==================
Chapter 18
On the Way Out
==================
Chiina's POV
Wala akong magawa ngayong bakasyon. Nasa bahay lang kasi ako. Hindi rin naman aklo pwede lumabas, hindi kami pinapayagan. Ewan ko ba, parang ang abnormal ng buhay ko. Palagi kaming nasa bahay, at papayagan lang gumala kapag school-related activity o di kaya pag kaming pamilya ang aalis. Hay. Naiinggit nga ako sa ibang mga teenager na kagay ko eh,, pinapayagn sila lumabas kasama ng mga friends nila kahit summer. Nakakainis. Hindi ko talaga maintindihan bakit ako hindi pwede.
Isa pa sa ayaw ko sa summer eh walang baon. Wala akong pera, kaya talagang hindi ako makakagala. Hay. Ayoko talaga dumating yung mga araw na ito kasi nga boring dito sa bahay. Tamad pa naman ako gumawa ng mga gawaing bahay. Hehehe.
Buti na lang at may summer classes kami sa Pathways., yung ANI. Bukas na nga start nun eh, kaya excited na ako! :))
Hopefully makakahanap ako ng bagong friends dun. Also, magiging busy din ako since mag-aaral pa rin ako.
At dahil sa pagiging busy, maiiwasan kong maisip yung lalakeng iyon. Hay.
Ayoko talaga mag-isa. Naalala ko lang kasi siya at naiiyak lang ako kapag naiisip ko yung mga nangyari.
Hindi lang pala lungkot yung nararamdaman ko - GALIT DIN. Sobrang galit.
Pero alam kong hindi na dapat pa tumgal itong galit na nararamdaman ko. Kaya naman sisiguraduhin kong magiging masaya ako sa ANI. :)
Super exciting! :D
==================
First day ng ANI.
Marami-rami rin pala kaming mga Pathways Participants. May mga galing sa ibang schools dito sa Markina pati sa Quezon City. Mabuti na lang at kasama ko sila Rose Anne. Pero maya-maya, ilalagay na kami sa kaniya-kaniya naming sections. Sana classmate ko pa rin sila!!
Nag-umpisa na yung orientation. Nakinig naman ako ng mabuti. Si Ate Len yung nagsasalita, isa sa mga Pathways staff. Nakinig naman ako ng mabuti. After ng ilang reminders, nagtawag na ng mga pangalan si Ate Kayelle, yung ANI Principal. Tinatawa niya yung mga estudyante na mapupunta sa section 3A. Natawag si Edcel. Pagdating naman sa girls, wala pang natatawag samin. Biglang…
"Rosheena Ricafuerte"
Ako yun ah!
Pumunta ako sa pila kung nasaan yung mga naunang tinawag. Syempre kinausap ko si Edcel.
"Sila ang mga nasa section 3A, and advance in English class."
Wow, advance English. Hehe. Nasa advance English class ako. Haha.
Teka, tapos na yung sa 3A? Wala si Rose? Waaaaahh!! Bakit di ko siya classmate? Bakit kaming dalawa lang ni Edcel? Sana kahit sila Josh na lang classmate ko!!!!
WAAAAAHHHHHHHH!!!! :(
Ayoko pa naman ng nag-iisa. :(
Hindi rin kami ganun ka-close ni Edcel, kaya naman… Hay.
Nakakainis naman kasi, baka mataas yung nakuha kong score sa exam. Nag-take kasi kami ng exam before summer, para sa sectioning iyon. Dapat pala hindi ko na lang iyon sineryoso. T_T
Napunta si Ana sa 3B, si Michael at Josh sa 3E.
Nakakainis naman to. Magiging loner na naman ako. Pero, hindi naman ganun yung personality ko eh.

BINABASA MO ANG
It Started with a Glance
Fanfiction(YongSeo) Takot ka na bang masaktan uli dahil sa nangyari dati? Takot ka na bang magtiwala uli dahil baka masira na naman iyon? Takot ka na bang magkagusto uli sa isang tao dahil baka mauwi lang lahat sa wala? Ganyan din ako noon, hirap magtiwala da...