Chapter 31 - Signs

67 0 0
                                        

==================

Chapter 31

Signs

==================

Jhyrus' POV

Christmas break is on.

Lahat nagpapahinga at nagrerelax. Pero kaming coaching boys, walang pahi-pahinga.  Ilang araw na rin kasi kaming nagpapabalik-balik sa bahay ni Ma'am Narcisso para mag- coaching. Malapait lang iyong bahay niya sa bahay ni Ma'am Bertiz, kaya kapag lunch  break, kina Ma'am Bertiz kami nangungulit kasama ng mga 3rd year. Parang last year  lang, kami pa ang nagpupunta rito, ngayon, ibang students na. Nakaka-miss tuloy.  Hehe.

Pero may isa pa akong higit na namimiss-- si Alex. Nag-umpisa ang bakasyon na  punung-puno ako ng pag-asa na mararamdaman ko uli iyong spark sa aming dalawa.  Pero hanggang ngayon, hindi pa rin siya nagpaparamdam.

Dumaan ang Pasko at umasa talaga ako na itetext niya ako. Kaso, umaasa lang talaga  ako. Wala kasi talaga siyang text. Kahit simpleng bati ng "Merry Christmas", wala  talaga. In the end, si Chiina an nakakatext ko. Katulad ng dati, matagal pa rin siya kung  magreply, pero hinihintay ko na lang talaga ang reply niya kasi masaya naman siyang  katext eh. Hehe.

December 27, 2007

Past 6:00pm na at katatapos lang namin mag-coaching. Papunta na kami sa sakayan  pabalik ng Marikina. Kasabay ko si Justin sa paglalakad. Tahimik lang kami,  samantalang ang iingay nila Lloyd.

"Jhy, samahan o naman ako sa Concepcion oh, may pupuntahan tayo." biglang sabi ni  Justin.

"San naman yan?"

"Kina Chiina." sagot niya. Kina Chiina? Tama ba rinig ko?

"Eh. Ano namang gagawin ko ron? Kayo lang naman mag-uusap di ba? Bakit kailangan  pa ako?"

"Basta samahan mo na lang ako." sabi niya.

"Bakit nga kasi?"

"Gusto ka niya makita bago mag-New Year Jhy. Matutuwa iyon kapag nakita ka niya."  paliwanag ni Justin.

"Eh di pa naman kami close nun, nakkahiya naman. Ikaw na lang."

"Sige na Jhy, sama ka na, matutuwa talaga yon. Wish niyang makausap ka bago mag- New Year. Kahit hindi kayo makapag-usap, basta makita ka niya, masaya na yon." pilit  niya.

"Sige na nga."

"Nice Jhy. Matutuwa talaga iyon." at nakipag-high-five siya. Pagkababa namin sa Concepcion, sumunod lang ako sa kaniya.

"Malayo ba bahay non?"

"Malapit lang sa school." sagot ni Justin.

"Ayos ka ah, alam mo na agad yung bahay?"

"Adik, nalaman ko lang naman eh." sagot niya.

Maya-maya, lumiko kami sa isang kanto along J. Molina. Huminto siya sa tapat ng isang  gate.

"Andito na tayo." sabi niya.

Napatingin lang ako sa bahay. Simpleng lang siya, single detached. Mas malaki nga lang  siya kesa sa bahay namin, may garahe kasi. Hehe.

"Chiina!... Chiina!... Chii!" tawag ni Justin.

It Started with a GlanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon