==================
Chapter 41
5 o'clock
==================
Chiina's POV
"Sasabihin ko na ba?"
"Aba, malay ko sayo. Ikaw tong nagsabing may sasabihn ka eh. Hahaha." Nakakatawa talaga itsura niya. Hahaha. Kinakabahan na ewan. :)
"Ah, wait lang, ah, bebwelo lang ako…"
Pinipigilan ko lang talaga tumawa. Pero sa totoo lang, kanina ko pa gustong tumawa. Pano ba naman, nauutal-utal siya sa pagsasalita. Tapos sobra pang pinagpapawisan. Hindi naman mainit. Muka pa ngang uulan anytime eh!
Hahahaha!!! Sana mapigilan ko pa tong tawa ko!
"Hahaha. O sige. Curious talaga ako. Magpunas ka nga muna ng pawis mo, kabadong-kabado ka naman masyado. Haha."
Kanina pa kami nakaupo rito sa may waiting shed sa my school namin.
Nung gabing tinext niya na ako na may sasabihin daw siya sakin, alam ko na kung ano yun.
Scratch that.
May clue lang pala ako.
Clue dahil hindi pa rin naman ako sigurado.
Clue, dahil ayoko pa ring mag-assume.
Pero alam ko rin namang hindi ako lolokohin ni Justin sa mga sinasabi niya sakin. Kaya somehow, naniniwala ako.
Naniniwala na akong gusto ako ng lalaking katabi ko ngayon.
Parang kagabi lang nung sinabihan niya akong magkita kami ngayong araw. Busy pa nga ako kanina dahil may groupings kami. Ilang araw na lang kasi eh ipapalabas na namin yung Noli presentation namin.
Tuwang-tuwa ako nung ibalita ko yun kina Rose Anne. Sabi ko, sa wakas, matutupad na yung wish ko. Hindi nga pala nila alam yung tungkol sa thingy namin ni Justin, kaya di ko rin masabi sa kanila na may alam na ako sa posibleng mangyari sa araw na to. Pero kahit ganun, nakita ko naman na masaya sila para sakin.
Lalo ko lang napatunayan sa sarili ko na posible ngang hindi na ako nag-a-assume. Nagbukas ako ng FS kanina, at as usual, profile lang naman niya yung tinitingnan ko. Sinamahan pa nga ako ni Alora at Princess eh. Nakita ko na wala na si Alexa sa featured friends niya.
And guess what?
Napasigaw pa yung dalawa nung makita nilang ako na yung una sa listahan.
Nakakahiya!! Hahaha!
Pero ang totoo niyan, oo kinilig ako na halos gusto ko nang tunawin yung monitor. Kaso pinigilan ko. Mapapabili pa ko ng monitor ng di oras eh. xD
Tiningnan ko siya habang nakaupo siya sa tabi ko. Isang bakal lang ang nasa pagitan namin. Nasa waiting shed nga kasi kami. Nagkakahiyaan.
Nakikita ko sa muka niya na nahihiya siya.
Napangiti na lang ako.
"Oh ano na? ang tagal naman." Hindi naman ako naiinip. Hindi ako atat no! Haha. Gusto ko lang maging confortable siya sakin. Comfortable? Sa ganung paraan? Kung anu-ano na sinasabi ko. >.<
"Saglit na lang talaga." Napangiti uli ako. Bigla uli siyang nagsalita. "Ah, alam ko na, magbilang ka ng yellow na sasakyang dadaan, pag naka 50 ka na, saka ko sasabihin."

YOU ARE READING
It Started with a Glance
Fanfiction(YongSeo) Takot ka na bang masaktan uli dahil sa nangyari dati? Takot ka na bang magtiwala uli dahil baka masira na naman iyon? Takot ka na bang magkagusto uli sa isang tao dahil baka mauwi lang lahat sa wala? Ganyan din ako noon, hirap magtiwala da...