Chapter 5.

124 1 0
                                    

CHAPTER FIVE

Tina POV

Naalipungatan akong wala na si Dave sa tabi ko, hindi ko maintindihan, bakit parang may mali.... hindi, baka masyado lang akong nag-iisip, sana nga ay walang mali sa naging desisyon ko. Niyakap ko nalang ang sarili ko habang umiiyak, hindi ko rin alam kung bakit ako umiiyak pero pakiramdam ko kasi parang may nawala sa pagkatao ko.

Dave POV

“Oh lawak ng ngiti mo ha? anyare?” Nakangising saad pa ni lance kaya mas lalo akong natawa

“Successed bro!! Napasuko ko narin siya” Nagpalakpakan sila kaya pinalakpakan ko rin ang sarili ko

“Iba ka talagaaaaaa, ikaw na dave” Napapailing iling pang sambit ni Clark

“Syempre.... wala kasi kayong tiwala sa'kin eh” Sabay tungga ko pa ng alak

“Buti napapayag mo? Hahahahahaha nakakagulat yun ha?” Sabay tungga rin ng alak ni Gab

“Aba! Sa limang buwan kong pag-aantay sa kaniya dapat lang na ibigay niya yun noh” Sabay inom ko ulit ng alak

“You mean? Hindi mo talaga siya minahal or..... nagustuhan man lang kahit slight lang?” Natawa ako lalo sa sinabi ni clark

“Honestly, yes right nakakaakit talaga ang looks ni tina but.... she's not my typically type, iba ang tipo ko sa babae noh, gusto ko yung.... malakas yung karisma, yung tingin palang nang-aakit na, si tina kasi masyadong banal, nakakasawa siya”

“Ang sama mo talaga bro” Napangisi pa ako

“I know.” Sabay inom ko pa ulit ng alak, sa ngayon gusto ko nalang mag-enjoy, tapos na ako kay tina.

Tina POV

Kanina pa ako naghihintay dito sa court pero hindi parin siya dumarating, tinetext ko siya ni hindi man lang siya nagreresponse, kaya minabuti ko nalang siyang hintayin dito, dadaan naman siya dito eh kapag papasok.

Ilang sandali pa ay dumating na nga siya, agad akong tumayo sa kinauupuan ko at lumakad papunta sa kaniya

“Dave? Bakit hindi ka nagtetext sa'kin, andami ko ng missedcalls at text sayo hindi ka man lang nagrereply” Nakatingin lang siya sa'kin

“Busy lang ako tin.”

“Ah... Dave? Nakapag decide na ako” Napakunot ang noo niya, nag-aantay ng sasabihin ko.  “Mamayang gabi, ipapakilala na kita sa parents ko, masaya yun para makilala mo na rin sila inay at ita—”

“Hindi. Ayoko” Napakunot ang noo ko sa sinabi niya

“B-bakit naman? Ayaw mo bang, makilala ang mga magulang ko?” Hinawakan niya lang ang mga kamay ko at tumingin lang deretso sa mga mata ko

“Listen tin, wala kang pagsasabihan about sa relasyon natin, understand?”

“Kahit kay Janna? Kahit sa bestfriend ko?”

“Yes. Itago nalang muna natin yung sa'tin maliwanag? Kapag may nagtanong sa'yo kung boyfriend mo ba ako sabihin mo hindi okay?” Napatango nalang ako sa mga sinabi niya.

Pagtapos niyang sabihin yun ay umalis nalang siya, ineexpect ko pa na ikikiss niya ako sa noo dahil yun ang madalas niyang gawin kapag aalis na siya pero wala.... ayokong mag-isip ng kung ano-ano ayokong saktan ang sarili ko, alam ko sa sarili ko na mahal ako ni dave, nagagawa niya yan dahil pagod lang siya.

Nakasalubong ko pa si Janna kaya lumapit ako sa kaniya, nawawala talaga ang hinanakit ko kapag nakikita ko ang bestfriend ko, pakiramdam ko kasi hindi ako nag-iisa kasi andyan siya para sa'kin. Ilang oras pa ang nagdaan ay dumaan muna ako sa three house na ginawa namin upang doon magpalipas ng mga oras, nagbabakasali na andito siya dahil gaya ng dati dito niya ako hinihintay pagtapos ng klase, umakyat ako rito pero wala siya, napaupo lang ako at hindi ko napigilang hindi maluha, nagbago siya. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagbago, pilit ko siyang tinatawagan pero hindi niya sinasagot

Late na ako ng umuwi sa bahay, kita ko ang pagaalala sa mukha ni inay ng pumasok ako roon, hinawakan niya lang ang braso ko at pilit akong ngumiti para sabihing okay lang ako

“Anak? Anong nangyari? Bakit ganyan ang itchura mo? Itong mga nakaraang araw napapansin ko na palagi kang huli umuwi, ano bang nangyayari anak?”

“Wala nay... Marami lang pong ginagawa, pahinga na po ako nay” Pumasok ako sa loob at nagpahinga na.

Lori POV

Nangangamba ako sa batang ito, hindi ko alam pero parang may kinikimkim siya sa loob niya na hindi niya masabi sa amin na pamilya niya, hindi ako sanay na hindi nalalaman ang problema ng anak ko, simula palang noon dibdib ko na ang nagiging sandalan niya sa tuwing umiiyak siya, ngayon hindi ko alam, hindi na siya nagsasabi sa akin.

“Bakit? Hayaan mo nalang ang anak mo lori, Matanda na si Tina, alam na niya ang ginagawa niya” Saad pa ng asawa ko kaya napaupo ako sa tabi niya

“Hindi eh, alam kong may pinagdadaanan siya, kilala ko na ang batang yan Rey, nag-aalala lang ako sa anak natin” Hinimas lang niya ang balikat ko at pinapakalma ako.

“Magtiwala lang tayo kay tintin, alam kong... hindi niya tayo bibiguin” Napasandal pa ako sa balikat niya habang hinahagod-hagod pa niya ang likod ko.

Tina POV

Ilang araw ng masama ang pakiramdam ko, suka ako ng suka sa hindi malamang dahilan. Noong una ay hindi ko pinapansin dahil baka lilipas rin 'to pero hindi.... mas naging malala, nagiging maselan na ako sa pang-amoy, wala na rin akong ganang kumain, minabuti kong magpatingin sa doctor, hindi ko sinasabi kay inay at itay o kahit kay ate na masama ang pakiramdam ko dahil ayokong mag-alala pa sila sa akin.

“Kumusta naman po doc? May nakita po ba kayong sakit sa akin, ilang araw na po kasing masama ang pakiramdam ko eh” Napangiti lang ang doctor sa akin

“No misis, ang totoo niyan may goodnews po ako sa inyo, natural lang po ang nararamdaman niyo dahil kayo po ay 3weeks ng buntis, congrats po misis” Nablangko ang isip ko, b-buntis a-ako?? Paano ko sasabihin 'to sa pamilya ko? Paano ko sasabihin 'to kay Dave? Ngayong hindi naman na siya nagpaparamdam sa akin, ni hindi ko na rin siya makita pa sa school, baka dahil iniiwasan na niya ako, napaluha lang ako, hindi ko na alam ang gagawin ko.

To Be Continued Chapter 6

Mrs. Fernandez Revenge (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon