Chapter 30 - Optimism

68 0 0
                                        

==================

Chapter 30

Optimism

==================

Jhyrus' POV

Wala kaming coaching ngayong araw. Katatapos lang namin mag-lunch ni Justin. Hindi ko alam kung anong sunod naming gagawin. Hindi ko rin alam kung nasaan sila Lander eh. Iniisip ko tuloy na umuwi na lang agad.

"Uy Justin, uwi ka na ba?"

"Mag-uusap pa kami ni Zea. Teka, gusto mo sumama?" aya niya.

"Ha? Bakit naman?"

"Para makapag-usap din kayo ni Chii. Matutuwa yun sigurado." sabi niya.

Napaisip ako. Almost three weeks na rin mula nung magkalabuan kami ni Alex, at si Chiina lang ang nakikinig sa akin. Wala naman sigurong masama kung kilalanin ko siya di ba? Wala naman akong ibang intensyon kundi ang maging mabuting kaibigan niya.

"Sige, sama ako."

Pagkagaling namin ng canteen, pumunta kami sa school quadrangle. Doon namin nakita ang section nila Chii, nagpapractice ng choric at iyon. Umupo muna kami sa gilid habang hinihintay namin silang mtapos. Maya-maya pa, nag-break muna sila at nilapitan nila kami. Mabilis na nilapitan ni Zea si Justin, samanatalang kami ni Chii, halatang nagkakahiyaan. Ito kasi ang unang pagkakataon na mag-uusap kami ng personal.

"Uh, Hi Chiina."  Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hay. Fail.

"Hi rin.." nakangiti siya nung batiin niya ako. Sa kauna-unahang pagkakataon, magkatabi kami ni Chiina, ng kaming dalawa lang. Kinakabahan ako. Pero, parang may kakaiba sa kaniya ngayon. Dumistansya ng kaunti si Justin at Zea sa amin ni Jhyrus para makapag-usap sila. Niyaya ko namang umupo si Chii.

"Ahmm.. Bakit parang ang tahimik mo? Naabala ba kita?"

"Ah, hindi ah, break naman nmain ngayon eh. May iniisip ako." sabi niya.

"Ano iyon? Baka matulungan kita."

"Si… Alexa." Matipid niyang sagot. Bakit? Anong tungkol kay Alex?

"Ha? Bakit mo naman siya iniisip?"

"Wala lang… Hindi kaya… mas layuan ka niya… dahil sa akin?" tiningnan ko siya, at nakita kong malungkot siya.

"Wala ka namng gingawang masama eh. Isa pa, kagaya ng kinukwento ko sa iyo, nanlamig na siya bago pa man tayo… ahm…" iniisip ko pa ang tamang salita, "aahhhmm.. Magkakilala. Kaya wala kang kinalaman dun."

"Thank you." sabi niya, at ngumiti siya. Mabuti na lang. :)

Walang nagsalita sa amin sa loob ng ilang minuto. Kung makwento lang sana akong tao, hindi sana ganito. :(

Nakita ko yung kaibigan ni Alex. "Ahm, nakatingin sa atin si Nessa oh."

"San?" tanong niya.

"Ayun oh, sa taas. Classmate siya ni Alex."

"Kilala ko si Ate Nessa. Sigurado malalaman na ni Alex na nag-usap natin." nag-iba na naman ang tono ng boses niya.

It Started with a GlanceWo Geschichten leben. Entdecke jetzt