Special Chapter 1 - When I Met You

109 0 0
  • Dedicated to Jomar Cilot Besmonte
                                        

==================

Special Chapter 1

When I Met You

==================

Josh's POV

Mula nung nag-break sila, lagi na lang malungkot si Chiina. Tahimik, bihirang magsalita, ni hindi mo siya mapatawa. Hindi kami sanay na ganyan siya. Sa kadaldalan ba naman nun eh, hindi mo aakalaing kaya pala niya tumahimik.

Madalas na siyang makwento ni Allein sakin. Sa sobrang daldal kasi niya, walang hindi makakapansin sa kaniya. Kaya naman napansin siya agad ni Allein. Madalas ko kasi nahuhuli yung lokong yun na nakitingin sa best friend ko. Pero hindi ko na iyon kailangan tanungin pa. Samin kasing mga lalaki, hindi na kailangan pa nang tanungan.

Parang, automatic na iyon. Hindi na kailangan directly sabihing may gusto kami sa isang babae. Sa simpleng tingin lang, malalaman na namin agad iyon.

Kaya naman hindi na ako nagulat nung nagdecide siyang ligawan si Chiina. Inimagine ko lang naman iyon noon. Si Allein na tahimik at si Chiina na madaldal. Isang may pagka-mature mag-isip, at isang batang-batang mag-isip.

Kung iisipin, parang cute ng ganoong couple. Pero pag silang dalawa…. Hehehe.

Nag-work out naman yung relationship nila. Kahit na madalas eh nag-aaway sila, naayos naman nila. Nakakatuwa nga sila eh. Hehe. Away - bati. Haha. Pero pag good terms sila, grabe naman kung maglandian sa room. Haha. Joke lang :D

Sa pagkakakilala ko kay Allein, mabait siya. Hindi rin siya mahirap pakisamahan. Kaya nga naging bestfriends kami agad niyan eh. Napaka-approachable rin niyan, kaya nga nung nag-decide akong ligawan si Rose Anne, siya agad sinabihan ko. Kinailangan pa naming maglihim kay Chiina, dahil malamang kung nalaman niya yun agad, tiyak mauunahan pa niya akong sabihin iyon kay Rose. Hehe.

Maliban sa pagiging mabait at approachable niya, halos pareho rin kami ng personality, tahimik lang at pala-kaibigan. Malapit nga raw kami pareho sa mga babae eh. Hehe. Kaya naman hindi na ako nagtaka na naging close nga kami. At dahil din sa kaniya-kaya ko na-develop ko pa yung kakayahan ko sa paggawa ng tula. Ang unang tulang ginawa ko ay para sa first love kong si Myca. Naalala ko uling gumawa ng tula nung nagpapalitan si Chiina at Allein ng mga tula. Naisip kong i-try din gumawa uli. Sa unang try ko, naging maganda naman ang kinalabasan. Ginamit ko yung talent ko sa panliligaw kay Rose Anne, at yung iba ko namang ginawa eh para sa sarili ko lang. Hehehe.

Basta, sa kabuuan, magkasundong - magkasundo kami ni Allein.

In all aspects.

In almost all, I correct.

Kahit kailan kasi hindi ko naisip manloko ng tao, lalo na kung best friend ko o girlfriend ko.

Nalungkot talaga ako nung nalaman ko yung ginawa ni Allein kay Chiina, to think na best friend ko pa man din siya. Siguro, hindi ako magagalit kung magbbreak man sila sa ibang dahilan, yung tipong kunwari hindi na niya mahal si Chiina at my iba na siyang liligwan, matatangap ko pa. Kaso hindi eh. Para siyang nakipag-flirt habang may karelasyon pa siya. Pinagmukha niyang t*&%$ si Chiina. Hindi naman tama iyon. Wala naman ginawang masama si Chiina sa kaniya na ganoon na lang ang igaganti niya.

Pakiramdam ko pati ako nagkasala kay Chii. Hindi sa pakiramdam na ko ako si Allein at niloko ko siya, pero nagi-guilty din kasi ako sa ginawa ni Allein. Ako yung kasama niya nung nanliligaw pa lang siya, at ako rin yung supporter niya pagdating kay Chiina. Nagi-guilty talaga ako kahit alam kong hindi naman dapat.

Hindi ko naman mapigilan yung sarili kong magalit kay Allein. Best friend ko siya, pero best friend ko rin si Chiina. At alam ko naman kung sino ang nakagawa ng mali sa kanila.  At dahil sa ginawa niyang iyon, parang nagsisi pa tuloy ako dahil tinulungan ko pa siyang manligaw noon. Kasi kung hindi siya nanligaw, hindi sana nasasaktan si Chiina ngayon.

It Started with a GlanceWhere stories live. Discover now