Chapter 28.

149 6 0
                                    

CHAPTER TWENTY-EIGHT

Dave POV

Matagumpay kaming nakarating sa office ni dad, alanganin akong tumingin sa kaniya habang nasa likod ko lang si denver.

“Ano ba! kanina pa kita hinihintay huh? napaka bagal mo talagang kumilos.” Napakamot lang ako sa ulo ko habang hindi makatingin ng maayos kay daddy

“Sorry dad... may nangyari lang kaya natagalan, buti nga nandito si denver, tinulungan niya ako para madala ko kaagad 'to dito.” Napatingin si dad kay denver at kita ko ang pagbabago ng reaksyon niya

“Denver... mabuti nama't magkakilala na kayo ng anak ko.” Napakunot pa ang noo ko

“Kilala niyo siya dad?”

“Yes, mula ngayon dito na siya magtatrabaho.” Napatingin ako kay denver na nakangiti pa

“Salamat po sir.”

“No, no it's okay your welcome.”  Mabuti nama't magkakilala na si dad at taong nagmalasakit sa akin.

Tina POV

Ngayon ang oras ng uwian ni dave, hindi dapat ako nag aaksaya ng oras para gumanti sa kanila. Nagtungo ako sa parking lot at hinanap ko ang kotche niya, sinilip ko muna ang paligid kung may mga cctv at wala akong nakita. Nilabas ko ang pat4lim sa mini bag ko at tinignan ko pa 'yon ng nakakaloko.

“Ano kayang mararamdaman ni janna kapag late ng umuwi ang taong minamahal niya?” Naiimagine ko ang mukha ni janna at natatawa ako sa magiging reaction.

Napatingin ako sa gulong ng kotche ni dave at napangiti akong sin4ks4k yun, kita ko ang pagsingaw ng gulong at dali-dali akong pumunta sa kotche ko sa pinaka gilid, hinihintay na dumating si dave.

Janna POV

(Alam mo mars, try mo kayang lumabas labas man lang... ano teh? may balak ka rin bang magpaka chimay gaya ni tina na walang ibang alam na lugar kung hindi ang mga sulok ng kusina banyo at kwarto?) Napairap pa ako sa mga sinabi ni lia sa kabilang linya, kausap ko kasi siya sa phone, wala kasi akong magawa... antagal naman kasing dumating ng magaling kong fiance.

“Hoy! wag mo kong igagaya kay tina ha? una sa lahat hindi ako losyang at pangalawa hindi ako t4nga!”

(Hello girl wala naman akong sinabing t4nga ka, ang sabi ko.... lumabas labas ka naman diyan sa lungga mo, ano wala ka na bang ibang gagawin kundi ang hintayin sa pag-uwi 'yang fiance mo?)

“Hindi ako pinapayagan lumabas ng mga tao rito, feeling kasi nila mapapahamak 'tong apo nila!” Hinubad ko ang fake pregnant belly ko sa tyan ko, sinigurado ko munang nakalock ang pinto bago ko siya hinubad.

(Eh gaga ka kasi, bakit ka kasi nagpanggap na buntis? paano pag nalaman ni dave na niloloko mo siya, anong gagawin mo?)

“Eh ito nalang kasi ang paraan na naiisip ko para ibahay niya ako at tanggapin ako ng pamilya niya, kung hindi ko 'to ginawa edi sana mananatili parin akong kabit hanggang ngayon” Natawa siya ng bahagya sa sinabi ko

(Hindi nga ba? hahahahaha tandaan mo girl fiance ka palang, hangga't hindi napapawalang bisa ang kasal ni dave at tina mananatili ka paring kabit.)

“Alam mo letche ka! hindi ko alam kung kaibigan ba kita o ano, pwede bang manahimik kana lang? hindi ka nakakatulong!!”

“Janna?” Nataranta ako ng galaw at nababaan ng phone si lia ng kumatok si mama, dali-dali kong sinuot ang fake belly ko at binuksan ko na ang pinto.

“Sinong kausap mo?”

“Ah... si... si lia mama, anong ginagawa niyo rito ma?” Napailing lang siya

“Wala naman, i just want to checking you if you are doing fine... wala parin ba si dave?” Oo nga no, hindi pa umuuwi ang bwisit

“Wala pa ma, ano pa nga bang aasahan ko diyan sa anak niyo.”

“Don't mind him, i will talk to him later, ang importante ngayon magpahinga kana, baka mapaano pa ang apo ko janna.” Napangiti pa ako ng alanganin

“Okay ma... matutulog narin ako later.” Napangiti pa si mama at lumabas na nga ng kwarto, hindi parin talaga siya umuuwi, bwisit ka talaga dave!

Dave POV

Pumunta na ako sa parking lot upang sumakay na sa kotche ko, kailangan ko nang umuwi, hindi pa ako umuuwi naririnig ko na ang boses ni janna na sinisigawan ako, nakakarindi na. Pag-sakay ko sa kotche ay pinaandar ko pero ayaw umandar, marami pa namang gaas ha?

Bumaba ako para icheck kung saan ang problema at kita ko nga ang gulong ng kotche ko, butas. Hindi naman butas 'to nung pinarada ko 'to dito huh? talaga namang minamalas ka nga naman oh. Pilit kong inaayos ng may dumating na kotche sa gilid ko, napatingin ako ng bumukas ang mirror at kita ko si natasha, nakangiti siya sa akin

“Hi handsome, what's the problem? gabi na ha? bakit nandito ka parin?” Napakamot pa ako sa sintido ko

“Ewan ko! ang malas malas ko ngayon, hindi naman sira 'tong gulong ko kanina, pag dating ko ito butas... nakakainis, paano ako ngayon uuwi neto?”

“Don't worry handsome i'm here, i'm willing to help you... if you want my help get in my car and if you don't i'm leaving.” Nagdalawang isip pa ako, pero bandang huli ay sumakay rin ako sa kotche niya.

“That's nice dave, i'm sure it will be fun.” Minaneho niya ng pagkabilis-bilis, nakakatakot naman siya mag drive, isang maling galaw sa langit na agad ang punta ko, ay sa langit nga ba?

To Be Continued Chapter 29

Mrs. Fernandez Revenge (COMPLETE)Where stories live. Discover now