Chapter 4 - Si Bestfriend

225 0 0
  • مهداة إلى Ana San Jose
                                        

==================

Chapter 4

Si Bestfriend

==================

Rose Anne's POV

Wala na naman siya sa sarili niya. Kahit hindi siya nagsasalita, alam ko kung sino iniisip niya. Bigla siyang tumayo, nagtago sa isang upuan na malapit sa bintana. Hindi na ako nagtataka.

Maya-maya, dumaan si Dylan. Tumayo na siya, umupo sa upuan. She looked kind of disappointed. At ayan, mababakas na naman sa mukha niya yung lungkot at inis. Pero hindi pa rin siya nagsasalita. Hay.

Itong kaibigang kong ito talaga. Basta pag-ibig. :D Hehehehehe

"Chii, kung nagagalit ka, magsalita ka kaya, hindi yung para kang mute dyan." Hindi ko  alam kung paano siya icocomfort. Isa pa, siguradong pagti-tripan na naman siya nila Queenie at Princess.

"Sus, di ka na nasanay dyan kay Chii, kinakausap na naman niya yung sarili niya eh." Asar nitong Queenie.

"Wag niyo nga istorbihin si mommy ko, sigurado naman akong iniisip niya si Daddy Dylan eh." Banat nitong si Princess. At nagtawanan na naman yung dalawa. Nakitawa na lang din ako.

Hindi ko talaga alam kung tama tong ginagawa ko. T_T Kung napapagaan ba namin yung loob niya. :( Hay. Tinititigan ko lang siya.

Tulala. Hindi umiimik. Parang hindi niya kami naririnig. Pero alam ko, malalim lang ang iniisip niya. Pahamak kasi tong si Dylan.

Hindi niya alam, nahihirapan na si Chiina sa kaniya. Sino ba naman kasing lalake ang hindi papansinin ang sarili niyang girlfriend. Hay.

"HOY CHIINA!! di ka ba talaga magsasalita dyan??!!" sigaw ni Princess.

"Anu ba kayo, ang ingay." Yan lang yung tangi niyang nasabi. Halatang-halatang may iniisip siya.

"NAGSALITA ANG HINDI MAINGAY!!"

1st year pa lang, kaibigan ko na si Chii. Saming dalawa, siya ang masayahin, maingay, at one-of-the-boys. Pero kahit ganun, marami kaming pagkakatulad. Favorite namin pareho ang English. Magaling magdeliver yung si Chii, pati sa pagsusulat. Mahilig din siya magbasa. Pero ayaw daw niya basahin yung mga lessons namin, lalo na pag Math at Science. Hehehehe. Pambato nga namin yan sa Reading Comprehension Contest eh, at second place siya last year.

Ang hilig niyan basahin mga teen romance stories pati horror, gumawa ng mga tula, kumanta, at lalo na ang mag-daydream. Punung-puno yang ng pangarap.

At pag may problema yan, siguradong mahahalata mo siya.

"Alam ko na, siguro nakita mo si Dylan no?" tinanong ko na siya. Alam kong nahihirapan lang siya mag-open samin sa mga oras na ito. Kilala ko na siya masyado, at hindi niya iyon malilihim sakin. 

Hindi siya sumagot. Alam naman kasi namin na tama ako. Buti na lang at hindi muna nagsalita yung dalawa.

Si Dylan. Siya ang dahilan kung bakit madalas wala sa sarili tong si Chiina. Pero, naiintindihan ko naman kung bakit ganun na lang kalungkot tong kaibigan ko.

Dahil, iisa kami ng lalakeng unang minahal....

 First love ko rin si Dylan.

Nasaktan talaga ako nung una. Hindi dahil sa pareho kaming lalakeng gusto, pero dahil si Chiina yung nagustuhan at niligawan ni Dylan.

To the point na hiniling kong sana, ako na lang...

Pero hindi naman iyon nagtagal. Kaibigan ko naman si Chii eh. Alam kong hindi niya pababayaan si Dylan. Kaya nagpaubaya ako. :D Bukal iyon sa loob ko. Kaya sobrang saya ko nung malaman kong sinagot na ni Chii si Dylan. Parang, naging kami na rin ni Dylan nung araw na yun. Alam ko kasi, masaya sila pareho.

Masaya yung mahal ko at yung bestfriend ko. :D

Pero, mukhang mali ako, kasi ngayon, nang dahil sa lalakeng minahal ko, nasasaktan ang bestfriend ko. :(

Hindi ko alam kung sinwerte ako dahil hindi ako yung niligawan ni Dylan kaya hindi ako ang nasasaktan ngayon, pero hindi ko rin naman kayang nakikita na nalulungkot ng ganito si Chii. Hay.

Awkward moment.

"Alam mo Chii, gutom lang yan, tara, miryenda tayo." aya ni Queenie.

"Ha? Eh taka baka dumating na si ma'am, mapagalitan pa tayo." sagot niya.

"Kelan ka pa nag-alala na baka mapagalitan tayo? Dati ikaw pa nag-aaya bumaba." sagot ni Princess.

"Wala kasi akong gana." Ayun na nga, wala siyang gana. At nakatulala na naman.

"Hay, nagddaydream na naman siya." Hindi ko talaga alam anung sasabihin ko para mapilit siyang maging masaya man lang.

"Ui hindi aa, tara na nga, ang kulit niyo eh."  Buti naman at pumayag na siya.

Anung nangyari sakin pagkatapos ko kay Dylan?

Ito, wala naman :D

Heheheheh, buhay pa. xD

Sa totoo lang, hindi naman kasi ako ganun ka-open tungkol sa feelings ko. Kahit kanino... Kahit kay Chiina pa..

Pero nitong August lang, napansin ko siya.. Tuwing practice namin sa Sabayang Bigkas para sa Filipino month. Nakakatuwa kasi siya eh. Masayahin din gaya ni Chii..

Nga lang, ang payat niya - pero cute! :)) as in!!!!!!!

Sabi ni Chii, best daw tawagan nila. Bestfriend kasi ng bayan. :)

Nung minsan nga eh, napagtripan namin siya.

Pano nitong nakaraang araw, naisipan naming hanapan ng bagong partner si Chiina. Para lang maging masaya yung breaktime namin. Kung sino unang pumasok sa room nung oras na yun, titingnan namin kung bagay kay Chii. Pumayag na rin ako since wala kaming magawa. HIndi ko naman akalaing nagpabili pala ng hopia itong si Chiina sa kaniya. Siya yung pumasok sa room.

Tawa ng tawa itong si Queenie at Princess, dumagdag pa si Michael at Sam. Kawawa nga si crush eh, halatang walang alam na siya yung dahilan ng pagtawa namin. Hehehe.

Sana sakin ka na lang pinartner, hindi sa bestfriend mo...

Besmonte.

It Started with a Glanceحيث تعيش القصص. اكتشف الآن