Chapter 7 - Inspiration, Motivation

155 1 0
                                        

==================

Chapter 8

Inspiration, Motivation

==================

Jhyrus' POV

4:00 am na naman. Kagigising ko lang.

Isang araw na naman ang ilalagi ko sa school. Pero sa ngayon, ok lang iyon. Makikita ko naman si Raine eh.

Maghahanda muna ako. Kahit na tinatamad ako minsan pumasok, ayoko talagang umabsent. Bukod kasi sa hindi ko makikita si Raine, feeling ko marami akong mamimiss na lessons sa Math. Pati na rin sa coaching namin. Hindi naman ako pinakamagaling eh. Sakto lang naman.

Hindi sa nagmamayabang ako. Pero tingin ko, mabilis ko lang naiintindihan yung lessons sa Math kesa sa ibang students. Pero mas magaling pa rin sakin si Lander at Denz. Hehehe. Isa pa, medyo mataas ang expection samin ni Ma'am. Naalala ko pa nga nung first meeting namin sa kaniya. Nag-eexplain siya nun ng class rules and course requirements.

Tapos bigla niyang sinabing.... "Sinu-sino 'tong mga 'to: Mendoza, Putian, Rosal, Sarangay, Tagasa, Villareyes at Undayag?"

Kinabahan pa ko nung time na yun. Akala ko kasi kung ano eh.

"Aba, pitong lalake pala. Sige, simula bukas, magcocoaching na tayo after ng class niyo, mga 1:30 para makapag-lunch muna kayo." sabi ni ma'am. Nung 2nd year kasi, kaming pito yung napili ng Math teacher namin for review para sa mga quiz bees and contests.

Nung sinabi pa niya 'yon, ang taray ng dating. Mataba kasi si Ma'am at medyo maliit. Mahaba pa yung buhok niya at kulot pa. Maputi rin siya. In short, mukha siyang hindi Pilipina. Hehehe.

May something pa sa mata niya na lalo nagpapataray sa kaniya. Basta. Ang hirap i-describe eh. Pero kahit ganun si Ma'am, mabait naman yun.

Inspired na inspired pa naman ako ngayong araw. Kaya nga tinititigan ko yung Math notebook ko eh. Tinitingnan ko kasi yung pirma ni Raine. Ang cute talaga ng penmanship niya! Hehehe.

Mukha ngang nahahalata na niya ako eh. Pero ok lang. Hayaan ko na lang. Baka in that way, maka-usap ko na rin siya. :) 

==================

Friday pala ngayon. Cleaners kami. :( Mauuna tuloy umalis si Raine. :( 

Bakit ba naman kasi Villareyes ang apelyido ko? T_T Benitez naman siya. Hay naman. Monday cleaner tuloy siya. Kainis talaga!

Inaayos ko yung arragement ng mga upuan. Nakita ko si Lorry na nagwawalis. Hingin ko kaya sa kaniya yung number ni Raine? Tssss... Sige na nga. Nilapitan ko siya. "Lorry.." Pano ko ba hihingiin?

"Oh, bakit Jhy?" tanong niya. Pano ko nga hihingiin?! :(

"Ah, eh..." Hindi ko talaga alam. :( "May... number... ka ba ni...." Bakit ba hindi ko masabi? :(

"Ni?" tanong niya. Pahirapan naman to.

"ni... Raine.." Nasabi ko rin!

"Sabi ko na nga ba Jhyrus eh. Halata ka na." nakangiting sinabi ni Lorry. Asar :(

"Pahingi na oh. Wag mo na ko pagtripan, bigay mo na lang kundi tatawagin ko si Lloyd." matakot kaya siya sa banta ko? Hahahaha.

It Started with a GlanceWhere stories live. Discover now