Chapter 26 - One Message Received

70 0 0
                                        

==================

Chapter 26

One Message Received

==================

Jhyrus' POV

So far, so good.

Mas nagiging maayos pa kami ni Alex. Every night, magkatext kami. Nag-uusap din kami basta may pagkakataon, lalo na kapag break time. Pero sa ngayon, hindi pa rin kami umaabot sa point na sabay kaming lalabas ng school at ihahatid ko siya sa kanila. May coaching kasi ako sa hapon kaya hindi talaga kami magkakasabay. Anyway, alam ko namang darating din kami ron. Sa ngayon, masaya ako sa mga nangyayari.

Ngayong araw, walang klase sa school, dahil sa Sportsfest kaya tambay lang kami sa room, sa corridor o kung saan kami dalhin ng mga paa namin. Pero hindi naman boring, masaya kaya pagmagkakasama ang mga Boyz.

"Jhy, tawag ka ni Marjorie nasa may pinto siya." sabi ng boyz. Pinuntahan ko siya agad.

"Oh bakit Marj?"

"May ginagawa ka ba?" tanong niya.

"Wala naman, bakit nga?"

"Gusto mo bang makausap si Alex?" tanong uli niya.

"Kung pwede, bakit hindi."

"Sige, sige, sasabihan ko siya." Tapos umalis siya saglit. Maya-maya, bumalik siya.

"Gusto ka rin daw niya kausapin. Puntahan mo na siya." sabi niya sa akin. Hinatak niya braso ko palabas ng classroom at tinulak niya ako papunta kay Alexa.Binitawan lang niya ako nung malapit na ako sa kaibigan niya.

"Hi… Alex."

"Uy, sabi nila sa akin gusto mo raw ako makausap." sabi niya.

"Kung pwede lang naman. Wala naman kasi akong ginagawa eh. Ikaw? May ginagawa ka ba? Baka naaabala kita."

"Hindi ah. Wala namang class eh." Ngumiti siya sa akin.

Umupo kami sa corridor, sa tabi ng pintuan ng room nila. Ngayon ko lang siya natitigan ng ganito kalapit, magkaharap kasi kami. At habang nagkukwentuhan kami, hindi mapigilang isipin na ang swerte ko kasi ako ang nagustuhan ni Alex. Sigurado naman kasi akong maraming nagkakagusto sa kaniya.

Marami kaming napag-usapan. Tinuruan pa nga niya akong mag-wish sa buwan eh. Sabi raw ng lola niya, pwedeng mag-wish kapag full moon. Kunin lang daw ito na para bang abot na abot mo ito at saka banggitin yung wish. Kapag tapos nang humiling, saka  pakakawalan uli yung buwan.

It Started with a GlanceМесто, где живут истории. Откройте их для себя