Chapter 43.

145 1 0
                                    

CHAPTER FORTY-THREE

Dave POV

Nagpasiya akong puntahan si Tina sa dating mansion namin dala ang bulaklak na binili ko, pero bago pa man ako makarating may biglang dumating, si Denver, nalukot ang mukha ko ng makita siya, may dala rin siyang bulaklak, nakaayos pa ang kumag.

“Anong ginagawa mo rito?” Napairap lang ako

“Susuyuin yung ASAWA ko, bakit? eh ikaw? anong ginagawa mo rito” Madiin kong saad sa kaniya

“Liligawan ko si tina, at pwede ba Dave, lumayo ka nalang kay tintin, nanahimik na yung tao wag mo ng guluhin”

“Hindi ako nanggugulo.... nandito ako kasi gusto kong maayos kung ano man yung samin, eh ikaw? ano sa tingin mo ang ginagawa mo, nililigawan mo ang taong may asawa? nabab4liw kana ba?” Tumawa lang siya

“Ikaw ata ang b4liw pre.... kasi pinagsisiksikan mo pa ang sarili mo sa kaniya eh halata namang ayaw na niya sa'yo, kasal nalang naman kayo sa papel.”

“At least kasal pa kami, hanggat may karapatan ako, mananatili ka pa ring pang-gulo.” Binangga ko siya papasok sa loob.

Kinatok ko ang pintuan ng buksan niya iyon, nag-bago ang reaction sa mukha niya

“Bakit ka nandito?”

“Tin...” Singit pa ni Denver...

“Denver—”

“Papasukin mo muna ako tin.” Napatingin siya sa akin ng biglang sumingit si thelyon

“Tito!! Akala ko di kana babalik eh” Napangiti ako at ginulo ko ang buhok niya, hinila niya ako papasok kaya wala ng nagawa si tina, hindi naman niya pwedeng tanggihan ang bata, rinig ko ring pinapasok niya si Denver, bwisit na lalaking to paepal.

“Kamusta? Naging.... behave ka ba dito kay tita tina mo”

“Opo tito, wala pa nga rin pong pinagbabago si tita eh... ang galing parin po niyang magluto” Napangiti ako at napatingin kay tina na kalaunang nakatingin lang sa akin sabay irap, katabi niya si Denver pero parang hindi siya mapakali.

“Ah... tin, alis nalang muna ako, mamaya nalang tayo mag-usap, hintayin kita sa bahay ha? pumunta ka ha?” Napatango pa si tin, kita ko ang pag-alis ni Denver habang nakaupo parin si tina, nagiiwas ng tingin

“Talagaaaaaa? Magaling parin magluto si tita mo?”

“Opo... tita??? tita tina? pwede po bang lutuan mo si tito ng favorite niya, sige na tita.....”

“Nako masama pakiramdam—”

“Masama tanggihan ang bata magtatampo yan sige” Hindi na siya nakapagsalita ng magsalita ako

“Pleaseeeeeeee tita pleaseeeee” Napabuga pa siya ng hangin

“Okay fine... para sayo, cute mo kasing bata ka eh” Tumayo siya at tinarayan niya ako, pumunta ako sa kusina at saglit na nagpaalam kay thelyon.

“Saglit lang thelyon ha? Puntahan ko lang tita tina mo hmm??”

“Opo....” Napatayo ako at pumunta sa kusina, napatingin siya sa akin na nakasalubong ang kilay

“Anong ginagawa mo rito, pwede bang doon kana... nanggugulo ka pa rito eh” Sabi niya habang hinihiwa ang sibuyas

“Ang sungit mo naman, pinapanood lang naman kita kung paano mo lutuin eh”

“Pwes ayokong nandito ka, nakakabother ka eh, alam mo dave? porket hindi ako makatanggi sa bata pwede mo na akong gantuhin, makaasta ka parang walang kang kasalanang ginawa sa akin”

“Kaya nga gumagawa ako ng paraan para makabawi sayo tin”

“Hindi ko kailangan....umalis kana nga nakakainis ka ahh aray!!” Biglang sigaw niya taranta akong napatingin sa daliri niyang dumudugo, nah!wa ng ginagamit niyang knife.

“Tin dumudugo teka teka, teka ha? kuha lang ako first aid” Agad akong umakyat sa second floor.

Tina POV

“Aray ko naman!!”

“Sorry sorry.... kailangan nating lagyan ng alcohol yung sugat mo, mamaya may tetano yung knife na ginamit mo edi nahospital ka pa?”

“Eh ano naman sayo kung nahospital ako ano namang pakealam mo—”

“May pake ako kasi asawa kita” Agaran niyang katwiran sa akin, hindi ako makapagsalita, nanatili lang ang tingin ko sa kaniya habang nililinis niya ang sugat ko, iniihipan niya pa ito bago lagyan ng betadine at takpan ng band aid.

Nanatili lang ang tingin ko sa kaniya, hindi ko maintindihan, gusto kong alisin ang tingin ko sa kaniya pero ayaw ng mata ko.

“Oh ayan na... bakit ganiyan ka makatingin sakin? tina alam ko namang pogi ako wag mo na akong titigan”

“Kapal ng mukha mo” Napangiti ako sa sinabi niya

“Oh oh oh oh hahahahahahaha, napangiti kita hahahahahaha”

“Ano ba dave umalis kana nga, ang kulit mo naman eh.... magluluto pa ako oh”

“Hahahahaha di na... ako na.” Napatingin ako sa kaniya na gulat parin

“Anong ako na??! Ano bang alam mo sa pagluluto?”

“Oy tina akala mo sakin walang alam, mas masarap pa nga yata ako magluto sayo eh”

“Yabang mo!!” Natatawa parin ako pero pinipigilan ko, assuming kasi to eh

“Hahahahahahahahaha oh siya sige na, maupo ka muna ro'n, samahan mo si thelyon, magluluto muna asawa mong pogi hahahaha”

“Kapal grabe.... diyan kana nga” Tumawa lang siya, napaupo pa ako sa gilid ni thelyon at napatingin sa sugat ko na may band aid, automatikong ngumiti ang mga labi ko, para ba itong may sariling buhay, hindi ko rin maintindihan bakit ganito.

To Be Continued Chapter 44

Mrs. Fernandez Revenge (COMPLETE)Where stories live. Discover now