Chapter 9 - Winner

117 0 0
                                        

==================

Chapter 9

Winner

==================

Chiina's POV

Reading Proficiency Contest.

Nasali na lang ako bigla sa contest na yan after kong magtake ng series of exams. Pero dahil sa pagkapanalo ko jan last year, wala na kong ginawang project sa English. xD

Hindi ako tinitrain. Sabi sakin, magbasa lang daw ako ng magbasa para mahasa pa yung isip at kakayanan ko. Pero dahil sa katamaran ko, ni hindi nga ako nagbuklat ng libro. :)

Ang galing ko no? Hehehe. Sobrang tamad ko magbasa kapag school-related na, tas di ko pa gusto yung dapat basahin. Pero kung interest ko yung babasahin, why not! Hehehe.

Kaya naman nagulat na lang ako nung nag-2nd place ako last year sa contest na iyon. Naisip ko kung talaga bang marunong ako or tsamba lang iyon.

Anyway, ayon na nga ang nagyari. Kaya naman this year, ako uli ang isasali.

Kayanin ko kaya uli? 

==================

English time.

Chillax lang ang araw na ito, puro lang kasi exercises. Ilang minuto ko lang sinagutan yung akin. Kaya naman ito, naghihintay na lang ako mag-time,

"Chiina" tinawag ako ni Ma'am dela Rosa. Tumayo ako at pumunta sa harap.

"Ano po iyon Ma'am?" Anu kayang meron?

"Dalawang representative pala ang kailangan sa Reading Proficiency. Mayroon ka bang mairerecomenda ka ba?"

"Hhhhmmm. Pwede po si Rose Anne Ma'am. Magaling din po siya sa English eh."

"Si Lucy kasi naisip ko, pero sige, titingnan ko si Rose Anne. Basta paghandaan mo na iyon ha."

"Opo Ma'am."

Pagkatapos ako kausapin ni Ma'am, bumalik na ko sa upuan ko.  Magbasa na kaya ako? Ilang araw na lang eh contest na. Ayoko madisappoint si Ma'am. 

Kinabukasan...

"Chiina!" Ang aga-aga, boses ng bakla ang narinig ko.

"Ano yun bading?"

"Che, babae ako no." Feeler talaga tong si Michael.

"Asa." kapapasok ko pa lang. Sinalubong ako ni Michael sa gate. Tambay na naman ako ng MHS. This time, nasa TLE Building kami nagsstay.  

Nag-aantay kasi kami  ng oras. 10:30 am kasi ang start ng Math Enrichment (Advance Math Classs) class namin. Nakakatamad tong klase na to.  Maliban pa rito, may MTAP classes din kami tuwing Sabado ng umaga (sa hapon naman yung Enrichment class sa Pathways). May bayad naman yon. At minsan ginagawang bonus o project ng mga teachers. Syempre ang tendency, sasama yung mga estudyante. May baon eh. Hehehe.

Sa ground floor ng building B yung enrichment room. Nasa pagitan iyon ng cashier at Journalism room.

Nakakatamad talaga ng Enrichment class. Buti na lang, nasama sila Maylene sa next level ng MTAP contest. Last Enrichment classmate muna namin to, since mag fofocus si Ma'am sa coaching nila. saya kaya nun. Haha.

"Ui Chiina, narinig mo ba yung sinabi ko?" Nalimutan ko pa lang kasama ko si bakla.

 "Ah, anu nga uli yon?"

It Started with a GlanceWhere stories live. Discover now