==================
Chapter 29
So Near yet So Far
==================
Chiina's POV
Busy na naman ang lahat sa paggawa ng homework sa Math. As usual, kopyahan na naman. Buti na lang at nakagawa na ako kanina-kanina lang. Inaabangan ko na naman kasi si Jhyrus eh. Hehe. 5 minutes na lang, lalabas na sila ng room para pumunta sa Science Lab.
"Chii, sino bang inaabangan mo?" biglang dumating si Josh. Ewan ko saan siya nanggaling. Nakaupo ako sa isang mahabang bagay na nagsilbi nang upuan ng mga estudyanteng tumatambay sa tapat ng pinakaunang classroom sa 3rd floor ng Building A. At specifically, ang mga estudyanteng iyon ay ang mga III-1. na naghihintay sa paglabas ng mga IV-1.
"Sino pa bang hinihintay niyan, eh di yung crush niya, si Jhyrus." sagot ni Sam sa kaniya.
"Nasaan ba iyon? Ituro mo nga sa akin." sabi ni Josh.
Maya-maya pa, isa-isa nang nagsisilabasan ang mga IV-1. Lalabas na rin siya anytime.
"Sam! Ayun na siya!" Napalingon si Sam sa direction na sinabi ko.
"Hehe. Ayun oh Josh, yung lalaking nakatalikod kasama ni Lander." tinuro niya si Jhyrus.
"Sus, ang panget naman eh." comment niya. Pero alam ko namang inaasar lang niya ako. Hehe.
"Panget ka diyan. Kesa naman sa isang taong hindi naman mapagkakatiwalaan." parinig ko. Hindi ko alam kung nasa paligid si Allein. At hindi na rin iyon mahalaga sa akin. "Teka Sam, nagpalit siya ng bag."
"Nagpalit ng bag? Sino?" tanong niya.
"Si Jhyrus. Color light brown na backpack gamit niya dati, ngayon color blue na. At saka, hindi na rin niya ginagamit yung blue file case niya."
"Grabe, kabisado ang mga gamit?" tanong ni Josh.
"Hahaha. Si Chiina pa." sabi naman ni Sam.
Hindi ko alam kung bakit, pero nung una ko siyang makita eh I find it necessary to know what he usually carries around school. Kaya naman kinabisado ko talaga kung anu-ano ang mga gamit niya. I also familiarized myself to the people he always hangs out with. And sa ngayon, masasabi kong si Kuya Marc, si Lander at Justin talaga ang madalas niyang kasama.
Dumaan naman ang mga morning subjects namin ng walang kahit anong interesting na nangyari. Boring nga eh. At sa ngayon, daldalan pa rin ang lahat. Sinusulit ang break time.
Biglang dumating si Ma'am Bertiz. Ilang minuto pa bago mag-bell ah. Hehehe. Nevermind na lang. :)
Nagsiupuan na ang lahat sa kaniya-kaniyang upuan. Yung iba, inaayos ang mga gamit, yung iba, tinatago pa yung kinokopyahan nila ng homework. Lumapit si Nikki kay Ma'am Bertiz.
"Ano ba iyan, konting sakit ng ulo lang eh gusto niyo nang umuwi." nagsalit si Ma'am. Nilalagnat nga pala si Nikki. Siguro hindi na niya kayang tiisin kaya nagpapaalam siyang umuwi. Halos katapat lang naman ng school namin ang bahay nila.
Walang umimik sa amin nang nagsalita si Ma'am.
"Si Jhyrus nga eh, dine-dengue na, ayaw pang umuwi, natatakot matanggal sa coaching. Ikaw na sakit lang ng ulo, gusto nang umuwi?" tanong ni Ma'am kay Nikki.

YOU ARE READING
It Started with a Glance
Fanfiction(YongSeo) Takot ka na bang masaktan uli dahil sa nangyari dati? Takot ka na bang magtiwala uli dahil baka masira na naman iyon? Takot ka na bang magkagusto uli sa isang tao dahil baka mauwi lang lahat sa wala? Ganyan din ako noon, hirap magtiwala da...