Chapter 16 - In a Blink of an Eye

100 0 0
                                        

==================

Chapter 16

In a Blink of an Eye

==================

Chiina's POV

"Tawagin niyo si Allein."

Nagulat sila sa sinabi ko. Mag-oobject sana si Sam, pero pinigilan siya ni Rose Anne. Labag man sa loob niya, tinawag ni Josh si Allein…

"Sigurado ka ba dyan Chii?" Tanong ni Sam.

"Kailangan ko malaman ang totoo."

"Tama si Chii, Sam." Pagsang-ayon ni Queenie.

"Tara, iwanan muna natin sila." Aya ni Princess.

"Wag." Napatingin sila lahat sakin.

"Ah, sige Chii. Samahan ka na namin ni Princess." Sabi ni Queenie.

"Punta lang kaming canteen Chii, may papabili ka ba?" Tanong ni Rose Anne.

"Wala naman. Mamaya na lang siguro ako kakain."

"Sige Chii, pagbalik ni Josh, alis muna kami." sagot niya.

Maya-maya pa, bumalik na si Josh kasama si Allein. Tumayo si Rose Anne at Sam mula sa kinauupuan nila. Walang pumansin kay Allein. Nakaupo kami sa first row, sa kaliwa, sa may gilid ng jalousie. Umupo si Allein si tabi ko. Si Princess at Queenie naman, umupo sa may di kalayuan samin.

"Punta na muna kaming canteen Chii." sabi ni Rose Anne.

"Sama ako Rose." pahabol ni Sam.

Josh gave me a weak smile. I don't know if it was a sign of affirmation for what I am going to do, or sympathy for what I'm about to know.

Oh well, I guess that's for support.

I manage to gave him the most sincere smile I could, despite having swollen eyes. Hay. Tama ba itong ginagawa ko? Bahala na. Andito na rin naman ito.

Tahimik lang si Queenie at si Princess. Halatang hinhintay nilang may magsalit samin ni Allein. Kahit na pinatawag ko na siya, hindi ko pa rin alam kung anung sasabihin ko sa kaniya. Hindi ko alam paano ako magtatanong.

Hindi ako handa. 

Nagsimula na namang tumulo yung luha ko. Nilapitan ako ni Queenie at Princess.

"Chii, tama na yan, baka hindi na ito kailangan. Umiiyak ka lang eh." sabi ni Princess.

"Kailangan ko nga malaman yung totoo." Hindi ko na napigilang umiyak.

"Chii." nagsalita na siya. Hindi niya ako matingnan ng harapan. Umupo na si Princess at Queenie sa tabi ko.

"Bakit mo ito nagawa sakin?" As much as possible, sinusubukan kong hindi humikbi kapag nagsasalita ako. Tama nang alam niyang umiiyak ako.

Hindi siya nagsasalita. Awkward silence. Bakit ba ayaw niya sumagot? Yun lang naman ang gusto ko eh, ang malaman ang totoo.

"Bakit mo ito nagawa?" Tinanong ko siya uli. Still, no answer. Ilang beses ko iyon tinanong sa kaniya, pero wala pa ring sagot na nakakarating sakin. Paulit- ulit. Nagsasawa na nga ako eh. Kung hindi lang ko lang gustong malaman yung too, hindi ko ito gagawin. Unti - unti nang nauubos ang pasensya ko. Hanggang sa…

It Started with a GlanceWhere stories live. Discover now