Chapter 19.

109 2 0
                                    

CHAPTER NINETEEN

Tina POV

Pag-alis ng asawa ko ay nagsimula na akong magasikaso, pumunta akong palengke, bumili ako ng mga kakailanganin ko sa paghanda, gusto ko maging memorable itong 8th anniversarry namin ng asawa ko.

Pag-uwi ko ay, nagluto agad ako sa bahay, tinulungan ako ni ate delya sa paghahanda ng pagkain, nagtatawanan pa kami habang tinitikman niya ang luto ko

“Kamusta po ang lasa ate?”

“Nako ma'am, mukhang nakalimutan ko po yata yung pangalan ko hahahahaha ang sarap po kasi ma'am, mukhang tinatalo niyo nga ako pagdating sa kusina, for sure ma'am makakalimutan po ni sir yung pangalan niya kapag natikman niya yang luto niyo” Napangiti pa ako sa pambobola niya

“Ikaw talaga ate, binobola mo nanaman ako hahahahaha”

Natawa rin siya, tinabi ko muna sa ref ang cake na binake ko, at pumunta ako sa garden upang ayusin ang mesa na paglalagyan ko ng pagkain, sa dingding nagkabit ako ng kurtinang color red at nilagay ko ang 8th anniversarry, sa gilid gilid ng dadaanan ay nilagyan ko pa ng balloon, at niready ko narin ang mga kandilang sisindihan ko mamaya-maya pa

“Oh tin, para saan yan?” Dumating si ate nang may ngiti sa labi habang napapatingin-tingin pa sa lugar na pinag-ayusan ko. “Don't tell birthday mo!” Natawa ako ng bahagya at napailing

“Hindi po ate.... anniversarry po kasi namin ni dave” Napatingin pa ako sa relo ko. “Alas kwatro narin naman po, maya-maya andito na yon” Napangiti pa si ate habang nakatingin sa'kin.

“Ang ganda...gusto ko ang pagkakaayos tin, i'm sure kikiligin ang kapatid ko kapag... nakita niyang inayos mo 'to” Napangiti pa ako

“Salamat ate? ah... ate may pagkain po diyan oh, gusto niyo po ba? sandukan ko po kayo.”

“Oo naman aba, gustong gusto ko kaya ang luto mo” Natuwa ako at sinandukan ko si ate ng pagkain, nang matikman niya ang luto ko ay nanlaki ang mata niyang napatingin sa'kin. “Oh my god tin, ang sarap!! alam mo kapag hindi naubos 'to, sa'kin nalang ha? i really love it”

“Sige lang po ate kain lang po hahaha”

Pagkatapos no'n ay naligo na ako, pink plain dress ang suot ko, at inayos ko ang buhok ko, binuhaghag ko lang 'to at nagsuot ng hairband na may ribbon na maliit sa gilid, napatingin ako sa sarili ko sa salamin, hindi na ako nag abalang mag makeup dahil di rin naman ako marunong, isang dollshoes pa ang suot ko, pumunta na ako sa baba at hinintay ng dumating ang asawa ko, pasadong ala-sais narin yun, uuwi narin siya, nilabas ko muna ang cake at sinindihan ko na ang kandila, napaupo lang ako habang nakangiting nakamasid sa mga handa.

Dave POV

Pasadong ala-sais na, kailangan ko ng umuwi at naghihintay sa'kin si tina, lalabas na sana ako ng may humila sa akin at sinandal ako sa dingding ng hallway

“Janna? ano kaba anong ginagawa mo rito??” Nakatingin lang siya sa'kin habang nakangiti

“Hindi mo ba kakamustahin man lang? ayan agad dave?” Napairap pa ako at inilayo ang katawan niya sa akin

“Ano kaba, pwede mo naman akong itext pupunta naman ako sa place mo pero yung pupunta ka rito??? janna sa taas lang si dad, ano kaba, pag ako nakita no'n lagot ako” Lumapit siyang muli at hinaplos pa ang dibdib ko

“Why? hindi mo ba ako namiss??”

“Look, i miss you okay? pero... wag dito ha? hawak ni daddy ang buhay ko, pwede niya akong gawing mahirap sa paraan na alam niya kapag nahuli niya akong may babae” Napangiti pa siya

“Okay, so.... can we go out of here, pumunta tayo sa bahay, do'n tayo mag saya”

    -- “Ayos lang.... basta mamaya, maaga kang umuwi ha? maghahanda ako para sa'tin”

Nalukot ang mukha ko habang nakatingin kay janna, napakunot siya habang nakatingin sa'kin

“Why? ayaw mo ba???”

“H--hindi naman sa ayaw.... kaso kasi, anniversarry namin ngayon ni tina, janna pwede bang bukas nalang—” Naputol ang sasabihin ko ng halikan niya ako, tinatanggal na niya ngayon yung botones ng polo ko

Nablangko ang isip ko sa mga nangyayari kaya, agad ko siyang hinila papunta sa sasakyan ko, umalis na kami sa lugar na 'yon at baka makita pa ako ni papa

Tina POV

Ilang oras na ang nagdaan, tunaw na ang kandila, lusaw na ang cake, naglaglagan na ang balloon pero hindi parin siya umuuwi, kanina pa nakauwi si papa pero si dave hindi parin umuuwi, napaluha lang ako habang nakatingin sa kawalan, biglang dumating si mama na nakangiti pa

“Kawawa ka naman.... anniversarry niyo ng anak ko pero ikaw lang ang masaya, tignan mo 'tong mga pinaggagastos mo, nagaaksaya kalang ng pera, why can't you accept that my son doesn't love you? hahahahaha poor you tina” Umalis pa si mama, umiyak lang ako ng umiyak

Dave POV

Nagising akong tulog na tulog si janna, napagod sa mga ginawa namin, napatingin ako sa oras nanlaki ang mata ko, pasadong ala-una na ng madaling araw, nako po!!

Lumabas muna ako sa kotche ko at sinuot ang mga damit ko, iniwan ko na muna siya roon sa loob ng kotche kong tulog na tulog, babalikan ko nalang siguro bukas yung kotche ko sa kaniya, nagcomute nalang ako.

Pag-uwi ko sa bahay ay sumalubong si dad, nakangiti ulit siya habang katabi niya si mom at si ate, tila ba hinihintay talaga nila ako

“D--dad—”

“Saan ka nanaman galing?” Hindi ko alam ang sasabihin ko

“Ah... ah, sa... sa kliyente po, may--may kinausap lang po akong.... kliyente”

“Dati project ang dinadahilan mo sa'kin ngayon naman kliyente? commooooon kid, para namang hindi kita kilala.... look at your wife, i feel sorry for her, you know why? kasi ikaw ang naging asawa niya, look at this place.... look's nice right? pero anong ginawa mo? ha? dave? you know dave.... kapag nalaman ko lang na nambabae ka, alam mo na kalalagyan mo ha?” Nakangiti parin siya, alam mo yung pakiramdam na kahit nakangiti siya mas nanunuot yung takot sa'yo, ganyan na ganyan si dad. “Come come, dalhin mo na siya sa kwarto niyo” Umalis na si dad, napatingin lang sa'kin si mama samantalang napapailing iling pa si ate habang tinitignan lang din ako.

To Be Continued Chapter 20

Mrs. Fernandez Revenge (COMPLETE)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora