==================
Chapter 37
Unconscious
==================
Jhyrus' POV
Nitong mga nakaraang araw, ang Boyz Olmyti ang naging karamay ko sa mga pinagdadaanan ko. Pero siguro, napakaswerte kong talaga kasi maliban sa kanila, may isang tao pang laging nandiyan para sakin. Oo, hindi pa kami close personally, pero kapag magkatext kami, gumagaan agad pakiramdam ko. Feeling ko matagal na kaming magkakilala, kahit pa ilang buwan pa lang ang nakararaan.
Hindi lang niya ako basta basta kino-comfort ni Chiina through words like, "Kaya mo yan", "Marami pa diyang iba". Kapag siya na kasi ang kausap ko, pakiramdam ko wala akong dapat itago. Mas nagiging totoo ako sa sarili ko - natatanggap ko kahit pa naging t@nga nga ako kay Alexa at hindi ko ito ikinahiya. Basta, komportable ako sa kaniya, lahat ba naman ng sinasabi ko eh pinapakinggan niya, kahit pa yung iba ron eh wala namang kwenta. Hehe.
Isa pa, napansin ko na mas naging lively ang pagtetext namin mula nung di na ko nagkukwento tungkol kay Alex. Mas mahaba na mga reply niya at mas tumatagal ang usapan namin.
At ang mas kapansin-pansin pa rito, halos gabi-gabi na kaming magkatext. Kapag kasi tingin kong nakauwi na siya, itetetxt ko na siya agad. Maya-maya lang, magrereply din siya. Sana pati sa personal ganito rin kami. Ang cute cute kasi niya talaga, para siyang bata.
Dahil sa mas madalas naming pagtetext, mas nakilala ko pa siya talaga. Blue ang favorite color niya kahit puro color pink halos lahat ng gamit niya. Mama raw kasi niya ang madalas bumili ng gamit niya, kaya raw puro pink. Haha. Nalaman ko ring favorite food niya ay pasta at pizza. Gusto niya ring pumunta sa Italy someday para ron kumain ng mga paborito niya. Hahaha. Mahilig din siya sa sweets especially chocolates. Kahit anong klase pa raw yan, kakainin niya, wag lang daw yung dark chocolate. Haha. Mapakla raw kasi. :) Kung yun ang paborito niya, ayaw naman niya ng… GULAY! Hehe. Sabi niya, siguro raw epekto yun ng mga baby foods na kinakain niya nung baby pa siya, tulad ng Gerber. Hehe. Nakakatuwa talaga siya. I can't help but smile every time maalala ko yung mga kwento niya. :D
Hanggang sa…
From: Chiina :)
.+'kUya jHy, antok nA ko. MaAga ka pA po bukAs. :)
Medyo late na nga. Inaantok na rin ako.
To: Chiina :)
Ok lng un, enjoy nman eh. Hehe. Oh sya, slmt sa tym ah. Bukas uli. Gudnight! Sweetdreams! Mwah!
Hindi ko na napigilan yung mga daliri ko. Sa sobrang saya ko, gusto ko siya bigyan ng goodnight kiss. Pero tama kaya ito? Ang lakas ng tibok ng puso ko habang pinag-iisipan ko kung isesend ko na ba o buburahin yung "Mwah!" Pero naisip ko, wala namang masama. Goodnight kiss lang naman yun. Sila Lorry nga may ganun kapag nag-GM eh. Kaya pinindot ko na ang Send.
Kinakabahan ako sa reply niya. Ang tagal. Bigla naman akong nahiya sa ginawa ko. Haisstt…
One message received…
Ito na, kinakabahan na ako.
From: Chiina :)
.+'slmAt dn sa tYm kuyA.mhLaga rn yUng my sApt na 2log.hEhe.gUdnyt!swEet dreAms! muAh! :)
Hay salamat naman. Akala ko may sasabihin siya eh. Ang masaya pa ron, nag-goodnight kiss din siya. Hehehe. Sarap ng tulog ko nito. (January 19, 2008 :))

YOU ARE READING
It Started with a Glance
Fanfiction(YongSeo) Takot ka na bang masaktan uli dahil sa nangyari dati? Takot ka na bang magtiwala uli dahil baka masira na naman iyon? Takot ka na bang magkagusto uli sa isang tao dahil baka mauwi lang lahat sa wala? Ganyan din ako noon, hirap magtiwala da...