==================
Chapter 38
Empathy, Sympathy
==================
Chiina's POV
Habang tumatagal eh mas nagiging ok kami ni Justin.
Mabait siya at matalino rin gaya ni Jhyrus. Isa pa, sweet siya sakin - isang bagay na hindi pa nagagawa ni Jhyrus. Eh bakit nga naman niya yun gagawin, eh wala naman siyang gusto sakin. :|
ASA-ness naman ako.
Kaya ito, kay Justin tuloy ako napunta. Ang sama ko ba?
Alam ko namang kay Zea siya, pero wala eh.
Isa pa, ang alam ko eh wala na rin naman sila. Oo, hindi nga naging sila, pero wala na ring kahit ano sa pagitan nila ngayon.
Wag niyo na akong tanungin kung bakit kasi hindi ko rin alam. Hindi rin naman sinasabi ni Justin sakin yun, at pakiramdam ko, ayaw niyang pag-usapan.
Wala talaga sa prinsipyo ko yung mga nangyayari. Kapag nagkaroon ng something ang isang lalake sa isa sa mga kaibigan ko, ayoko ring magkaroon ng something sa lalaking yun.
Yung iba ko kasing classmate, nagpapasahan lang sila ng mga boyfriend. Kahit kabarkada nila yung mga yun, still, "nagpapasahan" pa rin. Maybe they are not serious, pero di ba, it still counts.
Kaya naman wala talaga sa plano kong magkagusto kay Justin dahil nga nauna si Zea sa kaniya.
Yun lang…
Yun lang talaga. :(
Sino ba namang hindi magkakagusto sa lalaking mabait sayo at sweet pa? At hindi ko naman ipagkakaila eh, pogi rin naman siya gaya ni Jhyrus. Sa totoo lang, may mga nagkakagusto talaga kay Justin dito sa school. Pala-kaibigan kasi at madali siyang maging ka-close ng mga babae, kaya naman hindi na yun nakapagtataka.
Hindi siya playboy. Sadyang malapit lang siya sa mga girls.
Kaya nga naiinis ako sa tuwing marami siyang katext tapos ang bagal pa niyang magreply sakin. Katext din niya kasi si Lora, taga-section 2 ng batch ko. Nagkakilala sila nung naging ST namin si Justin at Lander nung Teachers Week. Sus, mas maputi lang yun ng konti sakin, pero di hamak na mas maganda at mas charming ako sa kaniya! Hahaha! Ang taba kaya nun. xD
Ang mean ko. Haha. Pero totoo talaga, mas payat ako kesa sa kaniya. :)
Maliban samin ni Lora, may katext pa siyang 1st year. Balita ko, pinsan yun ng classmate niya. Grabe, d ka rin habulin ng mga babae no Justin?

BINABASA MO ANG
It Started with a Glance
Fanfiction(YongSeo) Takot ka na bang masaktan uli dahil sa nangyari dati? Takot ka na bang magtiwala uli dahil baka masira na naman iyon? Takot ka na bang magkagusto uli sa isang tao dahil baka mauwi lang lahat sa wala? Ganyan din ako noon, hirap magtiwala da...