Chapter 33 - User

63 0 0
                                        

==================

Chapter 33

User

==================

Jhyrus' POV

Balik-eskwela na naman pagkatapos ng medyo mahabang bakasyon. At kahit na bagong taon na, wala pa ring pagbabago sa amin ni Alex. Nakaupo lang ako rito sa classroom namin, tinatanaw siya sa corridor.

Nung mga araw na iyon, punung - puno ako ng pag-asa, hindi sa gift na ibibigay niya, kundi sa pagiging malapit uli namin sa isa't isa. Pero kahit isang text mula sa kaniya, wala talaga. Ngayong may pasok na, hindi pa rin kami nag-uusap. Hindi ko siya malapitan. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko sa kaniya. Kaya ito, hanggang tanaw lang ako sa kaniya.

"Uy Jhyrus!" biglang may tumabi sa akin.

"Oh, Ciarra, bakit ka naman nanggugulat diyan?"

"Napansin ko kasi, kanina ka pa nakatingin kay Alex sa labas. Bakit hindi mo siya lapitan?" tanong niya.

"Ha? Ehh… hindi ko kasi alam kung paano…"

"Bakit? Kamusta na kayo?" tanong uli niya

"Ayon, talo. Hanggang ngayon hindi pa rin kami nakakapag-usap. Hindi pa rin niya ako tinitext. Sira pa rin ba phone niya?"

"Sorry Jhyrus ah, hindi ko kasi alam eh." sabi niya.

"Ganun ba?" Wala naman akong magagawa kung hindi niya alam. Tumingin na lang uli ako sa labas.

"Ahm… Jhyrus?" tinawag uli ako ni Ciarra.

"Bakit?"

"Paano kung… Paano kung…" Hindi maituloy ni Ciarra ang sasabihin niya. Hhmmm…

"Paano kung ano?" Hindi pa rin siya makapagsalita. Nakatingin lang siya sa akin, at mukhang nahihirapan siyang sabihin kung anumang sasabihin niya.

"Ano yun Ciarra?"

"Kasi…" bakit parang kinakabahan ako?

"Ano nga? Nakakabitin ka naman oh." Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko. Parang may kakaiba sa sasabihin nitong si Ciarra.

"Paano kung naka-Sun na si Alex at si Nash ang katext niya ron?" biglang sabi ni Ciarra.

"Ha??" Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi nakasagot si Ciarra. Nararamdaman ko sa tingin niya sa akin na she feels very sorry for me.

Para akong unti-unting nilalamon ng nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan, pero parang wala na akong naririnig sa paligid ko. Wala na akong maalala sa mga nangyayari sa loob ng classroom, at wala na rin akong pakialam don.

Bigla kong naalala yung tanong ni Alex sa akin nung minsang magkausap kami. "Paano kung may iba na akong gusto? Paano kung…. Si Nash?"

Hindi naman ako nag-isip ng masama nang itanong niya sa akin iyon. Pero ngayon, parang may kakaiba akong nararamdaman sa sinabi ni Ciarra at sa tanong na iyon ni Alex.

Nakakabaliw.

Posible kayang gusto na niya si Nash noon pa?

Buong akala ko, tinanong lang niya iyon para malaman ang reaksyon ko. Pero ngayon... Haist! Gusto kong magalit! Hindi ko napansing napa-padyak pala ako ng malakas.

It Started with a GlanceWhere stories live. Discover now