Chapter 47.

124 1 0
                                    

CHAPTER FORTY-SEVEN

Janna POV

Nanonood lang ako habang nag kakape ng biglang makarinig ako ng kotche ng pulis sa labas, nanlaki ang mga mata ko at napatingin kay lia

“Mga police, lia.... kahit anong mangyari, wag na wag mo 'kong ituturo ha?” Nakatingin lang siya sa akin na walang imusyon, nagtago ako sa gilid ng aparador at pumasok na nga ang police at kita kong kinausap nila si lia, narinig ko rin ang boses ni tina na nagsasalita

“Lia ilabas mo yung kaibigan mo, kailangan na niyang makulong sa kasalanang ginawa niya!” Bwisit na tina 'to, syam ata ang buhay ng gaga at hindi pa mamat4y-m4t4y

“Don't worry tin...” Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni lia, lumapit siya sa pinagtataguan ko at sapilitan akong hinila

“Anong ginagawa mo!!! lia?!?!”

“Hulihin niyo na ho siya, at wag niyo na siya patatakasin pa”

“Hay0p ka liaaaaa!!!!! pagbabayaran mo 'to” Pinosasan ako ng mga police at sapilitang isinakay sa kotche nila, hay0p yang babae na yan, siya na nga lang ang kakampi ko nagawa niya pa akong traydorin!!!! Aarrrrrrghhhhhh!!!!

Tina POV

Sumunod kami sa kulungan ni Lia, hapon na kami ng pumunta ro'n para naman manamnam niya ang pakiramdam ng na sa preso, kita ko lang siyang nakaupo, nakatingin sa lupa habang walang imusyon ang mukha.

“Kamusta janna?” Napatingin siya sa akin at halata sa mukha ang galit

“Bakit nandito ka?!?! At wow kasama mo pa yang traydor na yan!! parehas talaga kayo” Sabay duro niya kay Lia

“Traydor talaga ako janna, hindi na kita masikmura eh, hindi na ikaw yung kaibigan ko!!! pa'no mo nakakayanang pum4t4y ng isang batang walang kaalam alam sa sinapupunan ni tina at pagtangkaang muli ang buhay ni tina??? hindi ikaw yan janna, hindi na kita kilala!!! sobrang sama mo na, oo tanggap kita noon, yung nakakapag-isip ka, nagagalit ka, nagseselos ka tanggap pa kita eh... pero yung... pum4t4y ng tao?” Napailing pa si lia habang umiiyak na nakatingin kay janna, maging si janna rin ay lumuluha.  “Hindi ako kasing sama mo janna, wala ka nang pùs0, wala ka ng kaluluwa! kaya dapat lang na makulong ka, pagbayaran mo ang lahat ng ginawa mo!!”

“Pony3t4 kang traydor ka, ipanalangin mo lang na wag akong makalabas dito, dahil kung hindi?? uunahin kita, tandaan mo yan!! traydooooor!!!!”

“Oh ano janna? Kamusta ang pakiramdam ng traydorin ka ng taong pinagkakatiwalaan mo? Kaibigan ba kamo? Ano masarap ba? Masakit ba janna ha? tandaan mo!!! gumagawa na ang panahon ng paraan para ibalik sayo ng doble ang mga panghahay0p na ginawa mo noon sa'kin, mabul0k ka dyan sa bilangguan, sisiguraduhin kong hindi kana makakalabas, dyan kana lalangawin, uuurin at dadagain, paalam bestfriend” Umalis na kaming dalawa ni lia at rinig ko parin ang pagsigaw niya

“Arrrrrghhhhhhh!!!!! h4y0p ka tinaaaaa!!!!!! h4y0p ka!!!!!!!!!!! arrrrrggghhhhh!!!!!!”

Paglabas ko ay napatingin ako kay Lia, malungkot ang mukha niya habang nakatingin sa malayo

“Lia?” Napatingin siya sa akin

“Bakit tin?” Niyakap ko siya habang seryoso parin ang mukha

“Salamat.... alam kong hindi madali sayo yung ginawa mo dahil matagal mo ng kaibigan si janna, may mga pinagsamahan kayo, alam ko ring hindi mo siya kagaya mag-isip, salamat at tinulungan mo ko.”

“Bumabawi lang ako tin... may kasalanan rin naman ako eh, kinukunsinti ko rin kasi siya dati, nagbago na si janna, anlaki ng pinagbago niya... dati kaibigan pa ang turing niya sa akin ngayon? isa nalang katulong, alam ko ring mali siya, ako na ang magsosorry ang ginawa niya

“Ayokong tanggapin yan lia.... gusto ko sa kaniya mismo mang-galing, pero salamat ha? maraming salamat”

“Simula ngayon? Mag bestfriend na tayo ha tin?” Napangiti pa ako at hinawakan ang kamay niya

“Oo naman hahahaha” Nagtawanan kami pareho

Umuwi ako sa bahay, para sana makapag pahinga pero ewan... ayaw akong dapuan ng antok, pumunta ako sa pool para magpahangin muna, panay ang tingin ko sa phone ko, nagbabakasaling tumawag siya pero hindi, walang tumatawag.... bakit ba hanggang ngayon, siya parin? bakit hindi ko kayang magmahal ng iba? Umiiyak lang ako habang nakatingin sa tubig

“Umiiyak ka nanaman...” Napatingin ako sa tinig ni Denver sabay upo niya pa sa gilid ko.

“Hindi ako umiiyak, napuying lang ako”

“Hahahaha napuying mo mukha mo, kilala na kita tin... si dave nanaman no? alam mo kung ako yun? di kita gaganyanin” Napatingin ako sa kaniya habang nakakunot pa ang noo, pinupunasan ang mga luha sa mata

“Hahahahaha joke lang, pinapatawa lang kita, move on na kaya ako, bilis no? syempre ako lang to eh” Napangiti ako sa sinabi niya

“Mabuti naman.... sorry talaga denver ha? alam mo??? kung pwede lang pumili ng mamahalin, ikaw talaga ang pipiliin ko, pagod na kasi ako eh... bakit ba hindi ko siya kayang tiisin, bakit ba? mahal na mahal ko parin siya sa kabila ng ginawa niya, bakit ba denver, bakit?!?!” Niyakap niya lang ako, umiyak ako sa mga dibdib niya

“Sige lang iyak kalang.... hayaan mo muna si dave, sinabi niya namang mahal ka niya, baka naman may ginawa lang siya—”

“Umalis na siya, nung nakaraan pa bago nagpaalam sila mama sakin na aalis na sila papuntang US at doon na sila maninirahan, denver iniwan nanaman niya akoooo......” Iyak parin ako ng iyak habang hinihimas pa niya ang likod ko

“Shh tahan na, may plano naman siguro ang diyos tin, basta palagi mong tandaan na andito lang kaming pamilya mo ha? mahal ka namin” Napangiti pa ako sabay tingin sa kaniya

Hindi ko hawak ang puso ni dave, bakit kasi sinasabi niya na mahal niya ako pero wala siyang ginagawa para patunayan yun?

To Be Continued Chapter 48

A/N: Okay guys, na next chapter na po ang finale natin, tutok lang po, may next po akong story na gagawin sana po ay subaybayan niyo, yun lang po thankyou sa nakaabot sa chapter na to, labya!❤️❤️❤️

Mrs. Fernandez Revenge (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon