Chapter 13.

109 1 0
                                    

CHAPTER THIRTEEN

Tina POV

Kasalukuyan kong nililigpit lahat ng pinagkainan nila, nakaalis na si papa, si dave naman may pupuntahan raw at si ate lucille nagshopping kasama si thelyon, nag-aaya kasing lumabas ang bata, hindi naman matiis ni ate.

Maya-maya pa ay biglang lumapit sa akin si mama at sin4mpal pa ako ng malakas, napahawak ako sa pisngi kong napatingin sa kaniya

“L3tche ka! alam mo una palang talaga alam ko na ikaw ang sisira sa amin ni austin, you ruin my family!!”

“Pero ma... naawa po kay papa, wala siyang ibang ginagawa kung hindi ang magtrabaho, para sa'yo at sa pamilya niya, pero ano po ang ginagawa niyo? nanlalaki po kayo, niloloko niyo po siya, agghh—” Malakas na hinil4 ni mama ang buhok ko.  “Aray ko po ma nasasaktan po ako”

“Anong karapatan mong mangialam sa buhay namin eh asawa kalang ng anak ko!!!!”

“Aray ko po ma nasasaktan po ako, bitawan niyo na po ako”

“You made me feel ashamed of my husband, at ngayon, ikaw naman ang ipapahiya ko” Agad niya akong kin4ladk4d papunta sa basurahan at malakas na itinulak roon

Malakas na tumama ang balakang ko sa sahig, napahiyaw ako sa sakit

“That's where you belong, in the trash!!” Napatingin ako sa binti ko na may umaagos na dùgo, napaiyak ako lalo sa nakita

“M--ma, ma.... yung baby ko po, m--ma!” Kita ko ang gulat sa mata ni mama ng makitang dinudugo ako.

Lori POV

“Ano ka ba, kanina ka pa palakad-lakad ako yung nahihilo sa'yo eh” Sambit ng asawa kong si rey

“Ewan ko ba.... nag-aalala ako rey, para kay tintin, pakiramdam ko kasi may hindi tamang nangyayari sa kaniya” Agad na hinawakan ng asawa ko ang balikat ko

“Ano kaba.... si tintin narin ang nagsabing ayos lang siya roon, wag kana nga masyadong mag-alala mamaya ikaw ang mapahamak diyan eh, at4kihin ka pa sa puso.” Napatingin lang ako sa malayo, ewan ko ba nagaalala talaga ako kay tintin ngayon, sana nga ay walang masamang nangyayari sa kaniya sa mansion

Tina POV

Nakatingin lang si mama sa'kin at halatang nagulat sa mga nangyari, nang dumating si ate delya ay sumigaw din si mama na para bang nag-aalala rin sa akin

“Ma'am!! ma'am jusko po ma'am” Sigaw ni ate delya

“Oh my god!! delya call an ambulance!! she needs to be taken to the hospital immediately, go go!!”

“O--opo m--a'am” Agad tumakbo papuntang sala si ate delya, lumuhod si mama at pinantayan pa ako ng tingin

“Don't you dare tell austin that i pushed you, or else... mas malala ang gagawin ko sa'yo” Nakatingin pa ako sa kaniya habang umiiyak

Nawalan ako ng ulirat noon at pag-gising ko na sa hospital na ako, nandidito na rin si ate, inay, itay, si mama si papa at si dave pati narin si ate lucille, na sa kabilang side ang nanay at tatay ko at na sa kabilang side ng kama sila mama at papa

“Tina anak, kumusta kana, anak pinag-alala mo si inay ha?” Napaluha pa ako

“Sorry po nay... pinag-alala ko pa po kayo” Hinawi lang ni inay ang buhok ko

“What happened tintin? bakit ang sabi sa'kin ni ate delya ay na sa basurahan kalang at nakaupo?” Napatingin ako kay mama na matalim na nakatingin sa'kin

“A--ah ano po... n--na--dulas lang po ako p--pa” Utal kong saad habang patuloy na umaagos ang mga luha sa mata

“Be careful next time, huh?” Napatingin ako muli kay mama na kasalukuyang nakangiti na, pumasok na ang doctor at nangunguna pa si dave na pumunta sa gawi nito

“Ahm, doc? how's my wife?? how's my child??” Nanlulumong nakatingin ang doctor sa amin

“Na sa mabuting kalagayan na po si misis mister”

“Yung anak ko po?” Tanong ko sa doctor

“You're child did not survive, masiyadong malakas ang pagkakabagsak niyo sa sahig, at siya po ang mas naapektuhan, im so sorry” Lalong umagos ang mga luha sa mata ko, kita ko kay dave ang panlulumo, napaluha siya at ganon din ako, niyakap lang ako ni inay.

Hindi muna ako pinalabas ng hospital dahil baka mabinat ako, ilang araw ng wala sa tabi ko si dave, buti nalang nandito si inay at itay, si papa at si mama ay umuwi na, pinauwi ko talaga sila, nandito naman ang mga magulang ko eh, sila ang kalakasan ko

Dave POV

“Hey pare, ilang araw kanang hindi umuuwi ha? hanggang kailan kaba dito condo ko?” Seryosong sabi ni lance

“Hanggang sa gusto ko, please bro, just let me stay here for a week, ayoko munang umuwi....”

“Akala ko ba? ayaw mo pang magkaanak, oh yan nagkatotoo na tapos ngayon manlulumo ka dyan” Sarkastikong saad niya pa

“Not now, napamahal na ako sa bata eh, kahit pa na sa sinapupunan palang siya ni tina, alam mo yun? naeexcite akong makasama siya... tapos, wala, hindi ko pala sya makikita” Tinapik tapik lang ni lance ang balikat ko

“Mag-asawa naman kayo ni tintin bro, pwede kayo ulit gumawa kung talagang gusto mong magkaanak, sa ngayon tanggapin mo nalang muna, baka talaga hindi pa para sainyo ni tina ang magkaanak.” Naluluha parin ako

Tina POV

Ilang araw pa ay nakauwi narin ako, hating gabi na ng umuwi si dave, agad ko siyang niyakap ng itulak niya ako ng malakas, tum4lsik ako sa kama at nakatingin lang ako sa kaniya na nagtataka

“D--dave? ano b--bang problema?”

“Nang sa kat@ngahan mo ay nawalan pa ako ng anak!!! alam mo tina? akala ko magiging okay na tayo eh, matututunan na sana kitang mahalin, pero anong ginawa mo?? sinayang mo lang....”

“Patawarin mo ko dave, please wag kana umalis, dito kana lang muna please?”

“Paano ko maatim na makasama ang taong pum*tay sa anak ko?!?! paano??? bahala ka dyan!!!”

“Dave!!! dave teka naman!! dave!!!” Siniraduhan niya lang ako ng pinto, napaupo lang ako sa sahig habang umiiyak, gusto kong sabihing ang nanay niya ang may kasalanan pero pinangungunahan ako ng takot

Kung ako lang ang masusunod, aalagaan ko ang anak namin, dahil maski ako, nasasaktan ako sa pagkawala niya, hindi ko kasalanan na nawala siya, sana ay masabi ko sa kaniya.

To Be Continued Chapter 14

Mrs. Fernandez Revenge (COMPLETE)Where stories live. Discover now