Chapter 8 - Aja!

133 0 0
                                        

==================

Chapter 8

Aja!

==================

Chiina's POV

Ang saya-saya ko lang :) Mahigit two months na kami ni Allein. :)

At ang mas ikinatuwa ko pa ron ay yung si Josh at Rose Anne na rin. :)) One week pa lang sila. Pero kahit ganun, parang ang tagal tagal na rin nila. Hehehe. Pano ba naman, sa text pa lang parang sila na eh. Pakipot pa sila pareho. :) Kung hindi ko pa binantaan si Josh, baka hindi pa iyon nagka-lakas ng loob. :)

Minsan  talaga may pakinabang din yung pagiging pakialamera ko.  Hehehehehe. :D Kwentuhan lang kami ng kwentuhan ni Rose Anne. Nakakatuwa naman siya. Ang saya-saya niya.

Maaga pala kaming pumasok ngayon. Wala lang. :) Tambay talaga ako sa school. Mas gusto ko kasing maagang pumasok. Mga.... 2-3hours before class, para pag hindi ako nagawang assignment, makakakopys ako. xD Hahahaha.

Pero ang totoo niyan, gusto ko lang talaga tumambay. Nakakatamad kasi sa bahay eh.

Pabalik na kami ni Rose Anne sa tapat ng SC. Iyon yung pangalawang room sa 1st floor ng Building A. :) dun kami tumatambay. Kilala naman kami ng mga SC Officers eh. Hehehe. Pababa na kami ng Building C.

"Alam mo ba Chii, nakaktuwa yung si Josh, pasimpleng sweet eh." kwento ni Rose Anne.

"Oh? Bakit naman?"

"Eh pano naman, magtetext ng kung anu-ano, yun pala sasabihan lang ako ng mga korny lines." Kinikilig ang bruha! :D

"Kinikilig ka naman? Hahaha."

"Oo naman! Eh pag andito kasi tayo sa school, casual lang kami eh. Hindi tulad niyo ni Allein." defenseive siya. :3

"Ui ano ka, sakto lang naman kami, hindi PDA no." paliwanag ko. haha.

"OK fine. Hehehe. Naalala mo ba yung kape na tinimpla nilang dalawa nung Astro?"

"OO naman! Ang tamis tamis nun eh! Makakalimutan ko ba naman yun? Binigay ko na nga lang kay Richard yung sobra eh. Sobrang tamis kasi!" As in, sobra, sobrang tamis nung kape na timipla ni Allein at Josh para samin ni Rose Anne.

"Sabi ni Josh, dalawang kutsara raw na asukal yung nilagay nila ron. Eh 3-in1 yung kape, eh diba may asukal na rin yun?" sabi ni Rose Anne.

"Oo, kaya sobrang tamis talaga. At ang sabi pa ni Allein, kaya matamis yun kasi kasintamis daw ng pagmamahal nila satin. Ang korny talaga ng baliw na yun!"

"Korny daw, eh kinilig ka nga nun eh. Aminin!" Minsan pang-asar din tong si Rose Anne. :)

"Haha. Oo na."

"Nagulat nga raw sila ni Allein nung pagbalik nila galing canteen eh nakita nila tayong kumakain ng cup noodle. Sayang daw effort nila sa pagtimpla ng kape. Haha." sabi ni Rose Anne.

"Hindi naman sayang ah. Ininom naman natin. Hindi ko nga lang inubos yung akin, sobrang tamis ba naman." -__- "Buti na nga lang ininom ni Richard yung akin. Hindi naman siya nagreklamo. Hehe."

"Ang tagal ba naman kasi nilang dalawa. Di pa nila tayo sinabihan na pupunta silang canteen. Kaya malay ba nating bibilhan nila tayo." sabi uli ni Rose Anne.

It Started with a GlanceTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang