Chapter 42 - Intuition

35 1 0
                                        

=======================

Chapter 42

 Intuition

=======================

Jhyrus' POV

Nung una, akala ko papalya na naman ako. Hindi ko talaga alam, pero ganun ba talaga kahirap umamin sa babae na gusto mo siya? Pakiramdam ko ako lang yung ganun. Minsan na kasing nabalewala yung effort ko. Hindi naman siguro masamang magpakasiguro diba?

Sa ngayon, masaya ako. Masayang masaya. Pagkatapos nung ilang oras kong pag-iisip kung pano sasabihin kay Chiina, nasabi ko rin sa kaniya. Ang sarap lang sa pakiramdam! Pano mas naging sweet siya sakin eh.

Syempre kailangan may effort din ako. Kaso hindi ko alam kung pano ko uumpisahan yung panliligaw ko >.<

Bahala na nga. Bukas after class, didiskarte ako.

Sa school..

"Tol, mauna na muna kayo, pupuntahan ko muna si Chiina." 

After namin kumain ng lunch, umakyat muna ako sa room, pupuntahan ko muna siya. Ano ba to, umamin na nga ako eh, pero kinabahan pa rin ako. Asar!

Parang busy yung section nila Chiina ngayon. Ah, oo nga pala, ngayon yung play nila sa Filipino.

"Alora, si Chiina?"

"Ay nagbibihis ata, saglit lang tatawagin ko." Pumasok na siya sa room nila.

 "Ipaalam na natin si Jhyrus kay Chiina." Parang kilala ko yung boses na yun ah. Sumunod pala tong mga Boyz sakin. Tsk. -_-

Sakto naman na lumbas si Chiina sa room.

"Andito pala kayo lahat."

"Wow, hanep naman yung costume mo, ikaw ba yan Maria Clara?" tanong nila Lander. Hindi ako nakapagsalita. Nakatingin lang ako kay Chiina habang nakangiti. 

Ang ganda niya. Para siyang prinsesa.

"Hindi ah, si Donya Consolacion ako." 

"Ganyan pala kaganda si Donya Consolacion." sabi ko. Ang pagkakatanda ko kasi, hindi maganda yun. Haha. xD Sorry, maagang nauso ang banat. :D

Tumawa lang si Chiina habang inaasar ako ng mga kaibigan ko. Loko talaga yung mga yun. Minsan lang ako bumanat eh.

"Nga pala Chiina, ipagpapaalam pala namin si Jhyrus sayo, magbabasketball sana kami." sabi ni Marky.

"Mag-uusap pa kami eh."

"Pasunurin mo na lang siya." singit naman ni Lander.

"Oh sure, sige, susunod agad yan sainyo." 

Nagpaalam na yung mga Boyz.

"Sinong Maria Clara niyo?"

"Si Mommy Ashley, ayun oh, nakatayo siya sa gilid." sabay turo niya sakin sa classmate niyang sobrang hinhin.

"Bakit mas maganda ka pa kesa kay Maria Clara? ekstra ka lang naman?"

"Ang sama mo naman." pero nakangiti pa rin siya.

"Haha. Joke lang, hindi ka na mabiro."

At nagtawanan lang kami.  Pero bigla kong naalala yung tungkol sa lalaking nanliligaw sa kaniya.

"Hindi mo pa rin ba sasabihin sakin kung sino yung lalakeng nanliligaw sayo?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 27, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It Started with a GlanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon