Special Chapter 2 - The Red Envelope

70 0 0
                                        

Disclaimer:

This chapter is based only in the author's assumptions, given some factual events. :)

==================

Special Chapter 2

The Red Envelope

==================

Raine's POV

May mga bagay talaga na akala mo ordinaryo lang.

Yung tipong hindi mo napapansing andiyan o sadyang hindi mo pinapansin kasi akala mo, wala lang yung mga yon.

Pero, kapag nawala na…

 Saka mo lang mare-realize na nasa tabi mo lang pala…

Na kailangan mo pala siya..

At kung gaano siya kahalaga.

==================

Hindi ko naman inakalang darating ang araw na ito.

Noong una kasi, simpleng kaibigan at kaklase ko lang naman siya. Yun pala, nag-iiba na ang turing ko sa kaniya, nang hindi ko man lang nalalaman.

Hindi ko nga ba alam o hindi ko lang inaamin sa sarili ko? Hay.

Bahala na kayong mag-judge.

Nagustuhan ko si Lander nung 2nd year pa lang kami. Matalino kasi siya at saka mabait. Although hindi naman siya ganoon ka-gwapo, hindi naman siya pangit. Basta. Nakaka-overwhelm lang yung katalinuhan niya, lalo na sa Math.

Kung tutuusin, mukhang average student lang iyong si Lander. Simple lang kasi siya. Hindi rin siya mayabang, kahit pa sabihin nating may maipag-mamayabang naman siya. Hindi rin niya pinupuri yung sarili niya. Parang, wala lang sa kaniya kapag mataas ang nakukuha niyang grades. Pero ayon sa pagkakakilala ko sa kaniya, siguro talagang mabilis lang mag-process yung utak niya. Mabilis niya kasi natututunan yung lessons sa Math, at ilang practice lang eh kuhang-kuha na niya. Pero syempre, hindi naman siya henyo talaga na hindi nagkakamali. Kumbaga, isa lang siya sa maraming estudyanteng nakakaangat sa iba.

Kagaya ng iba, may kahinaan din naman yung taong iyon. Kung magaling na magaling siya sa Math, kahinaan naman niya ang English. Kumbaga, ito yung weakest point niya, although hindi naman siya talaga mababa rito. Ang taas pa nga rin niya eh! Hehe.

Yun ang dahilan kung bakit ko siya nagustuhan. 

Pero sa akin, hanggang doon na lang iyon. Paghanga. Wala naman akong ibang hinihiling eh.

Isa pa, hindi rin ako umaasa, kasi hindi kami close nun.

Hindi pa nga ata kami nag-uusap ng matagal eh. Ayoko rin naman mag-usap kami ng matagal, kasi baka may makahalata sa akin. Nung minsan kasing nagtawag ako ng attendance sa Math nung 3rd year, hindi ko napigilang ngumiti nung si Lander na yung tinawag ko. Nalaman tuloy nila Lorry na gusto ko siya. Ayoko pa naman ng nagiging center of attention ako. Gusto ko lang, mag-aral, at maging tahimik as possible.

Kaya lang, nang dahil sa isang text, nagbago ang lahat.

Magkatext lang naman kami nung una. Hindi ko kasi siya nakakausap sa room kasi pareho kaming bihira lang magsalita. Isa pa, tingin ko wala rin namang dahilan para mag-usap kami. Pero nagulat ako nung nagtext siya. Sa akin, ok lang naman. 3 years ko na rin naman siyang classmate nung mga panahong iyon kaya wala akong ibang iniisip. Isa pa, hindi kami lagi nag-uusap kahit pa matangal na kaming nag-aaral sa iisang classroom.

It Started with a GlanceWhere stories live. Discover now