==================
Chapter 12
Glance
==================
Chiina's POV
Ang saya lang ng bakasyon ko.
Kahit pa nagkatampuhan kami ni Allein nung last day of classes, nagkaayos din kami agad. Eh kasalanan naman kasi niya. Ang saya ko pa naman nung sumali ako sa mga games. Muntik pa kami manalo ni Ryan sa newspaper dance. Hehe. Tapos, sabay pa kaming kumuha nung food ni Allein.
Ang saya talaga nung araw na iyon. Sabay-sabay kumain ang buong barkada. Para talaga kaming isang malaking pamilya. Tapos nung uwian na, hindi man lang niya ako inantay. Ni hindi man lang siya nagsabi saking aalis na pala siya. Hindi ko sigurado, pero sumama ata siya sa mga boys na gumala. Hindi naman kasi gumala yung girls eh, kaya diretso uwi ako.
Sobrang naasar ako sa kaniya. Alam niyo iyong feeling na iniwan lang kayo ng walang pasabi?
Hello? gf here?
Badtrip talaga ako sa tuwing naalala ko yung araw na iyon.
Pero nangyari na ang mga nangyari. Ang mahalaga eh nagkaayos kami bago mag-Christmas.:) At nung bagong taon, syempre masaya rin. Kasama ko lang family ko. Saka katext ko rin si Allein.
Simpleng celebration lang naman yung meron kami eh. Pero masaya naman kasi buo yung family namin sa pagsalubong ng 2007. :)
==================
Maraming nangyari sa pagsisimula ng taon.
Andun yung maraming projects, homeworks at kung anu-anu pa. Nagka-MHS camp din kami. Idagdag mo pa yung nagdaang 3rd Periodical Exams. Take note, halos magkalapit yung araw nung camp sa exam week. Isipin niyo na lang kung gaano kami kasabik sa camping nung time na yun, and after that, exam na pala. Halos di kami nakapagreview ng maayos. Hassle talaga. As in.
Maliban pa pala ron, marami ring nangyari sa barkada.
For the first time mula nung una kong nakilala si Rose Anne..
Nagkatampuhan kami. Alam niyo kung paano?
Alam niyo yung love square?
Ito yung 4-person version ng LOVE TRIANGLE.
Yes. It happened to me, Allein, Rose Anne and Josh.
I did not know how and when it started. I did not even know that it would to the 4 of us. Of course it is possible, pero dahil sa friendship na meron kaming apat, parang hindi dapat yun nangyari.
Or dahil kaya ron sa friendship namin kaya kami nagkaselosan?
Pwedeng oo, pwedeng hindi.
Hindi ko na nga rin malaman kung sino ba unang nagselos. Parang, automatic na lang siyang nangyari samin. At nung mga panahong iyon, sobrang awkward. Halata kasing may something saming apat.
Sabay kami ni Josh pag break time, tapos si Rose Anne at Allein naman ang magkasama.
Ang labo talaga.
At nung mga time rin na yun, naguguluhan din ang barkada samin ni Rose Anne. Hindi kami magkaaway, pero hindi lang din kami nag-uusap. Siguro pati sila Sam, hindi rin alam kung paano kami pakikitunguhan. Alam ko na rin naman kasi yung pakiramdam na kailangang mag-ingat sa mga kilos na gagawin para hindi ka maging bias.
Imaginine niyo na lang na magkasama kayo, pero may dalawang hindi nag-uusap, to think na best friends pa sila. Yung iisa kayo ng barkada, pero kahit anong gawin niyo, kahit anong buksang topic eh meron pa rin sa kanilang hindi magsasalita.

VOUS LISEZ
It Started with a Glance
Fanfiction(YongSeo) Takot ka na bang masaktan uli dahil sa nangyari dati? Takot ka na bang magtiwala uli dahil baka masira na naman iyon? Takot ka na bang magkagusto uli sa isang tao dahil baka mauwi lang lahat sa wala? Ganyan din ako noon, hirap magtiwala da...