... napabalita ang kasal nila dahil isang sikat na bussiness woman si tina ngayon, dahil nga naging si natasha siya.

Napaluha lang ako, hindi ko kayang makitang lahat ng pinaghirapan kong makuha, mawawala nalang dahil sa tinang yan, bakit ganon? nakuha ko na ang lahat bakit sa isang kisap mata nawala nanaman!! arrghh!!

“Ate?” Napatingin sa akin yung police na nagbabantay sa kulungan ko. “Ate baka pwede namang umihi oh, sige na naiihi na ako eh”

“Sige sige bilisan mo lang ha?” Agad niyang binuksan ang selda at sinamahan ako patungo sa cr, naiwan siya sa labas kaya ako lang ang na sa loob

Umiiyak akong nakatingin sa salamin, wala ng saysay pa ang buhay ko... kapag nawala ako? sino pa nga ba ang maghahanap sa akin, si dave nalang ang buhay ko... kung wala siya? mabuti mawala nalang din ako.
Agad kong inin0m ang zondrox na na sa harapan ko, matapos ng ilang segundo ay bumagsak ako sa lupa, pumasok pa ang guard at nawalan na nga ako ng ulirat.

To Be Continued Chapter 50 (Continued The Finale)

Mrs. Fernandez Revenge (COMPLETE)Where stories live. Discover now