==================
Chapter 23
The Next Chapter
==================
Jhyrus' POV
Pumasok na ako ng room pagkatapos namin mag-usap ni Alexa.
"Sino naman yung babaing yun Jhyrus?" Nagulat naman ako sa tanong ni Lorry.
"Ah, si Alexa yon. Ngayon lang kami nagkakilala."
"Talaga lang ha… Biglaan naman ata yan. Pano na si Raine?" Hindi na niya ako hinitay sumagot. Tumalikod na lang siya bigla at naglakad palayo.
Ano kayang nangyari? Bakit kaya ang sungit ni Lorry ngayon? Parang ang bitter niya kay Alexa. Paano na raw si Raine? Bakit naman niya nasabi iyon, eh siya mismo alam niya na wala akong chance kay Raine. Tapos magtatanong siya ng ganun? Labo naman…. Isa pa, nakipagkilala lang naman si Alexa, tingin ko naman eh walang masama ron. Pero…. Basta, ang labo talaga. Ano kayang ibig niyang sabihin ron?
Hindi ko na lang masyadong inisip yung sinabi ni Lorry.Bago ako makaupo sa upuan ko, may tumapik sa akin.
"Sino yung girl na kausap mo kanina sa corridor?" Tinanong ako classmate kong si Peaches. Last year lang namin siya naging classmate, transferee kasi siya eh. Maliit lang siya, may kaputian at masasabi ring maganda. Naging girlfriend na nga siya ng ilan naming classmates eh, kahit bago pa lang siya sa amin. Ngayon lang kami nagkausap nito, seatmate ko kasi siya pag Filipino.
"Ah, si Alexa, section 2. Nakipagkilala lang. Bakit?"
"Ahhhh… wala naman." Nginitian lang niya akoat naglakad na rin siya palayo.
Ang weird naman ng mga tao ngayon. Tanong ng tanong. Ahhh. Siguro naninibago sila kasi may nakipagkilala sa akin. Tahimik lang naman kasi ako.Umiikot lang yung social life ko sa loob ng section namin. May mga kakilala rin ako sa ibang section pero nakilala ko lang sila dahil tropa rin sila ng Boyzolmyti kaya naman nakakalaro ko rin sila sa basketball paminsan-minsan. Pero kung tutuusin, hindi talaga ako ganoon ka-friendly. Kaya siguro nanibago bigla mga classmates ko.
Well, masasanay din sila dahil mukhang hindi lang iyon ang unang pagkakataon na magkakausap kmi ni Alex. Hihihihi (evil laugh xD)
==================
Ano ba itong nararamdaman ko. Kanina pa ako di mapakali kung magtetext ba sa akin si Alexa. Iniisip ko kasi paano kung di niya ako replyan kapag tinext ko siya. Hay. Heto na naman ako sa katorpehan ko.Eh anong magagawa ko? Nahihiya talaga ako.
(cellphone buzzing)
One message received.
From: Alex :)
Ei
Buti na lang at nagtext siya! Nabawasan na yung kaba ko. Ngayon, anung sasabihin ko? Boring akong tao, boring din ako katext. Hay. Bahala na nga.
To: Alex :)
Hi Alex! Kmsta araw mo?
Amp! Syempre ire-reply niya "Mabuti naman." Dapat pala nag-open ako ng topic. Wrong move. Bakit ba kasi ako kinkabahan ng ganito. Nakakainis talaga!
From: Alex :)
Eto ok namn. Knna pa ko may iniicp kya tnxt kta pra may mkausp ako. Ok lng ba? Baka naaabala kta?

YOU ARE READING
It Started with a Glance
Fanfiction(YongSeo) Takot ka na bang masaktan uli dahil sa nangyari dati? Takot ka na bang magtiwala uli dahil baka masira na naman iyon? Takot ka na bang magkagusto uli sa isang tao dahil baka mauwi lang lahat sa wala? Ganyan din ako noon, hirap magtiwala da...