Chapter 1 - Undefined

417 2 1
                                        

==================

Chapter 1

Undefined

==================

Chiina's POV

August 2006

Kadadaan lang niya sa classroom namin.

Nagtago pa ako sa ilalim ng desk ng upuang nasa may bintana. Akala ko kasi, hahanapin niya pero hndi naman pala. Hindi nga ata sumilip eh. Aaaarhh!!! Nakakainis!!! Bakit ba siya ganun?

Kala ko ba ok na kami. :(

Minsan ang sweet niya, dadaan siya sa room namin, sisilip, tas ngingitian ako.  Bakit ba kasi hindi kami magkaklase? >.<

OMG. mababaw talaga ako. Lalo na pagdating sa kaniya.

Sweet nga siya at times, pero madalas naman siyang hindi namamansin! EPAL! Ang laking SNOB! Ako ba talaga dapat manguna???! Eh ako babae ah!

Umupo na ko sa chair ko.

"Chii, kung nagagalit ka, magsalita ka kaya, hindi yung para kang mute dyan." sabi ni Rose Anne sakin habang nakangiti.

1st year high school pa lang, magkasama na kami ni Rose Anne. Ngayong 2nd year na kami, ayan close pa rin :) hehehe. Isa siya sa mga tinuturing kong bestfriend.

"Sus, di ka na nasanay dyan kay Chii, kinakausap na naman niya sarili niya eh." Pang-asar talaga tong si Queenie na siyang pinaka-bubbly samin. (ano raw? :)) 

"Wag niyo nga istorbohin si mommy ko, sigurado naman akong iniisip niya si Daddy Dylan eh." banat naman nitong si Princess, ang "anak" ko kuno sa barkada. Mommy tawag niya sakin, at siya naman si bebe ko.

Tawa naman sila.

Baliw talaga tong mga to. May gana pa silang asarin ako. Hay. Pero totoo naman. Si Dylan talaga ang iniisip ko. Ang labo naman kasi ng lalakeng yun.

Ang alam ko, sinagot ko na siya. March 24, 2006 pa nga yung araw na yun eh. Oh dba? xD

Pero bakit ganun, di kami nagpapansinan? Kami ba talaga?

Over the summer break, araw-araw naman siyang dumadaan sa may bahay namin, pero hanggang tinginan lang kami. Tapos nung birthday ko last month, binati lang niya ako nung dumaan siya sa room namin. (wala man lang gift??!! hahaha joke lang xD)

After nun, wala na.

 Bihira ko na siya nakita. :(

NAKAKAINIS!! Di ko talaga gets T_T

"HOY CHIINA!!! di ka ba talaga magsasalita dyan??!!" sigaw ni Princess.

It Started with a GlanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon