Chapter 11 - Improvement

119 0 0
                                        

==================

Chapter 11

Improvement

==================

Jhyrus' POV

January 2007 

Ako na ata ang pinakawalang kwentang tao sa buong mundo. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin kayang kausapin si Raine.

Nagdaan na ang Pasko, Bagong Taon, wala pa rin. Patapos na rin ang January, pero olats pa rin ako sa hiya ko. Ka-lalake kong tao, hindi ako magkalakas ng loob. 

Bakit ba kasi ako ganito.

Hindi ko napansin, pero English na pala.

“Ok class, I thought it would be fun to have your seating arrangement rearrange during our class. What do you think?”

Sigawan ang mga classmate ko.nAnung nakakatuwa ron? Eh papasok pa rin naman kami. Buti kung hindi na. Hehehe.

“However, you will be the one to decide who will sit next to each other.” Lalong nagsigawan yung mga classmate ko. Nag-uusap usap na sila kung sino-sino ang magkakatabi. Anu kayang puamsok sa isip nitong si sir? Hehehe. Siguro natuwa si Raine. May chance na kasing makatabi niya si Lander.

“Shall we begin?” nakangiting sabi ni Sir Trillo.

Akala ko matutuwa na talaga si Raine. Kaso mukhang hindi.

Napunta sa tabi ko si Lander, kaso katabi naman ni Lander sa kabila si Jona. May gusto rin kasi si Jona kay Lander. Kung si Raine, tahimik tungkol sa feelings niya, kabaliktaran naman niya si Jona. Masyadong vocal yun, kaya naman buong klase, pati na rin ata yung kabilang section, ehalam na gusto niya si Lander.

Magkatabi na nga silang dalawa. Kawawa naman si Raine. 

May ilang love teams pa ang pinagtabi. Syempre chance na kasi yun para sa mga asaran. Pero di lang naman yung mga nililink sa isa’t isa ang mga pinagtabi. Yung iba naman, gusto katabi mga barkada nila. Hehehe. Ako na lang ata ang hindi maililipat.

“Is that all?” tanong ni sir. Mukhang dito pa rin talaga ako. Hahaha. Mabuti na rin yun.

“Teka po sir, meron pa po.” Kilala ko yung boses na yon ah.

“Sige Lorry.” Sabi ni Sir.

“Sir si Jhyrus at Raine!” sigaw ni Lorry.

Biglang nag-hiwayan yung mga classmate ko. Saka lang nag-sink sakin yung sinabi ni Lorry.

“Sir si Jhyrus at Raine!”

Patay na.

Ayokong mag-take advantage, kaya hindi ako tumayo at lumipat ng upuan. Hindi naman kasi pinalipat ni Sir yung katabi ni Raine.

Nagulat na lang ako nung nakita kong nakatayo si Raine sa gilid ko. Hindi ko napansing pinalipat pala siya ni Sir sa tabi ko. Haist.  Tss.. BV naman to eh. Syempre gusto ko magkatabi kami , pero hindi sa paraang ganito. Hay naman!

“So class, that will be you permanent seating arrangement for English." sabi ni Sir Trillo.

Ang resulta ng lahat ito: nasa kanan ko si Raine, nasa kaliwa ko si Lander at nasa kaliwa naman niya si Jona. Siguro masaya na rin kahit papaano si Raine dahil mas nakalapit siya kay Lander.

It Started with a GlanceWhere stories live. Discover now