Chapter 6 - Jeepney

188 0 0
  • Dedicated kay Jomar Cilot Besmonte
                                        

==================

Chapter 6

Jeepney

==================

Rose Anne's POV

Hindi na bago sakin kung maingay si Chii. Pag ganun kasi, alam kong wala siyang iniisip o problema. Kahit na madalas nakakairita na yung kaingayan at kakulitan niya, mas gusto ko pa rin yung masayahin siya kesa naman sa hindi siya nagsasalita at may bumbagabag sa kaniya.

Nitong mga nakaraang araw, dumadaldal na siya uli. Malamang nag-iisip isip pa rin siya sa mga pangyayari, pero at least sa ngayon hindi na siya ganun kalungkot.

Nakahinga ako ng maluwag dahil dun. Alam ko na ngayon kung anung gagawin ko. Nabalitaan niyo naman na siguro na nililigawan ni Allein ang bestfriend ko. 

Boto ba ako o hindi? Hhhhhhhmmmmmmm....

Tingin ko hindi na mahalaga kung payag akong maging si Allein at Chii, pero para sakin ang mahalaga eh ang best friend ko - yung hindi na siya magiging malungkot. At kung si Allein ang magiging sagot dun, aba, walang problema sakin. Ok naman siya eh. Mabait, maitsura, gentleman pa.

Tingin ko naman aalagaan niya si Chii. Kaya ayos yun kung magiging sila :D

Boto naman ang barkada..

*Flashback

"Wala ka bang balak sagutin si Allein, Chii?" tanong ni Sam.

"Hindi ko pa alam eh."

"Alam mo, sabihan mo na lang kaya yung tao, kawawa naman eh. Nag-aantay." sabi ni Princess.

"Anu ka ba Cess, kung gusto talaga ni Allein si Chii eh maaghihintay yun kahit gano pa katagal." sabi ni Queenie. 

Oo nga naman. Para maipakita ang sincerity ng isang lalaki sa nililigawan niya, dapat matuto siya maghintay. Huwag atat! :D

"Nakakapagod kaya maghintay no, eh pano kung basted din pala aabutin nung tao sayo Chii.?" Tanong ni Princess.

"Tingin ko naman hindi mangyayari." Nagulat ata sila sa sinabi ko. Feeling ko tuloy ako yung nililigawan, pinagtitinginan kaya nila ako. :( "Ibig ko sabihin, kilala niyo naman si Chii di ba, masyado yang mabait. Masyado yang honest pag pag-ibig ang pinag-uusapan. Sino bang tinatakbuhan dito pag may problema sa crush o sa boyfriend? Di ba siya?" 

Tumango naman sila.Buti na lang at hindi na nila ako initriga pa. Minsan na nga lang ako magsalita, kung anu-anu pa nasasabi ko!

"Ok naman samin siya Chii eh, mabuti nga yun kung maging kayo, hindi ka mahihirapan sa kaniya kasi magkaklase lang kayo." Sabi ni Queen.

"Oo nga, tapos, andito pa kami. Hindi namain hahayaang balewalain ka lang nun." nakangiting sabi ni Sam.

"Basta ate, kung type mo na, sagutin mo na." walang hiyang baklang to. Hindi pa nga nakakapagdecide si Chii Michael!

"At wag ka na magpaligoy-ligoy. Pag mas matagal, mas mahihirapan ka lang." ang sabi ni Cess.

"Huwag kayo mag-aalala, nag-iisip lang ako ng mabuti. Ayoko lang magsisi sa huli kaya natatagalan bago ako magdesisyon. Nahirapan na nga ako samin ni Dylan di ba? Ayoko nang maulit yun."

It Started with a GlanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon